Hindi ko alam ang isasagot kay Mr. La Cuesta sa pagyaya niyang samahan siyang pumunta ng San Carlos. Pero dahil ngatratrabaho ako sa kanya ay tama din naman siguro na sumama ako. He's the boss and I feel like I should abide him. Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin namin."At anong gagawin? Hmm bakit ka sinasama?" tanong ni Kristine
Nag-alinlangan akong sabihin sa kanya ang tungkol don. But I need to because she's my dearest friend. Baka hanapin ako niyan kapag nawala lang ako bigla.
"Hindi ko alam. Hindi ako nagtanong sa kanya"
Pagkatapos ko siyang samahan na bisitahin iyong important guests namin ay bumalik rin naman ako kaagad sa front desk. Wala rin naman akong gagawin dito. Naghihintay lang kung merong day guests para sa ngayon araw. Siguro wala dahil wala rin namang reservation.
Nang dumating si Sir Martin ay tinigilan ako ni Kristine sa mga tanong niya. Kahit wala naman gawain ay nagkukunwaring siyang may inaayos sa mga folder na nakalapag sa aming table. Guess who's trying to look cute here.
"Anong oras ba kayo aalis?" Tumabi siya sakin habang pasulyap-sulyap parin kay Sir Martin na busy sa kung anong bagay.
"Pinapaalis mo na ako?"
"Medyo" she's straightforward too, "Pag umalis ka kasi diyan uupo si crushy"
Nakasimangot siya dahil ang tagal daw naming umalis.
Ten minutes before eleven o'clock and Mr. La Cuesta is not here. Siguro umalis siya mag-isa dahil hindi ko naman sinabing sasama talaga ako. Nakaramdam na ako ng gutom kaya dapat siguro kumain na ako ng pananghalian.
Tatayo na sana ako ng makita siyang lumabas ng restaurant. He was with someone. Iyong lalaki yata na pinuntahan namin kanina. Nag-uusap sila at may sinabi iyong lalaki na kinangiti ni Mr. La Cuesta.
I don't know. I find him attractive every time he smiled like that.
"Ayon na si Sir baka aalis na kayo. Teka nag-ayos ka ba?" nilahad niya sakin ang suklay.
"I don't need to. Meron naman akong clip dito."
"Sabagay. Maganda ka naman kahit anong ayos ng buhok mo. Umalis ka na para makalapit dito si Sir Martin." Pinapaalis niya na talaga ako dito.
Nagkunwari ako na merong ginagawa habang hinihintay na makalapit si Mr. La Cuesta sakin. Why am I doing this?
"Are you ready to go?" Nang makalapit siya ay 'yan kaagad ang tanong niya sakin.
"O-opo" umayos ako ng tayo
Ngumiti siya at tumango sakin. Oh God that smile again!
Nauna din siya sa gate kung saan naka park ang sasakyan niya sa labas. Good thing I wore jeans today. Nilagay ko ang panyo sa aking bulsa. Hindi ko kailangan ng bag. Wala naman akong ilalagay doon. Ok na siguro ito.
"Are you ready to go?"
And that's Kristine mimicking what Mr. La Cuesta have said. She giggled when I'm about to go. She even mouthed "go girl" to cheer me up. Umayos siya nang papalapit si Sir Martin sa pwesto namin. Maybe she was right. Kapag aalis ako, doon nga lilipat si Sir Martin sa pwesto ko kanina.
Mr. La Cuesta was inside of his car already. Nahiya ako kung saan ba dapat ako uupo. Sa back seat ba o sa front seat?
He opened the window on the front seat and he was staring at me the whole time I was walking. That was my cue. Sa front seat ako umupo.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Negros Series #1)
Любовные романы(COMPLETED) Alexandria Margaux is a strong independent woman. How can she live a life by her own? Without the feeling of being controlled.