Still Into You 5

297 27 2
                                    




"Akala ko magiging busy tayo dahil fully booked tayo ngayong week. Pero bakit nakatambay lang tayo dito sa front desk?" she stretched his neck and drink her water

Si Kristine iyong tipo ng tao na naiinip tuwing walang ginagawa. Gusto niya palagi meron siyang inaayos. Naalala ko pa nga noong natutulog siya sa bahay at kapag nauna siyang gumising at natapos na sa paghahanda ng pagkain, ay inaayos niya lahat ng bagay na sa paningin niya ay hindi pa maayos. Even a pile of books on my desk, she would organize that according to the colors or genre. That's what she do when she's bored. Organizing stuffs.

"Tanghali na ah. Hindi ka pa ba pupunta ng mansion?" she reminded me of my assigned work.

Right! May gawain pa pala ako. Nagkuwento ako sa kanya kagabi kung anong ginawa namin ni Mr. La Cuesta sa San Carlos. She won't stop asking until I spill everything. Sa bahay din siya natulog kagabi at napasarap ang kwentuhan namin.

"Dito ka lang ba?" tanong ko sa kanya bago ako umalis sa tabi nito.

"Yup. Hihintayin ko dito si Sir Martin"

Natawa ako sa sagot niya. Sabi niya sakin kagabi nahahalata niya na daw na magiging close sila ni Sir Martin dahil nagkwekwentuhan sila palagi.

Tumungo muna ako sa kusina upang hanapin sana si Aling Linda ngunit wala siya doon pagdating ko. Tinuro lamang ng aming chef ang isay tray ng pagkain na dadalhin ko sa mansion. Nagawa ko na ito noong isang araw kaya kampante na ako at hindi na rin nangangamba.

Nasa garden ako ng matanaw ang isang grupo na naliligo sa pool. They are having a good time. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakangiti habang nakatingin sa kanila. It reminds me of my past.

Pagpasok ko sa mansyon ay dumeritso kaagad ako sa kusina para ihapag ang dala-dalang pagkain. No one is here. I think so. Walang trabahador na naglilinis man lang o siguro wala din dito si Mr. La Cuesta.

I noticed a cute white pot with a helpless plant. Hindi siya ganong naaarawan sa pwesto niya. I want to move it to the other side of the staircase where the sun is shining brightly. Pero ayaw ko naman makialam sa mga gamit dito. Ngunit hindi rin ako komportable na tingnan at hayaan lang iyon doon.

Bakit ba kasi dito ako na assign? Margaux it was your decision. Naiinis ako sa ganong bagay lang?

Inayos ko muna ang hapagkainan, bago ako umalis ay kumuha ako ng tubig at pinuno ang isang baso. Lumapit ako sa staircase at diniligan ang nakitang halaman. Hinawakan ko ang dahon nito at nang hindi mapakali na hayaan lang iyon doon ay inusog ko sa kabila para maarawan.

"There you go" I was just looking at it when I heard some footsteps. Tumaas ang tingin ko sa ikalawang palapag at nakitang pababa si Mr. La Cuesta ng hagdan. It was too late to move away because he already saw me.

"Inayos ko lang po Sir" inunahan ko na siya bago pa siya may masabi na kung ano. I sounded like I was guilty for a crime.

Nakatitig lang siya sakin habang pababa at ganon din naman ang ginawa ko. I cursed in my head. Ilang hakbang nalang bago siya mapalapit sa akin kaya umiwas ako ng tingin kaagad.

"Kumain ka na?" Tumigil siya sa harap ko. At napataas ang aking tingin para makausap siya.

"Tapos na po Sir. Dinala ko lang po ang pagkain niyo"

"Thank you" he said

Hinintay kong lampasan niya ako bago sumunod sa kanya. Ang pabango niya ay nalalanghap ko. When It's too much to handle I tried to stop making myself from sneezing. Nahahalata ko lang ngayon ay sobrang sensitive na ng ilong ko sa halos lahat ng bagay. I do have allergies but hindi naman ito ka sensitive dati.

Still Into You (Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon