I woke up still feeling dizzy. We stopped drinking at around 4AM. Nagpapasalamat nadin ako dahil Linggo at walang trabaho. Kristine is still sleeping on the table. Ewan ko kung paano nangyari iyon at nandiyan na siya sa taas ng lamesa.Tumingin ako sa oras. 7AM pa lang bali tatlong oras ang tulog namin? Hinanap ko kung nasaan si Michael. Yumuko ako para silipin ang ilalim ng lamesa tapos nandon pala siya sa isang upuan na pahaba at gawa sa kahoy. Sobrang liit kaya paano siya nagkasya doon?
I waited for Khalex. I manage to keep myself awake so that I could see him if ever he will come like what he have said. Sumapit lang ang umaga na wala siya. Nakatulog na ako at nagising na wala parin siya. Nagaalala narin ako dahil kahit kailan man ay hindi ito nangyari. He always keeps his promises.
"Wake up people! Magsisimba tayo." Ilang linggo na ako hindi nagsisimba. Sa paningin ko ay kaya naman namin lumuwas ng San Carlos kahit kulang sa tulog. Malapit lang naman.
Kristine groans and covers her face as I tried to cup her cheeks.
"Gumising na kayo." Inaalog ko pa si Michael ng mahina para hindi siya mahulog.
Pinuntahan kami ni Tita. Nagulat pa siya noong una dahil sa ayos namin. Hindi naman makalat ngunit ang kalahati ng lamesa ay nabasa dahil natapon siguro ang tubig at dahil natunaw na ang mga yelo. Ganon nadin siguro kalasing si Kristine at nakatulog nalang kaagad.
Naghanda si Tita ng almusal. Medyo nahirapan pa ako na gisingin ang mga kaibigan dahil sa himbing ng mga tulog nila. Tulala kaming tatlo habang kanya-kanyang nakahawak ng tasa at umiinom ng kape.
"Sa San Carlos?" Tanong ni Kristine.
"May iba pa ba?" Doon lang naman kami palagi nagsisimba. Kumuha ako ng pandesal na binili ni Tita sa tyangge. Maiinit pa iyon kaya masarap. Mabuti talaga hindi ako sinumpong ng acids ko. Kapag nagsabay ang sakit ng ulo at pagiging acidic ay hindi ko talaga kakayanin.
"Ah magsisimba?" Si Kristine ulit
"Oo nga. Lasing ka pa ba?" Mukha siyang ewan na nakatulala sa tinapay.
"Linggo pala?"
She's crazy.
Si Michael naman walang imik. Ang sakit din siguro ng ulo niya kagaya ko. Hindi ko naman maalala kung sino ba ang mas nalasing sa aming tatlo. I can only recall in my head the scenario of Kristine crying while Michael is singing a heartbreak song.
9AM ang third mass kaya may dalawang oras pa kami para mag-ayos. Ilang minuto rin kami nakatunganga at nag almusal bago nag desisyon na umuwi muna ako. I need to change. Kahapon pa itong damit ko mabuti talaga hindi ako nasuka.
"Magbabangka tayo?"
Nasapo ko nalang ang ulo ko dahil kay Kristine.
"Gusto mo bang lumangoy?"
Natawa pa siya sa pilosopong pananalita ko.
"8:20. Magsisimba. Sa bahay mo magkikita." She recalled.
Napakamot na si Michael sa kanyang batok dahil paulit-ulit si Kristine. I said that we will meet each other in my house. Doon din naman talaga dadaan dahil malapit nga sa port. They did follow. We still have hangovers but we manage to walk properly. Minsan tulala pero okay nadin.
We arrived five minutes before the mass started. Pahirapan pa makahanap ng upuan dahil maraming tao ang nagsisimba. I keep my focused during the entire homily. Naiinis ako dahil panay ang pagpikit nilang dalawa kaya ako napapapikit din. Pinagalitan ko pa minsan nang humilig si Kristine sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Negros Series #1)
Roman d'amour(COMPLETED) Alexandria Margaux is a strong independent woman. How can she live a life by her own? Without the feeling of being controlled.