We stayed in my house for the next hours. Pinagbigyan ko siya sa gusto na magpahinga muna bago bumalik sa trabaho na kahit kagabi pa kami magkasama. Inaalala ko lamang ang aking kaibigan dahil maninibago ito na hindi ako pumasok."I will call Martin so he could tell Kristine." Kinuha nito ang kanyang telepono na nakalagay sa lamesa.
"At anong sasabihin mo? That we are together?" Hindi ko maiwasan ang mapaisip sa magiging reaction nito. I don't know if it will be same as Kristine.
"What else would I tell him? You kidnapped me?" Isaang malaking ngisi ang binigay nito sa akin.
As if I pushed him to stay here. Siya lang naman itong gustong-gusto na manatili kami dito. Pumasok ako ng kwarto para mabigyan siya ng ilang minuto sa usapan nila.
Kinuha ko ang curler sa drawer at sinimulang ayusin ang buhok ko. Kanina pa ako naligo, dalawang oras narin ang nakalipas, at handa na ako para pumasok sa trabaho. Hindi ko lang alam kay Khalex na wala parin yatang plano na bumalik sa bahay niya. Pero sa huli ay wala din siyang nagawa sa kagustuhan ko kundi sundin ito.
"Just drop me here." Sabi ko ng makapasok kami sa gate ng resort baka dumeritso na naman kami sa bahay niya. Wala din akong pakialam kung makikita ba kami ni Francheska o sino man.
"I'll be back here after taking a shower." He reached for me and kissed my cheeks.
Kristine is smiling big time as I approached her. Doon ko lang napagtanto na nandoon din pala si Sir Martin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mga ngiti niya, dahil ba kasama niya dito ang taong gusto niya o dahil nakita niya ako na lumabas sa sasakyan ni Khalex. Maybe both.
"Good Morning po, Sir." I greeted Martin and ignored my friend.
Kung wala si Martin dito ay paniguradong sunod-sunod na naman ang mga tanong niyan sa akin.
"It's indeed a good morning, Margaux." tumigil siya sa kanyang ginawa at kagaya ni Kristine, ay isang malaking ngisi ang itinugon nito sa akin. Kahit hindi ko narinig ang pinag-usapan nila ni Khalex kanina ay alam ko ang iniisip nito at baka nga alam niya din na sa bahay ko natulog ang kanyang kaibigan.
Maybe Kristine also knew about it but not the exact details since she's just smiling and remained seated on her table.
Akala ko ay magtatagal si Khalex sa bahay niya ngunit ilang minuto lang ang nakalipas ay nandito na siya kaagad.
"I will stay here and watch you work." He did changed and way more formal.
I'm not used to this. Feeling ko tuloy pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko. Ganon lang ang ginawa niya habang sabay-sabay ang pagdatingan ng mga dayo sa resort. Minsan tumatayo at tinutulungan ako tapos babalik sa table ko at kahit na nakatuon ang atensyon nito sa kanyang MacBook ay panay naman ang sulyap sa akin.
"Dito ka talaga magtatrabaho? I thought you have your office here?" Hindi naman sa pinapaalis ko siya.
"Francheska was there."
Is he ignoring her? Ano naman kung nandon. Natural lang dahil nga nagtatrabaho.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinulungan akong buhatin ang iilang souvenirs na kailangan ilagay sa shop. Binigay ko sa kanya ang isang hindi kalakihang kahon at kinuha niya din ito.
"Sa table nalang." Utos ko sa kanya.
Nahihiya ako dahil inuutusan ko siya na parang normal na trabahante din dito. Dapat pala ay pinigilan ko siya sa gusto niyang panliligaw kahit oras ng trabaho. Personal feelings should be set aside when we're in work. But he's Khalex, he can do what he wants.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Negros Series #1)
Любовные романы(COMPLETED) Alexandria Margaux is a strong independent woman. How can she live a life by her own? Without the feeling of being controlled.