Still Into You 20

196 6 3
                                    





"Do I look presentable?" Hindi ako mapakali dahil bigla nalang ako pinuntahan ni Khalex sa pwesto namin nina Kristine. Kinausap niya ako at pupuntahan namin ang kanyang Mama (lola) upang ipakilala ako dito.

"You always look beautiful to me."

Malamang ganyan ang sasabihin niya. Kahit bagong gising yata ay maganda parin ang paningin niya sa akin. Even though I'm not. Who looks good in the morning by the way?

"How about your mother?" Tanong ko. Nakita ko kanina na kasama ng mommy niya si Francheska.

"She's busy with the guests."

Tumango nalang ako at sumabay ng lakad sa kanya. Tinatahak namin ngayon ang daan patungo sa pool. I don't know where is his grandmother. Kinakabahan lang ako lalo habang napapalayo na kami sa hall.

"She likes you. Don't worry." Hinaplos niya ang aking likuran at pinadausdos ang kamay sa braso ko.

"I'm not worried. Just shy." Ito ang unang pagkakataon na ipapakilala ako sa magulang ng lalaking gusto ko. If this is another kind of introduction then, taas ulo pa akong makikipagkilala.

"Don't be." He kissed my forehead.

Huminga ako ng malalim at nagbigay ng ngiti sa kanya. Hindi dapat ako kabahan dahil wala naman akong ginagawang masama. I should be proud of myself. Ngunit nahihiya ako at baka hindi nila magustuhan para sa kanilang anak.

May isang private room doon malapit sa pool. Ayun din ang inayos ko noon nung may espesyal na bisita kami. Sa labas ng balkonahe ay nandun ang lola ni Khalex. Nakaupo sa kanyang wheelchair habang nakatanaw sa dalampasigan at may babaeng nurse na kasama. Kaagad niya din naramdaman ang presensya namin habang papalapit na kami sa kanya.

"Magandang gabi po ulit, Madame." Ako ang unang bumati.

Ngumiti naman kaagad ang matanda. Naagaw ng kanyang atensyon ang magkahawak na kamay namin ni Khalex. I'm smiling but I can feel my heart pumping so fast. Lalong lumapad ang kanyang ngiti habang hindi maalis ang tingin sa kamay namin. I felt the relief because of her smile.

"Ma, you already met Margaux earlier." Paninimula ni Khalex. Nagkatitigan kaming dalawa bago niya ibinalik ang tingin sa kanyang lola. "I will not introduce her as my staff this time but as my woman. I'm courting her."

Siniil ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay at halos manginig na ako sa aking kinatatayuan. Rinig na rinig ko ang hampas ng mga alon dahil sa panandaliang katahimikan.

"Manliligaw?" Tanong ng matanda

"Opo Mama. Siya po ang babaeng nililigawan ko."

Kumunot ang noo ng matanda. Naglaho na ang hiya ko kanina at napalitan na ng tuluyan ng kaba.

"Hija, panget ba ang apo ko at hindi mo pa sinasagot?"

"Po?" Laking gulat ko sa hindi inaasahang magiging reaksyon niya. Ayon ang rason kung bakit kumunot ang kanyang noo?

Natawa ang nurse na babae sa kanyang likuran. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin na nakatitig din pala siya sa akin. She's still young. Siguro ka-edad ko din. I suddenly felt happy for her, for being a professional nurse in a very young age. Napabalik nalang ulit ang atensyon ko sa lola ni Khalex ng magsalita ito.

"Make her say yes Alex. Hindi ganyan ang itinuro sayo ng lolo mo."

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil sa pakikitungo niya. Kinabahan ako sa parteng may gusto siyang iba para sa kanyang apo. She only know me as a staff who graduated in Spain but she's nice to me. Ang sarap sa pakiramdam.

Still Into You (Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon