"Gawin ko muna ang inutos sakin ni Tita Linda. Sandali lang ito Margaux." Sabi ni Kristine sa gitna ng trabaho namin."Ha?" Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. May inutos sa kanya? Sa ganitong oras?
Tumango lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Kunot noo ko siyang tinitingnan habang naglalakad palayo. Hindi narin ako nagulat pa ng makita ko rin ang papalapit na si Martin.
Umiiwas din siya? Hindi ko talaga alam ang buong detalye ng kwento kagabi. Ang tumatak lamang sa isipan ko ay galit ako kay Martin dahil nauna siyang umiwas sa kaibigan ko. Kung sa totoo lang ay malapit ang loob namin at siya pa nga ang pupunta dito para makipagusap kaya bakit niya naman iiwasan si Kristine?
Nasasaktan ako para sa kanya habang minamasdan kung pano siya umiwas kapag malapit sa amin si Martin. I've seen Kristine having a lot of crushes before but this time is different. I know she's really serious and sometimes I conclude that she's really into Martin. Iniisip ko nga kung dadating ba ang araw na mamahalin niya ito. Kasi hindi malabo na mangyari. But now that they are both ignoring each other I felt sad. Parang ako ang nasasaktan sa kanilang sitwasyon.
"Dito na muna ako sayo. Broken hearted si Kristine eh. Bigyan ko ng oras pra mapag-isa." Tumabi sakin si Michael sa table. Iniwan niya na naman siguro ang trabaho niya sa hall.
"Ano ba pinag-usapan niyo kagabi?" Tanong ko
"Lasing ka kasi kaya hindi ka na nakikinig. Saan ka ba nalasing? Kay Sir La Cuesta o sa alak?" Irap niya
"Hindi ako lasing. Nakatulog lang dahil pagod." Sagot ko pero umirap lang siya ulit na tila hindi tinatanggap ang naging rason ko.
"Ayon nga. Itong marupok nating kaibigan ay sasabihin sana kay Sir Martin na may gusto ito dito. Kaso bago iyon mangyari ay hindi na daw siya pinapansin at halatang umiiwas. Tapos minsan pa namin nakita na kasama iyong Francheska ba iyon. Iyong Architect. Nakita naming nagyayakapan. Diba? Pisti may something."
Naalala ko rin kahapon noong tinanggihan siya ni Khalex sa dinner. Sabi niya ay si Martin na lamang ang kanyang aalukin. Hindi ko naman binigyan ng malisya iyon pero dahil sa kwento ni Michael na nakita daw nilang nagyayakapan, siguro... lumalandi? Ewan!
"Baka may pinag-usapan kaya magkayakap? Let's say namatay iyong pet ni Francheska." Hindi ko alam anong sasabihin para gumawa lamang ng rason. Hindi ko rin kasi alam bakit dadating pa sa puntong magyayakapan.
I mean, I'm also closed to Martin but I never hugged him. Or maybe they are just really close with each other? Ano ba yan naiintriga ako dahil kasali sa usapan si Kristine.
"Ano ba yan Margaux. Kapag namatay ang pet ay makikipagyakapan talaga? Ano siya, bata?" Halatang iritado ito.
"Baka best friends." Like me and Andrew. Yumayakap rin naman ako sa kanya kapag kailangan lang naman. Kagaya noong umalis siya. Enough na reason naman iyon. Hindi ko lang alam dito kay Martin at Francheska. Hindi ako makahanap ng rason.
"BFF rin naman tayo ah. Payakap nga!" Tinapik niya ang kanyang braso at akmang yayakapin ako. Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Ew Michael. Cringe." Ako na ang umirap sa kanya.
"Exactly! Diba? So bakit sila magyayakapan? Hindi lang iyon, nakita pa namin na sabay silang kumain sa resort. Not once and more than thrice." He crossed arms. Halatang nag-iisip din kagaya ko.
I also felt jealous when I saw Khalex having breakfast with Francheska. There something fishy with this girl.
"Speaking of the witch. Papunta dito kasama ang manliligaw mo." Turo niya sa lobby.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Negros Series #1)
Romance(COMPLETED) Alexandria Margaux is a strong independent woman. How can she live a life by her own? Without the feeling of being controlled.