Still Into You 9

239 11 1
                                    




Lagpas ng alas onse ay naisipan ni Andrew na ihatid nalang ako sa bahay dahil may trabaho pa bukas. Inaalis ko ang pagkakasandal ni Kristine sa akin at ginising ito para pumasok na sa loob. Tingnan mo ngayon kung sino ang naunang nalasing.

Nahilo ako ng konti sa pagkakatayo kaya napapikit. Mabuti nalang talaga at ako ang kumakain ng mani na pulutan kaya hindi ako nalasing at konting hilo lang ang nararamdaman.

"You can still manage to drive?" umayaw ako sa paglalahad niya ng helmet at tinitigan siyang nilalabas mula sa maliit na garahe ang kanyang motor.

"Hindi ako lasing, Margaux. Gabi na para maglakad."

Gaya ng gusto ni Andrew ay umangkas nalang ako sa kanya at nagpahatid sa bahay. It's so cold outside! Ang nipis pa naman ng damit na suot ko. Dumeritso kasi kami dito kaya hindi man lang ako nakapagpalit ng damit sa bahay.

Kagaya kanina ay dahan-dahan lang ang pagpapatakbo ni Andrew. Kumapit ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang pagpikit dahil sa antok na nararamdaman. Ilang minuto lang siguro ay nakadating narin kami at huminto siya kaya minulat ko ang mga mata para makababa na.

"I will drop you here." sabi niya. Eh sa kabilang bahay pa itong gate ah?

"Hindi na siguro tayo magkikita bukas. Anong oras nga iyong alis mo?" Kasi kung tanghali ang alis niya paniguradong hindi na kami magkikita bukas.

"Hapon pa naman. Dadaanan ko kayo bukas ni Kristine sa resort para magpaalam."

Nakakalungkot naman kung ganon. Kristine will really miss him. And me too. I step forward reaching his position and hug him.

"Ingat po." I whispered

"Someone's getting jealous. Puntahan mo na at mukhang hinihintay ka yata" he chuckled and tap my head

Napakunoot ang noo ko sa sinabi niya. Tumingin siya sa deriksyon ng bahay ko kaya ginaya ko rin ang ginawa niya. Kaya pala dito niya ako binaba!

Nakita ko sir Sir La Cuesta na nakatayo at bahagyang nakasandal sa sasakyan niya na naka-park sa harap ng mismong bahay ko. Sa titig niya ay tila napalitan yata ng kaba ang hilo na nararamdaman ko kanina.

Why is he here? Kung tama man si Andrew sa sinabing hinihintay ako nito, bakit naman kung ganon? I can't remember if I did something wrong earlier at my work.

Ah I ignored him!

"Mauna na ako." Natigilan ako sa iniisip ng magsalita si Andrew. Nagpasalamat ako sa kanya sa paghatid at hinintay siyang makaalis bago ako lumakad papunta sa bahay.

"Good evening po" sabi ko ng makalapit sa kanya.

I don't know what to say. Kahit gusto ko siyang tanungin kung ano ang sadya niya dito ay hindi ko masabi.

He stood up properly and take a step towards me that makes our distance close.

"I will ask you about something earlier but then you left already without saying anything to me" his voice was so deep.

"S-sorry po" sa tingin ko ay dapat nagpaalam din ako sa kanya maliban kay Aling Linda. Umalis lang ako kaagad. Kahit anong rason ang sabihin ko ay mali parin ang ginawa ko.

"And I just saw you living my resort with that man."

I should have asked him earlier if there is still anything I will do before I leave.

"Is he the reason why you ignored me at the mansion?"

Napaangat ako ng tingin dahil sa naging tanong niya. Bakit magiging rason si Andrew sa hindi ko pagpansin sa pagdating niya kanina?

Still Into You (Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon