Still Into You 32

268 5 0
                                    



Laking gulat ko sa pahayag ni Khalex. Even Adrian who heard it was shocked too. Kumurap pa ako at hindi makapaniwala sa sinabi niyang iyon.

"We know each other." Khalex' eyes is still on me.

"R-right." Halos nanginginig ang boses ko.

Kumawala ang kamay ko sa pagkakahawak niya at ibinaling ang tingin kay Adrian. Kunot noo siyang nakatingin din sa akin.

"Oh. That's great." Si Adrian na mukhang ngayon lang nag sink-in ang nangyayari sa isipan niya.

Ilang segundong katahimikan at halos hindi ako mapakali kung saan ako titingin. Kay Adrian ba na mukhang nagtataka parin o kay Khalex na hindi maalis-alis ang mata nito sa akin.

"S-should we greet the other Engineers, Adi?" My god. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko.

I was not ready! Kung alam ko lang kahapon na dito pala kami magkikita ay sana napaghandaan ko.

I smiled at Khalex before I get myself out of there. Hindi na ako lumingon pa dahil kinakabahan ako tuwing magkasalubong ang mga tingin namin. Adrian introduced me to the group of engineers. Pagkatapos nun ay bumalik ako sa tabi ni Rachel.

"Kanina ko pa ito napapansin, Margaux. That man always stares at you. Kasama niya ngayon ang ama ni Adrian. Huwag ka nang tumingin dahil nakatingin din siya dito." Si Rachel. Nakangiti ito habang sinasabi iyon sa akin. Nagkukunwaring iba ang pinaguusapan namin.

Kusang napatingin ako kung saan nakatayo si Khalex. Stupid move. Bakit ba ako lumingon.

"I know him." Tanging nasabi ko.

"Oh." Rachel teasingly smiled at me.

I keep myself busy greeting the other employees. Nawala saglit sa isipan ko si Khalex at nang maalala ay hinanap ng aking paningin kung nasaan siya. He's not here. Saan siya pumunta?

Habang tumatagal ay naglabasan na ang mga tao. There will be a private lunch at one of the restaurant owned by the La Cuesta. Ngayon ko lang din nalaman dahil kanina lang sinabi sa akin ni tito.

"Are you sure Margaux? Pwedi ka namang sumabay sa akin." Rachel is worried. Baka daw hindi ko alam kung saan iyon.

"It's okay. I have my GPS." Ngiti ko pa sa kanya.

"Sure? Kung maligaw ka, tawagan mo lang ako."

Gusto niya sanang sumabay ako sa kanya. Sabi ko naman ay meron akong dalang sasakyan kaya magmamaneho na lang ako. And besides, mukhang niyaya siya nung Engineer na kausap niya kanina. I don't want to ruin their moment. Mukhang matagal na nga silang magkakilala.

And I was right, doon siya sumabay sa sasakyan nung Engineer. I smiled and waved at her before they left. I took my phone out of my bag. I opened the app so I could track down the restaurant. It says there that it will take me twenty minutes before I arrive. Tiningnan ko ng mabuti ang daan, trying to memorize it.

Turn left then right, go straight, and then turn left again. Ang dami ngang likuan. I put my phone back inside my bag. Kinuha ko na din ang susi at naglakad patungo sa sariling sasakyan. Hindi naman ako nahirapan at nakadating din kaagad sa sinabing restaurant.

That lunch wasn't ordinary for me. Dahil nandoon si Khalex. Sometimes he would disappear, at hindi ko alam kung bakit o dahil abala rin. Hindi ko ipagkakaila na hinahanap ko siya tuwing nawawala ito sa paningin ko. And I sometimes caught him staring at me. Ganon lang ang nangyari at nauna din ako ng uwi dahil wala ito sa plano ko. Kailangan ko talagang makauwi dahil inaabangan ko ang pagbisita ng aking mga magulang.

Still Into You (Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon