1- Unusual Day

85 8 6
                                    


Chapter 1.

Maaga akong gumising para pumasok. Lalo akong tinatamad sa mga lumilipas na araw. Kagagaling lang namin sa semestral break for two weeks. Well, It's already second semester. Isinukbit ko ang bag ko sa likod ko atsaka sumakay sa motorbike ko papuntang school.

Nakarating ako sa school just in time, buti na lang. Nandito na naman ang karaniwang ingay ng mga kapwa estudyante ko sa hallway. 'Di na sila naubusan ng kwento, hays. Argh! Kailangan kong hanapin si Helix at Irene baka  malate pa kami sa first subject. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, umaasang mahahanap ko sila.

Naglalakad ako sa hallway nang may mapansin akong hindi pamilyar na mukha. Maybe he's a transferee. But— at second semester? Nah. He's none of my business. Tinitigan niya rin ako pero nag-iwas na ako ng tingin.

Tumalikod na ako at nag-iba ng direksyon nang maramdaman kong may humawak sa aking braso. I look who owns the hand at nakita ko ang lalaking tinignan ko kanina. Lumunok pa siya ng ilang beses bago magsalita.

"Uh— do you know where class B is?" Tanong niya saka ako binitawan.

"Eleventh grade?" I asked.

"Y-yeah." Sagot naman niya.

"We're classmates." Ngumiti ako. Satisfaction flashes across his face when he heard it. Tinignan ko naman ang mga mata niya. Hazel brown ito at itim naman ang kaniyang buhok. He has this cute elongated face shape with soft facial features. Wait— ano bang iniisip ko?!

"Uh... Hello? K-kanina pa kita tinatawag hehe." Natatawa niya pang sabi. Argh, nakakainis naman.

"Ayy, sorry. Tara na sa klase natin." I said then nauna ako sa kaniya. Sinundan naman niya agad ako.

"P-pwede ko ba malaman ang pangalan mo?" He said while we're walking. Tinignan ko naman siya pero agad din itong iniwas.

"Y-yeah. I'm Jiagen... Jiagen Anderson." I'm not used to introduce myself! Nahihiya ako! Nakita ko sa peripheral vision ko na natawa siya. What's funny?

"I'm--" Di niya naituloy ang sinasabi nang may sumigaw ng pangalan ko.  Pinagtinginan naman kami ng ibang estudyante. Ano bang problema nila?

"Jiagen!" She called again. Niyakap niya ako ng mahigpit. And there I saw Helix. With his usual thick rimmed black eyeglasses and a pile of book in his hands. I smiled at them.

"Oh my gosh! I missed you!" Sabi ni Irene at nakita niya yung lalaking kasama ko. Tinaasan niya ako ng kilay na tila nagtatanong kung sino siya. Hay nako.

"Hindi ko siya kilala." Paliwanag ko.

"Eh bakit magkasama kayo?" Sabi niya pa. Maissue talaga 'tong babaeng 'to. Tss.

"Eh—"

"Hi. I'm Alfee Noel Barretto. T-transferee ako dito." Ahh, Alfee Noel Barretto. Okay.

"Hi, ako si Irene Sanchez. Ito naman si Helix Fernandez. Nice to meet you!" Masayang bati sa kaniya ni Irene. Ilang naman siyang nakipagkamay sa kanila. Saktong tumunog ang bell at pumasok na kami sa room.

"Hey uh— thank you." Sabi sakin ni Alfee. Katabi ko kasi siya sa bandang gitna ng room pero nasa gilid siya at napapagitnaan nila ako ni Irene. Nasa harap ko naman si Helix at as usual, tahimik na nagbabasa ng libro.

"For what?"

"W-wala." Ha? Ano daw? Weird naman nito.

Dumating ang prof namin at nag-introduce lang si Alfee.

"Mister Barretto. Please introduce yourself." Sabi ni sir Molli kay Alfee.
Tumayo naman si Alfee at nagpakilala.

"Hi I'm Alfee Noel Barretto. Tw—seventeen years old."

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon