16- Bullseye

12 3 0
                                    

Chapter 16.

Mabilis na lumipas ang Thursday and Friday. Second training ko na! Hays, sana talaga hindi sumakit yung katawan ko. Eh! Magwa-warm up na ako. Nadala na ako noong unang training. At saka sinunod ko rin yung suggestion ni Timothy na mag-exercise ako.

Nai-excite ulit akong gamitin yung bow and arrow! Hanggang ngayon natutuwa pa rin ako dahil na-asinta ko yung target n'on. Ahehehe.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa sa may living room. Hinihintay ko na sunduin ako ni Phyn. Kinuha ko naman ulit ang bag ko para tignan kung may nakalimutan ba ako o wala.

"Hi Jia. Tara na." Nagulat ako nng biglang sumulpot si Phyn sa harap ko. Tumawa naman siya saka inabot ang kamay ko. Ilang saglit pa ay napunta na kami sa training room.

Tumingin naman silang lahat sa amin at masayang bumati. Binati ko rin sila atsaka ako nagwarm up. Nagjogging din muna ako ng tatlong laps paikot sa buong room. Habang sila naman ay nagkukwentuhan lang sa sulok. Palibhasa mga sanay na.

"Okay guys, Miss instructed that all of us have to train Jiagen." Alfee playfully smirked. Oh geez, I know where this is going.

"Morbens versus Jia." He added.

Nagkatinginan naman sila. Nagtataka rin siguro kung bakit ganoon ang set up. Argh! Wala akong maski katiting na laban sa kanila!

"I told her what you did to Yna yesterday." Nasapo ko na lang ang aking noo. Akala ko pa naman tahimik 'to. Tsismoso pa la. Hays.

"Kailangan na rin natin mapalabas ang kapangyarihan mo Jiagen. Nakikita pa rin namin sa paligid ang Leritos. Nakamasid pa rin sila sa'yo." Sabi naman ni Pat. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

"B-basta wag niyo akong papatayin ah. Wala nang tutulong sa inyo." Nakangusong usal ko. Kinakabahan talaga ako! Phew!

Kinuha ko ang bow and arrow sa weapon area at ilang daggers. Mas panatag ako kahit papaano dahil sa laban na 'to, hindi kami allowed gumamit ng ability.

Pumwesto ako sa gitna at agad naman silang pumalibot sa'kin. I can see excitement in their eyes. And I bet they can also see fear in me. Argh!

"Ano pang ginagawa niyo! Umpisahan niyo na!" Sigaw ni Auntie sa amin. Nasa sulok lang siya at nakabantay.

At that very moment nakita ko na lang ang pabulusok na tatlong dagger sa direksyon ko. Yumuko ako upang maiwasan ang mga ito pero nadaplisan pa rin ng isang dagger ang binti ko. Ramdam ko ang hapdi pero di ko na lang dinamdam.

"Ugh!" Wala sa sariling usal ko nang makitang sabay sabay sikang tumatakbo papunta sa akin. Para naman akong duwag na tumakbo palayo sa kanila. Whaaa! Nakakataranta! Ano ba dapat ang gagawin ko?!

Huminto ako sa pagtakbo at inasinta sila isa-isa gamit ang bow and arrow na gamit ko. Dinaplisan ko sila sa brado pero hindi lahat ay tinamaan. Nakakainis!

"Nice try!" Natatawang sabi ni Timothy. Nagulat ako dahil nasa tagliran ko na pala sila ni Phyn. Argh self! You don't have anytime to space out during a freaking war! Focus focus focus!

Sinipa ni Phyn ang likurang bahagi ng paa ko dahilan upang matumba ako. Mabilis na bumulusok ang dagger ni Paolo sa akin kaya gumulong ako upang umiwas at agad na tumayo.

Napasigaw ako nang suntukin ako ni Maris sa mukha. Napapeace sign naman agad siya that's why I grabbed the chance to punch her back. Nakita ko naman na papasugod na si Nathan sa gilid ko kaya ini-atras ko ng paa ko at bumwelo saktong paglapit niya ay sinipa ko siya sa gilid ng leeg kaya natumba siya. Seryoso na kaming lahat na naglalaban.

Pinulot ko naman ang bow and arrow ko pero bigla itong sinipa ni Alfee sa kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin saka mabilis kong pinalipad sa kaniya ang dagger na nasa tagliran ko at dumaplis ito sa tagliran niya. May mga dugo na rin kaunti ang mga suot namin. Daplis lang kasi ang dapat na attack namin sa isa't-isa.

"Nakaganti rin ako sa wakas." Nakangising sabi ko kay Alfee. Ramdam ko ang tao sa likuran ko kaya mabilis akong umikot at pumunta sa likuran niya.

Si Liz pala 'to. Agad kong siniko ang batok niya dahilan upang bumagsak siya sa lupa. Malamang wala siyang malay. Pinag-aralan ko rin kasi ang iba't-ibang points ng katawan ng tao na magandang atakihin at kung anong epekto nito sa kanila. Well, thanks to google hahaha.

Sinikmuraan naman ako ni Miguel nang makita niyang open ako. Argh! Kaasar naman! Habol ang hiningang napaluhod ako. Parang may nakabara sa airway ko at di ako makahinga ng ayos. Tatayo na sana ako pero biglang may sumipa sa likod ko kaya tuluyan na akong napadapa.

"Kaya mo pa?" Tanong Phyn. Lumayo sila at dahan dahan akong tumayo habang habol pa rin ang hininga. Pinahid ko ang pawis kong tumatagaktak dahil sa pagod.

Then an idea came up.

Tumakbo ako ng mabilis at dinampot ang dagger na malapit sa akin. Hinabol naman nila ako. I smiled, naayon lahat sa plano.

Nang makarating ako sa may shooting board. Hinarang ako ni Pat. Pero umilag ako sa kaniya. Sunod sunod silang humarang sakin at nang nakahilera na silang siyam ayon sa plano, Mabilis kong ibinato ang dagger sa direksyon nila.

Humarang kasi silang lahat sakin habang natakbo ako. Kaya naman napahilera ko sila sa may shooting board. I watched my dagger as it tore a part of their face at sa pinakadulo ay tumusok ang dagger sa pinakagitnang bahagi ng shooting board. Napatingin rin naman sipang lahat sa dagger.

"Bullseye!" Natatawang sigaw ko. Napahiga ako ng wala sa oras dahil sa pagod. Tinignan ko naman sila at iiling-iling na lumapit sa akin. Para pa rin akong baliw na tawa ng tawa dahil sa kalokohan ko. Hahaha!

"Naisingit mo pa talaga ang bullseye sa laban. Loko ka talaga." Natatawang sabi ni Alfee. Tinawanan ko lang rin naman siya.

"Mukhang nakuha mo ang pagiging Tactic Genuis ng ama mo Jiagen." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Auntie.

"A-ano pong ibig sabihin niyo Auntie?"

"Pagiging Tactic Genuis ang ability ng ama mo. Iyon ang common Ability ng mga Anderson lalo na ng mga lalaki." Sabi ni Auntie. I can't help but to be amazed. Ayun pala ang ability ni papa. Sayang di ko man lang siya nakitang makilaban.

"Pero diba po hindi naman yon ang ability ko?" I asked. Ang alam ko Force telekinesis at mind intruder ang ability ko.

"Likas na matalino at madiskarte ang ama mo, kaya malamang nakuha mo iyon sa kaniya." Napangiti ako sa sinabi ni Auntie. Tumayo ako at umupo na kami sa gilid at nagpahinga.

"Auntie, nabasa ko na po ang libro." Sabi ko kay Auntie. Lumingon naman siya at ngumiti. Lumapit din samin ang Morbens at nakinig.

"Kaso po, hindi ko maintindihan yung ibang ability doon. Apat lang po kasi yung may lumabas na meaning." I shared to them. Parang may nasabi naman akong masama dahil napa-gasp ang ilan sa kanila. Nagtataka rin ang itsura ni Auntie.

"B-bakit? May nasabi ba akong masama?" Tanong ko sa kanila.

"Praeditian's Book Guide ba ang binasa mo?" Tanong ni Alfee. Tumango naman ako.

"A-anong mga ability ang n-nabasa mo ang meaning?" Tila kabadong tanong naman ni Maris. Lalo naman akong nagtaka.

"Hmm, yung ability ko. Force Telekinesis at Mind Intruder. Kaya nga nalaman kong ayun ang ability ko dahil swak yon sa mga characteristics ng mga kakayahan ko. Atsaka-- yung Life and Death, tapos yung Pain Ability yata yun? Yung sinasabing forbidden ability?" Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang lahat at napalunok pa ang ilan.

Ano bang meron?!



Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon