12- Human

13 4 0
                                    

Chapter 12.

"Well, malas mo." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"You stupid nerd!" Galit na sigaw niya sakin saka akmang hihilahin ang buhok ko. Agad akong umiwas at tinapakan ang paa niya. Ng madiin.

Napasigaw siya sa sakit pero wala akong pake. Parang wala akong naririnig at ang tanging gusto ko lang gawin ay ilabas lahat ng galit ko.

Sumugod sakin ang mga alipores niya at malakas kong sinampal ang nasa harapan ko. Sa lakas ng sampal ko ay nakaramdam ng hapdi ang mga palad ko. Sasapakin ko na lang sila.

"You!" Isa pang alipores. Agad ko siyang sinikmuraan saka hinawakan ng mahigpit ang buhok niya.

Ngumisi naman ako. "Bakit kasi nakikisali ka pa?" Sabi ko saka ko siya malakas na binato sa isa pa niyang kasama na susugod sakin.

Lalapit sana ang Morbens para tumulong pero pinigilan ko sila. "Huwag na huwag kayong makikialam sa gulo ko hangga't di ko sinasabi." Madiing utos ko sa kanila. Natigilan naman sila at tumayo na lang sa gilid.

Lumapit ako kay Yna. Tumayo siya at mabilis na hinampas ako ng kahoy sa mukha. Umilag ako pero natamaan pa rin ang bibig ko. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko saka hinawakan ito.

"Ang dumi mong lumaban." Nakakalokong ngiti ang ibinigay ko sa kaniya bago ko sipain ang mukha niya. Tumumba siya sa lupa. Hindi na rin makatayo ang mga alipores niya kaya siya na lang ang haharapin ko. Tss. Maaarte akala mo naman mga kagandahan. Pwe.

Lumapit ako sa kaniya at ako naman ang humila sa buhok niya ngayon. "Ikaw, hindi ka na talaga nagtanda 'no? Ilang taon mo nang sinasagad ang pisi ng pasensya ko. Nagkamali kang sagadin ako." Seryosong sabi ko sa kaniya.

"Ano bang problema mo samin at lagi mo kaming pinag-iinitan? Can't you see? Hindi kami napapansin ng ibang tao dito. Ikaw lang at ang malalanding alipores mo kagaya mo." Tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman na umiiyak na siya. Sus, inartehan pa ako. Kahit lumuha pa siya dyan ng dugo, wala akong pakialam.

"D-dahil naiinis ako sa inyo! N-na-aalibadbaran akong m-makita ang mga p-pagmumukha niyo!" Sagot nito. Napabuga naman ako ng hangin sa pagkamangha.

"Dahil lang don? Eh bakit hindi ka magtransfer?" Tanong ko.

"H-hinding hindi ako maga-adjust p-para sa m-mga k-katulad niyo! B-bitiwan mo ako! M-masakit!" Pero lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa buhok niya. Napa-ingit siya sa sakit.

"Bobo ka ba? Ikaw ang may problema samin. Ni wala nga kaming pake sayo. Bakit kami ang iiwas?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Tss, di nag-iisip.

"Hindi lang yan ang aabutin mo kapag inulit mo pang saktan at galawin ang 'kahit na sino' sa mga 'kaibigan' ko. Naiintindihan mo?"

Hindi siya sumagot.

"Naiintindihan mo?!" Sigaw ko sa kaniya. Nagitla naman siya sa ginawa ko.

"O-oo na! Oo na! B-bitiwan mo n-na ako! P-please!" Umiiyak na pakiusap nito. Pabato ko naman siyang binitawan saka ako tumayo at tumalikod sa kaniya.

Lumapit ako kila Irene. Hindi ko sila tinignan. "Susunod ako sa clinic, dalhin niyo doon si Helix." Sabi ko sa kanila.

"P-pero Jia--"

"P-please Irene. Gawin niyo na lang." Tumakbo na ako pagkasabing pagkasabi ko non. Ramdam ko ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko gustong manakit ng tao pero bakit nila pinipilit ang pasensya ko?!

Tumakbo lang ako ng tumakbo at di na pinansin ang mga matang nakatingin sa akin.

G-gusto ko munang lumayo, kahit saglit lang.

Mabilis akong sumakay sa motorbike ko pagkarating ko ng parking lot saka ako umalis ng school.

Duwag na kung duwag, pero gusto ko munang tumakas.

Ramdam kong nililipad ng hangin ang mga patak ng luha ko kasabay ng buhok ko. Hindi ko na mapigilan. Bakit ba ang daming galit sakin?! Ano bang ginawa ko sa kanila?!

G-gusto ko lang n-naman maging n-normal... Y-yun lang...

Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko habang nagmamaneho. Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha ko.

Sawang sawa na ako sa lahat.

Sawang sawa na akong mahirapan.

Sawang sawa na akong lumaban.

Mabilis kong iniliko pakanan ang motor ko at ilang saglit pa ay nasa isang magandang park na ako. Dito ako pumupunta kapag gusto kong magrelax at mag-isip isip.

Saktong pagbaba ko ay ang pagbuhos ng ulan. Di na ako sumubok pang sumilong. Hinayaan ko na lang basain ng ulan ang damit ko at humalo ang luha ako sa pag-agos nito.

Inikot ko ang paningin ko sa buong park. Basang basa ng paligid. Tila isinasayaw ng hangin ang mga damo at dahon sa bawat puno. Lumakad pa ako ng kaunti. Walang tao dahil umuulan.

"PAGOD NA AKOOOOO!!!!"

"HINDI KO NA KAYAAAAA!!!"

"SAWANG SAWA NA AKOOOOO!!!"

"KAILANGAN KO SILA MAMAAAAA!!!"

Malakas na sigaw ko. Napahawak ako sa aking dibdib at napaluhod sa sobrang panghihina.

"A-ayoko n-na..." Humihikbing usal ko. I cried my heart out. Sobra na. Gusto ko lang naman maging normal ah? Masama ba 'yon?

"M-ma, w-why do you have to leave so early? D-don't y-you know that you have a daughter who n-needs you?!" Tanong ko habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Unti-unting binabalot ng lamig ang buo kong katawan habang binabalot ng kalungkutan ang puso ko.

Hinang hina na ako.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa kusa akong huminto. Humina na rin ang ulan kaya napagdesisyunan kong bumalik na sa school at pumuntang clinic.

•••

Clinic.

"J-jiagen! Saan ka nagpunta?! B-bakit basang basa ka?" Salubong sakin ni Irene. Pero hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa hospital bed ng clinic at tinignan ang lagay ni Helix.

"Nasa kabilang kwarto sila Yna at ang mga kasama niya." Ani Alfee. Hindi ko sila tinignan. Nakatingin lang ako kay Helix na mahimbing na natutulog.

"Wala akong pakialam." Malamig na sabi ko sa kaniya. Napaubo naman siya.

"K-kinausap ko na rin ang guidance at ang mga nakakita. Settled na ang lahat." Sabi pa niya pero di ko na siya pinansin pa.

Tumalikod ako kay Helix at pumunta sa mga upuang nakahilera sa sulok. Nandon si Irene at ang Morbens.

"J-jia, d-dumudugo ang ilong mo." Nagpapanic na sabi ni Liz. Hinawakan ko naman ang ilong ko at nakita ko ang dugo.

Walang buhay akong lumapit sa upuan at inabot ang first aid kit.
Kinuha ko ang alcohol, bulak, at betadine para linisin ang sugat ko. Lumapit si Pat na may dalang cold compress.

"A-ako na ang gagamot sa'yo." Nag-aalangang sabi niya. Iniwas ko ang mukha ko. Saka ko kinuha ang compress.

"Ako na. Salamat." Sabi ko. Bumagsak naman ang balikat niya at tinalikuran na ako. Ramdam ko ang tingin nilang lahat sakin pero di ko na pinansin pa iyon. Nilagay ko ang cold compress sa bandang ilong ko. Ginamot ko naman ang ilang sugat at pasa ko sa katawan.

Maya maya pa, may nag-abot ng towel at maligamgam na tubig sakin.

"Iha, sige na. Basang basa ka."

Tumingin ako sa nagsalita. Hindi ko alam pero biglang namuo na naman ang mga luha sa mata ko.

"A-auntie." Sabi ko saka ko siya niyakap ng mahigpit. Di ko na mapigilan ang pag-iyak ko.

Kahit kailan pinilit kong wag magpakita ng kahinaan sa ibang tao.

Pero anong magagawa ko?

Tao rin naman ako.




Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon