Chapter 2.
Bumalik na kaming apat sa room matapos ang nakakairitang eksena kanina sa canteen. Tss. Ayoko na lang talaga alalahanin.
"Jiagen, okay ka lang ba?" Si Irene.
"Yeah. That's the first time I saw you that... that furious... that mad." Hindi makapaniwalang usal naman ni Helix. I won't blame them if nagulat sila. Kasi kahit ako nagulat din eh. Napapaisip rin ako kung paano hindi natuloy yung pagsampal sa akin kanina ni Yna. Nakakabaliw 'tong araw na 'to. Sobrang weird.
"O-okay lang ako, napuno lang talaga ako sa Yna na 'yon. Idadamay niya pa si Alfee sa kalokohan niya." Napatingin naman sa akin si Alfee nang banggitin ko ang pangalan niya.
Nakapalibot na sila sakin ngayon. Ano ba 'yan hahaha."Siya nga pala Jiagen, salamat kanina ah. Buti pinigilan mo yung kamay niya kundi basang basa na ako ngayon." Nahihiyang usal niya. Ngumiti na lang ako.
"Wala 'yon. Tutal kasama ka na naman namin eh. At saka may natapon sa'yong tubig kanina hahaha!" Natatawang sabi ko pa.
"Naloka rin naman ako eh! Nakapikit pa ang eksena nitong si Alfee kanina sa canteen! Ano 'te nakatulog ka ba?! Hahaha!" Biro naman ni Irene. Nagtawanan naman kaming apat. Bigla ko na naman naalala yung mga kulay rainbow kanina sa canteen.
"Nga pala guys, nakita niyo ba yung parang kulay rainbow na biglang kumalat kanina sa canteen at bigla rin nawala?" Pagtatanong ko.
"Ha? Wala naman ah? Baka guni-guni mo lang 'yon Jia. Sa sobrang inis mo dun sa bruha na 'yon imbes na magdilim ang paningin mo nagkarainbow pa! Hahaha!" Biro na naman ni Irene kaya nagtawanan na naman kami.
"Ikaw Alfee? Nakita mo ba 'yon? Ang weird kasi talaga. Tapos hindi rin natuloy yung pagsampal sakin ni Yna. Parang nanigas siya na ewan." I shared to them. Napaisip naman sila.
"This can't be."
"Ano?" Sabi ko. May narinig ulit akong nagsalita. Parang si Alfee 'yon.
"Anong 'ano', sis? Pinagsasabi mo diyan?" Takang tanong ni Irene.
"Sino ba nagsabi sa inyo ng 'This can't be'? Hindi ba ikaw yun Alfee? Kaboses mo eh." Nagulat naman si Alfee sa sinabi ko. Tila naguluhan siya at napahawak sa ulo.
"E-excuse me." Sabi niya saka biglang lumabas ng room.
Problema n'on?
"Ay, nagwalk out? Alam mo, bagay kayo sis, parehas kayong wirdo. Hahaha charot." Tinignan ko na lang ng masama si Irene at nag-peace sign naman siya. Baliw talaga.
Bumalik na si Alfee pero tahimik na siya at hindi na kami masyadong kinikibo. Pero hindi ko na lang masyadong pinansin. Parang may batong nakadagan kasi sa buong katawan ko at nanghihina na ako. Baka sinasamaan lang ako ng pakiramdam.
Uwian na at naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. kasama ko ulit si Alfee pero medyo malayo na siya sakin.
"Jiagen." Lumingon naman ako sa kaniya.
"Bakit?" Sabi ko. Nagtataka naman niya akong tinignan.
"Ha?"
"Di ba tinawag mo ako? Ano ka dyan." Natatawang sabi ko naman. Biglang sumeryoso ang mukha niya at dahan dahang lumapit sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng takot dahil sa inaasta niya.
Tuluyan na siyang nakalapit sakin. Biglang nanghina ang mga tuhod ko. Kanina pa 'to. Ano bang nangyayari? Nakatitig lang ako sa mata niya habang nanlalambot ang mga tuhod ko.
"Tsk, you overused it. Let go of her." He said. Nanlaki ang mga mata ko dahil narinig ko siya ng hindi bumubukas ang bibig niya.
"T-teka, i-ikaw ba y-yung narinig ko?" Tanong ko sa kaniya. Seryoso naman siyang tumango.
"Yes. This is Alfee. You're hearing my thoughts. Now let go of her." W-what? Naririnig ko yung iniisip niya? This is crazy!
"S-sinong her?" I asked perplexed.
"Yna. She's still in the canteen at pinagkakaguluhan na siya. She's not moving." He said again through his mind. Parang nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang panghihina.
"A-ano? P-paano ko g-gagawin 'yon?" I weakly said. Kapit kapit niya pa rin ako to avoid me from falling. Nasa gilid kami ng school gate.
"Just... Breathe deep and think that you're allowing her to move." He instructed. I followed his instructions and I breathe deeply.
Yna, you can move now.
At that very moment I felt like a chain just got broken from inside me. Tila naglaho ang batong nakadagan sa akin. Tuluyan akong nanghina at napaupo sa sahig.
"Good job, Jiagen." This time, nagsalita na talaga siya. Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan. Sobra akong naguguluhan.
What's... What's wrong with me?!
"B-bitiwan mo ako! W-who are you? I-ikaw b-ba 'yong may gawa s-sa canteen kanina?! T-those colors? D-did it come from you?! W-what kind of p-person are you?!" Asik ko. Bakit ganito?! Sino ba talaga siya?! Kung ganon siya yung narinig ko kanina na nagbanggit tungkol sa Leritos?
"M-member ka ba ng L-leritos?" I said. Palayo ako nang palayo sa kaniya. Napaupo ako sa gitna ng kalsada sa sobrang panghihina. Mag-gagabi na.
"Ha... Ha... Ha..." I catched my breathe dahil nahihirapan na ako. This feeling feels so foreign yet so familiar to me. It feels like I knew this but couldn't remember.
"JIAGEN!" Alfee shouted. Napalingon ako sa daan and there's a black car that's approaching me. Hindi ko alam pero kabaliwan na pumikit lang ako at hinarang ang mga kamay ko.
I blinked after a few seconds. Walang nabunggo sa'kin. Binuksan ko ang mga mata ko at nanlaki ang mga ito nang makitang nakatigil ang sasakyan sa harap ko few inches from my hands. Naka-angat ang likurang parte nito at umiikot ikot pa ang likurang gulong. Lumapit si Alfee sa akin at itinayo ako. Bumagsak ang kotse.
W-what have I just done?
Mula sa sasakyan ay may lumabas na tatlong lalaki at isang babae. Nakasuot sila ng itim na coat at naka shades.
"S-sino kayo?" Nanginginig na usal ko. Sobrang hinang hina na ang buong katawan ko at ang kapit na lang ni Alfee ang nakakapagpatayo sa akin.
"Nakalimutan mo agad kami, Anderson? Ilang linggo lang namin pinatahimik ang buhay mo ah. Ang bilis mo naman nakalimot." Marahan ngunit may pagbabanta sa boses ng isang lalaki. Siguro ay nasa mid- 30s na siya.
"Seems like you're slowly figuring out who you are." Sabi ng babae.
Naikuyom ko ang aking mga kamao sa kabila ng matinding panghihina. Sa kanang bahagi ng coat nila ay napansin ko ang nakaburda sa puting sinulid.
L.
"L-leritos." May galit na sabi ko.
"Akala ko nakalimutan mo na eh. Sino 'yang kasama mo? Boyfriend mo? Hahaha!" Pang-aasar pa nito. Inilagay ako ni Alfee sa likuran niya. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. At sa unang pagkakataon, sa ilang taon na pagbabanta sa akin ng Leritos...
I feel safe.
"Tumigil na kayo at umalis." Mariing sabi ni Alfee. Nagkalat ulit ang iba't-ibang kulay sa ere. Tumigil ang apat na Leritos at tila ba natuliro. Dahan dahan silang tumalikod sa amin at umalis.
Nang maka alis na sila ay humarap muli sa akin si Alfee.
"A-anong nangya—" hindi na natapos ang sasabihin ko nang tuluyan nang bumigay ang katawan ko at tila napunta sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Who I Really Am
FantasyHave you ever thought of being supernatural? If you would be given a chance, what powers do you want to have? Credits to the rightful owner of all the photos that I used!