9- Training

17 5 0
                                    

Chapter 9.

"Ouch! Alfee ano ba?!" Singhal ko na naman kay Alfee. Puro sugat na ang buo kong katawan dahil lagi akong nadadaplisan ng mga dagger niya. At siya? Ayan. Wala man lang kasugat-sugat.

"Jiagen you can't say that kapag nasa totoong laban ka na. C'mon, try to attack me. Isipin mo kung paano mo masusugatan ang kalaban mo. Isipin mo kapag umatake ka kung anong posibleng gawin ng kalaban mo. Kaya mo yan." He instructed. Inis naman akong pumwesto. Mas may advantage siya dahil pwedeng long range ang gamit niya.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya. Sinubukan ko siyang patamaan sa balikat pero mabilis din siyang nakailag. Hinawakan niya ang braso ko at inipit ito. Napasigaw ako sa sakit. Binitawan niya ako at bumagsak ako sa sahig sa sobrang pagod. Argh!

"S-sabi na nga ba eh. Hindi ko kayo matutulungan." Hinihingal na sabi ko. Tagaktak ang pawis na tumutulo sa akin at parang kabayong tumatakbo ang lakas at bilis ng heart beat ko.

"Huwag kang magsalita ng tapos, Jia. Tandaan mo unang training mo pa lang 'to. Pwede ka pa mag-improve." Sabi ni Auntie nang makalapit na siya sa amin. Tumingin naman ako sa kaniya. Habol ko pa rin ang aking hininga na tumayo at umupo sa gilid.

"Jia, gagamutin kita ah?" Marahang sabi sakin ni Pat. Hinawakan niya ang aking braso at pumikit. Maya maya pa ay nagliwanag ang kamay niya. Parang nakakarelax naman ito sa pakiramdam at unti-unting kumakalma ang sistema ko.

Nakapikit ako at ilang sandali pa ay nagsalita na siya. "Tapos na. Pahinga ka muna." Minulat ko ang aking mata at sa gulat ko ay nawala ang mga sugat ko. Parang walang nangyari!

"Jia." Tawag sakin ni Tim.

"B-bakit?" Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako tuwing maaalala ko yung kanina. Geez, nakakahiya talaga!

"K-kalimutan mo na yung kanina. May sasabihin ako sayo."

"S-sige, Ano ba 'yon?" Tanong ko saka ako tumayo. Pumunta kami sa weapon area. Tinignan ko ang iba't-ibang itsura ng mga dagger, Palaso, at balisong. May mga pang close at long distance combat din na mga knives.

"Alam mo kung bakit natalo ka kanina?" Tim said out of the blue.

"U-uhm... Kasi mahina ako?" I answered. Totoo naman. Lampa talaga ako. Minsan nga kahit naglalakad lang ako mabubunggo pa ako kung saan saan.

"Hindi. Dahil bukod sa hindi physically prepared ang katawan mo, ay dahil hindi mo alam gamitin ang weapon mo." He frankly said.

"O-oo nga 'no?"

"Bukas na bukas ay mag-exercise at magjogging ka. Para lumakas ang pangangatawan mo."

"S-sige."

Kinuha niya ang isang butterfly knife (balisong). "Kapag titira ka sa kalaban, mahalagang umasinta ng mabuti. Dapat lahat ng galaw mo pinag-iisipan. Calculate kung saan posibleng bumagsak ang tira mo. Consider the wind and the angle." He instructed. Tumingin lang naman ako sa ginagawa niya.

Maya maya pa ay mabilis niyang ibinato ang balisong sa bandang kanan ko. Rinig na rinig ng kanang tainga ko ang daplis ng hangin na nanggagaling sa balisong.

Lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakatarak ang balisong sa pinakagitna ng shooting board. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkamangha.

"Whoa! That was amazing! Turuan mo ako!" Excited na sabi ko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso. Tawa lang naman siya ng tawa.

"Uy Tim sige na turuan mo na ako! Pleaaaasseeee?!"

"Hahaha sige na nga. Tuturuan kita after break." Nakangiting sabi pa nito. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko siya.

"A-ayy hahaha sorry ang feeling close ko naman hehe."

"Okay lang, magkaibigan na naman tayo eh." Nakangiting sabi pa niya. I just smiled back in return.

•••

Nakaupo ako sa sofa ng HQ ng Morbens. Yeah, Headquarters pala nila ang malaking bahay na 'to. At yung training ground/room ay nasa basement. Kulay light brown ang pader at mala-gothic style ang itsura ng paligid. Ang ganda.

"Jia, kumain ka muna." Alok sa akin ni Liz. Nilapag niya ang slice ng mocha cake at isang baso ng pineapple juice. Agad ko naman itong kinuha.

"Thank you, Liz." Nakangiting sabi ko. Tumango lang naman siya.

"If you need anything, just call us okay? Feel at home." Sabi niya saka umalis. Tinignan ko naman ulit ang binigay na pagkain ni Liz. Nagutom ako bigla hehe.

Kumuha ako ng maliit na slice ng cake at kinain ito. Ang sarap! Ilang saglit pa ay naubos ko na amg cake at ininom ang juice. I burped a little. Buti na lang walang tao dito dahil busy sila sa kung saang parte nitong HQ. Hehehe.

•••

"Jia, are you ready?" Timothy asked me.

"Y-yeap."

"Okay, first of all you should know about weapons. What kinds of weapons is this, how it should be use, and so on and so forth– okay?" I nodded.

"What you used earlier is an scottish dirk. It is used in close combat. But if you'll be creative or resourceful, you can use it in long range. Like this." Pagkasabi niya at marahan niyang hinawakan ang handle ng dagger at ibinato. Tumusok ito sa may bandang gitna ng shooting board.

Hindi ko talaga maiwasan na mamangha sa tuwing nkikita kong nakaka bull's eye si Tim. "Kapag gagamitin mo naman siya in close combat, dapat flexible ang kamay mo pero hindi dapat mahulog ang dagger." Ipinakita niya ang kamay niya na pinapaikot-ikot ang dagger.

"Pero bakit kailangan pa niyan?"

"Kasi, kapag flexible ang kamay mo sa dagger... Mas makaka-atake ka sa iba't-ibang anggulo." Napatango na lang ako sa sinabi niya.

"Ito naman, my favorite. Butterfly knives. Mas madali itong dalhin sa laban dahil mas maliit ito. Unlike dagger, hindi masyadong advisable na gamitin sa close combat ang mga ito. Dahil apat ang talim nito, pwede ka rin masaktan. Kailangang ibato mo lang siya sa kalaban." Kagaya kanina ay ibinato niya ang balisong. Mabilis itong tumusok sa gilid ng shooting board.

"Bakit sa gilid lang tumama?"

"Dahil doon ko siya pinatama." He smirked. Sana all asintado.

Tinignan ko ang palaso na nasa table. Bata pa lang ako malaki na ang interes ko sa archery. Kinuha ko ito. "I want to try this." Inasinta ko ang gitna ng shooting board at pinakawalan sa kamay ko ang arrow. Ibinalik ko ang tingin ko sa palaso. Di na ako nag-abala pang tigna--

"Jiagen, look." Tim called me. Lumapit ako sa shooting board upang tignan kung saan nga ba tumama ang tira ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ito.

"N-nasa gitna?!" I exclaimed.

This. Is. Not. Happening!

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon