4- Leritos

41 5 2
                                    

Chapter 4.

"So you still haven't figured it out." Alfee said. I smiled.

"No— I actually don't know, I'm confused. Naalala ko yung gabing pinaslang ng mga Leritos ang mga magulang ko. But— what I know is that my parents are supernatural and I thought what I did back then wasn't true. Pero totoo pala lahat. Hindi ko kilala o alam kung ano at sino talaga ang mga Leritos. Ang tanging alam ko lang ay sila ang mga walang hiyang pumatay sa pamilya ko." May galit na sabi ko. Hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila.

Napabuntong hininga naman si Alfee. "It's already two in the morning. Sa school na lang natin pag-usapan 'to. Aalis na kami." Sabi niya. Alas dos na pala ng madaling araw?!

"Oo nga may pasok pa pala tayo bukas— ayy mamaya pala haha." Said Liz.

"Sige aalis na—" hindi na natuloy pa ni Alfee ang sasabihin niya.

"No. D-dito na muna kayo magstay. Mamayang umaga na lang kayo umalis." I offered. I realized na nakakahiya dahil inasikaso nila ako kahit di nila ako kilala.

"Pero gutom na kami..." I heard Nathan's thoughts. Natawa naman ako.

"Okay fine. Dyan lang kayo, magluluto lang ako ng makakain natin." I said. Naghiyawan naman sila sa tuwa.

"Ang laki pala ng advantage ng ability mo Jiagen! Nakakaramdam ka na gutom na kami hahaha!" Miguel said.

Lumabas sila ng kwarto at nagtungo sa maliit na living room ko. Binuksan ko naman ang TV para malibang sila habang naghihintay.

Nilabas ko ang mga stock ko sa ref at nagprito ng mga madadaling lutuin like hotdog, bacon, and eggs. Nagsaing rin ako ng marami dahil hindi pa rin ako kumakain.

"Hey." I heard Alfee said behind me.

"Oh, bakit nandito ka?" I asked.

"Are you sure you want us to stay here?"

"Oo naman—" natigilan ako nang maalala ko ang isang bagay.

"YUNG MOTOR KO!" Nagpapanic na sabi ko.

"Wag kang maghysterical diyan. Nasa parking lot na 'yung motor mo." Nakahinga naman ako ng maluwag sa nalaman.

"Totoo ba yung sinabi ni Yna sa motor ko kanina?" Nag-aalalang tanong ko pa. Mahalaga sakin yung motor na yon. Sobra.

"Oo, parang sinabuyan ng kung ano anong powder eh. Nagmukha talagang rainbow haha." Sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. Dapat lang talaga kay Yna yung ginawa ko sa kaniya. Tss.

"Bakit ba sobrang iniingatan mo yung motor mo?" He asked.

Binaliktad ko naman muna ang itlog na niluluto ko. "Mahilig kasi si papa sa motor. Yun yung mismong model na balak niyang bilhin bago siya mawala. Ayun na lang yung tanging memory ko sa kaniya." Kahit bata pa ako nang mawala sila laking pasalamat ko dahil di ko nakalimutan 'yon.

"Mahirap ba?"

"Ha? Ang alin?" Pagbalik ko ng tanong sa kaniya.

"Maging ulila. Ilang taon ka ng ganyan. How did you survive?"

"Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam. Kaya lang naman ako nakabili ng condo at motor ay dahil sa minana ko sa kanila. Binigay sa'kin ng bangko ang 40 percent ng mana ko dahil wala akong guardian. Pero dahil malapit na ako maglegal age, makukuha ko na ng buo 'yon." I explained.

"That must be so tough for you. Sana lahat ng tao katulad mo." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Natapos na ako magluto at naghugas na ako ng kamay. Pinilsik ko sa kaniya 'yung tubig sa kamay ko hahaha!

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon