Chapter 27.
Ang bilis ng panahon. Halos pitong buwan na ang nakakalipas nang mangyari ang lahat. Ang pagdating ng Morbens, si Auntie, kami ni Helix– well don't get me wrong, We're not official. Hindi ko kayang gawin 'yon sa ngayon dahil alam kong mas lalo lang siyang mapapahamak. Baka madamay pa sila tito Heiz at tita Alex.
Halos anim buwan na rin na hindi nagpapakita si Irene. Kamusta na kaya siya? Kahit hindi maganda ang huling pagkikita namin, hindi maaalis sa akin na kaibigan ko siya. Lalo na at may dahilan siya kung bakit niya nagawa sakin lahat ng iyon.
Jasperein Anderson
Born: May 29, 1979
Died: September 6, 2008Genawyll Anderson
Born: August 19, 1980
Died: September 6, 2008"Ma, Pa. It's been a long time." I smiled bitterly. Nandito ako ngayon sa funeral garden na pinaglibingan kila Mama at Papa. Twelve years. Twice more than my age na wala sila sa tabi ko. Until now, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naging ganito ang lahat. Dahil... Dahil ba talaga 'to sa'kin?
"M-ma, P-pa... I badly wish y-you're here w-with me... S-sana kasama ko k-kayo. S-sana kumpleto tayo. K-kailangan ko p-pa kayo..." Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha ko. Labing dalawang taon na ang nakakalipas pero yung sakit na nararamdaman ko parang kahapon lang.
"It's your 12th Death Anniversary ma, pa." Sabi ko saka hinawakan ang marmol kung saan nakaukit ang pangalan nila. Tumayo na ako at pumunta sa motorbike ko at nag-drive pauwi.
Hindi ako nakakaramdam ng saya tuwing sasapit ang araw na 'to. Karaniwang araw– pero masakit. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko nalilimutan ang araw na ito.
September 6.
Huminga ako ng malalim saka lumabas ng elevator. Naglakad ako papunta sa condo ko. Binuksan ko ang pinto at napa-atras ako sa aking nakita.
A-anong...
"Happy Birthday!!!" Sabay sabay nilang sigaw. Nagkalat ang mga gold colored balloons sa loob ng condo ko at may mga gold confetti. Sa pader ay nakasulat kung anong nga talagang meron sa araw na 'to.
Jiagen @18
Yeah right, today is my birthday. Unfortunate enough, today is also the day my parents died. Sigh.
I faked a smile to them, nag-effort talaga sila. Bakit ba hindi ko binasa ang isip nila? Eh di sana alam ko na mangyayari 'to. Siguro dahil hindi ko rin talaga in-expect na gagawin nila 'to.
Pumasok ako sa loob at isa-isa nila akong niyakap at binati. It's been a long time since I celebrated my birthday.
"Happy birthday, Jia!" Bati ni Pat at Maris.
"Thank you." Pasasalamat ko saka ngumiti sa kanila. Ngayong araw ko na rin makukuha ng buo ang inheritance ko kila mama. Dati hindi ko pa alam kung saan ko igagastos ang makukuha ko. Pero ngayon, sa tingin ko alam ko na.
Nandito ang lahat ng Morbens, si Auntie, ang tatlong council of Elders, at ang pamilya ni Helix. I smiled while I looked at them. Nandito lahat ng taong gusto kong protektahan.
Before, anger and hatred is what ignites my power. That's what keeps me to be better– to have my revenge against Leritos. Pero sa maikling panahon, unti-unting nagbago 'yon.
Now, Love is what keeps me going. Ang pagmamahal ko sa mga tao sa paligid ko ang dahilan kaya gusto ko pang maging mabuti. Para maprotektahan ko sila.
BINABASA MO ANG
Who I Really Am
FantasyHave you ever thought of being supernatural? If you would be given a chance, what powers do you want to have? Credits to the rightful owner of all the photos that I used!