Chapter 6.
Naiwan si Auntie Reign sa condo ko. Pumasok kaming sampu sa school ng sabay sabay. May puting van silang siyam na si Alfee ang driver. Habang ako ay nakasakay sa grey motorbike ko. Nakapants lang ako at plain sky blue shirt. Wala kasing uniform sa Bettinia University. Pre school to junior high lang ang may assigned uniform.
Ilang minuto rin at nakarating na kami sa school parking lot. Kinakabahan akong iwan ang motor ko rito dahil baka matuluyan 'to pagbalik ko. Kasunod ko ang van nila Alfee.
Bumaba ako sa motor ko pagka-park nila. Isa-isa rin silang bumaba sa sasakyan.
"Tara na!" Paolo excitedly said. Lumapit naman sila sa akin at sabay sabay kaming pumasok ng school. Kinakabahan ako dahil baka harangin na naman ako ni Yna at magtaka sila sa nangyari kahapon.
Ramdam ko ang kakaibang tingin ng mga estudyante sa mga kasama ko. Good thing di nila ako napapansin. Sa totoo lang normal na estudyante lang naman talaga ako dito. Si Yna lang talaga yung malinaw na mata ang nakakapansin sa isang alikabok na tulad ko. Tss.
"Grabe naman makatingin 'tong mga estudyanteng 'to. Parang gusto na kami ibaon sa lupa." Sabi ni Maris habang naglalakad sa tabi ko. Natawa naman ako.
"Masasanay ka rin diyan, bago kasi kayo sa paningin nila." Sabi ko na lang.
"Pumunta na kayo sa same section namin ni Jiagen. Ako na ang bahala sa principal at teachers." Sabi ni Alfee. Nagsitanguan lang naman sila at sumabay sa akin papasok ng room.
Sinalubong ako ni Irene pagkapasok. "Jia! Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong nito. Ngumiti naman ako sa kaniya.
"Oo hehe." Napalingon naman siya sa likod ko at nakita niya ang Morbens.
"Sino sila?" Tanong niya pa. Napansin ko rin si Helix na naglilinis ng salamin at tumingin din sa amin.
"A-ahh, mga kaibigan yan ni Alfee. Transferees din." Sabi ko. Ngumiti naman siya at excited na lumapit sa kanila.
"Wow! Transferee kayo?! Hello! Ako si Irene! Nice to meet you!" Masayang bati nito. Nagpakilala rin naman sila sa kaniya at kay Helix.
Umupo naman ako sa pwesto ko. Nakaupo ang Morbens sa likuran.
Sabi sakin ni auntie Reign kanina kailangan kong magfocus. Kailangan kong mailabas ang ability ko ngayon just in case puntahan na naman ako ng Leritos.
Pumikit ako at humingang malalim. Kinuha ko ang ballpen ko at inilagay sa ilalim ng table ko. Umayos ako ng upo at sinubukang palutangin ang ballpen. Ilang sandali pa narinig ko itong tumunog sa ilalim ng table ko.
Muntik na akong mapasigaw sa sobrang tuwa! Sinubukan ko pa ito at ang iba ko pang gamit ng patago. Sinubukan ko naman kung maririnig ko ang iniisip ng ibang tao. Nakapikit ako at nagpo-focus nang biglang pumasok ang prof namin kasunod si Alfee.
"Everything's settled." I heard him said in his thoughts. We stared at each other. I smiled at him and I winked. I wonder if it's also possible for me to pass my thoughts. Umiling siya at ngumiti rin sakin.
"So, you can hear my thoughts again huh?" He said again through his thoughts. Tumango ako habang natatawa sa saya. Tumabi siya sakin at bumulong.
"I'm happy for you." He whispered. Tumawa naman ako at hinampas siya ng bahagya.
"Oy anong ginagawa niyo?" Biglang singit ni Irene. Nakataas pa ang kilay nitong nakapamewang sa harap namin. Natawa naman kaming dalawa at sabay na napa-iling.
"May something 'tong dalawang 'to for sure." Nanlaki ang mata ko sa narinig kong iniisip ni Irene.
"W-woy! Walang something samin 'no!" I said— amused. Napaka green minded talaga nito. Tss.
BINABASA MO ANG
Who I Really Am
FantasyHave you ever thought of being supernatural? If you would be given a chance, what powers do you want to have? Credits to the rightful owner of all the photos that I used!