Chapter 17.Sunday.
Lumabas ako ng cr after kong maligo at pumasok sa maliit na walk-in closet ko. Sunday ngayon at nangako ako kila tita Alex na bibisita ako sa kanila ngayong araw. Hays, buti na lang wala na yung mga sugat at pasa ko dala ng training kahapon. Thanks to the Healing Ability of Pat.
Humarap ako sa salamin at sandaling nag-ayos. Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kay Auntie.
"Auntie, aalis na po ako. Bye po!"
"Saglit lang, Jiagen." Nakahawak na ako sa doorknob nang pigilan ako ni–
"Alfee? Bakit ka nandito?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Kailangan kitang samahan–" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang magsalita ako.
"Wait, what? Bakit? Kila Helix lang naman ako pupunta." Reklamo ko. Gusto ko naman ng privacy! Argh!
"Hindi pwede Jiagen." Seryosong sabi ni Alfee saka niya hinila ang braso ko at dinala ako sa may bintana.
"Ayan, tumingin kang maigi sa paligid mo." Sabi niya saka iniharap ang mukha ko sa maliit na puwang ng kurtina sa bintana ko.
"Ha? Ano bang meron?" Iritadong sabi ko naman.
"Tsk! Tignan mong maigi! Nakapalibot ang mga Leritos sa'yo! They're watching you! Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka?!" Halatang inis na bulyaw sa akin ni Alfee. Napanguso naman ako sa kaniya.
"G-grabe ka naman, matangkad ka lang pero magkasing edad lang naman tayo ah." Nakangusong sabi ko pa. Makasabi ng bata... Akala mo naman malaki ang age gap namin!
Tumingin naman ako sa paligid at nakita ang ilang mga naka-itim na tila ba nagmamatyag sa paligid. Hays. Akala ko tinantanan na talaga nila ako. Guess I'm wrong. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Alfee.
Marahas niyang kinamot ang ulo niya. Halatang naiinis siya. Huhuhu sorry na. Napatingin kami kay Auntie na kakalabas lang ng kwarto niya.
"Oh, bakit di pa kayo umaalis?" Tanong nito sa amin.
"Ma! Ang tigas ng ulo ng batang 'to." Natigilan naman ako nang tawagin ni Alfee na mama si Auntie. Hays, bakit ka pa ba nagugulat self? Eh matagal na ngang confirmed diba? Magpinsan talaga kayo.
"S-sorry na Alfee. T-tara na." Nakayukong usal ko sa kaniya. Tumahimik naman siya at bumuntong hininga. Tumingin naman ako sa kaniya pero napataas naman ang kilay ko nang makitang natatawa siya.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko sa kaniya. Baliw na ba siya? Umiling lang siya saka ako hinatak palabas.
Nagpunta na kami sa parking lot at lumapit sa motorbike ko. Sumakay naman ako at in-start ito.
"Sakay na." Aya ko kay Alfee. Narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina bago sumakay. Baliw na talaga 'to.
Agad kong pina-andar ang motor ko patungo sa bahay nila Helix. Buti na lang at Sunday kaya naman hindi masyadong traffic.
Ilang sandali pa ay inihinto ko ang motorbike ko sa tapat ng isang malaki at modernong bahay.
I sighed. "We're here." Bumaba kami sa motor at nagdoor bell.
Maya maya pa ay lumabas ang isang may edad na maid at pinagbuksan kami ng gate."Tuloy po kayo!" Nakangiting bati sa'min nito. Pumasok naman kami sa loob ng bahay.
"Dumiretso na po kayo sa dining area, naghihintay po sila sa inyo." Dagdag pa ng maid. Sabay naman kami ni Alfee na pumunta sa dining area.
"Hello po tito, tita." Bati ko sa kanila.
"Good afternoon po Mrs and Mister Fernandez." Bati rin ni Alfee. Lumapit naman kami sa kanila at nagmano.
BINABASA MO ANG
Who I Really Am
FantasyHave you ever thought of being supernatural? If you would be given a chance, what powers do you want to have? Credits to the rightful owner of all the photos that I used!