Chapter 20.
"Sabi na nga ba't darating kayo." Humarap si Irene sa kanila.
"Paano mo 'to nagawa sa sarili mong kaibigan?! Traydor ka!" Galit na usal ni Maris sa kaniya.
"Oh come on. You have no idea." Kalmadong sagot ni Irene saka lumapit sa akin at madiing hinablot ang aking buhok.
"Bakit... Bakit niyo ba kinakampihan ang babaeng 'to? Hindi niyo ba alam na mamamatay tao siya? Mapapahamak lang kayo sa kaniya."
"At least hindi kami katulad mong hindi na nga siya tinulungan, trinaydor pa siya." Madiing ani Pat.
"Tss, As if I care." Mapang-asar na sagot ni Irene. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Nagtiwala ako ng buo sa kaniya. Isa siya sa gusto kong protektahan.
"I-irene please, b-bitiwan mo na a-ako." Pakiusap ko sa kaniya. 'di hamak na sampung beses na malakas ang hawak niya sa buhok ko kumpara kay Yna.
Pabato niyang binitawan ang buhok ko. Naluluha pa rin akong tumayo.
"Finish them." Utos ni Irene sa mga Leritos. Agad na sumugod ang Morbens sa kanila. Ito ang unang beses na makikita ko silang makipaglaban ng totoo.
Humanda na sila sa pag-atake nang may huling boses akong narinig. Parang bigla akong nagkalakas na tumayo ng maayos sa pagkagulat. Napatingin kaming lahat sa kaniya.
"J-jiagen!"
Hindi pwede!
"H-helix bakit ka nandito?!" Gulat na tanong ko sa kaniya. Lalapit sana siya sa akin nang pigilan siya ni Irene.
"Hindi ka pwedeng lumapit sa kaniya." Ani Irene habang hawak ng madiin ang braso ni Helix.
"I-irene? W-why are you here? What are you doing- let go of me!" Nagpumiglas si Helix sa madiing pagkakahawak ni Irene. Napalapit ako kay Helix nang makitang nagkaroon ng pasa ang parteng hinawakan ni Irene.
"P-paano nagkapasa 'to? B-bakit sobrang higpit ng kapit niya sa'kin?" Tanong ni Helix.
"Sa susunod na ako magpapaliwanag. B-bakit ka nandito?" Tanong ko ulit sa kaniya. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ko. I sighed.
"N-nabalitaan kong nawawala ka na for two days- wait, b-bakit ganyan ang itsura mo? Sinong gumawa niyan sa'yo?" Nagpapanic na tanong niya. Tumingin ako kay Irene bilang pagtugon.
"S-si Irene?" Gulat na tanong niya. Hinarap niya si Irene.
"Irene bakit mo 'to ginawa sa kaibigan natin?! At ano ba 'to?! Ano ba talagang nangyayari?!"
"Ang ingay mo ngayon ah, manahimik ka." Malakas na tabig sa kaniya ni Irene dahilan upang tumalsik si Helix.
"Irene!" Sigaw ko sa kaniya. Bakit pati si Helix dinadamay niya?! Wala siyang puso!
"Ano na?! Tapusin niyo na 'yang mga 'yan." Utos ni Irene sa mga Leritos at kaagad itong sumugod sa Morbens.
Nagpakawala ng fire ball si Paolo sa mga kalaban. Agad naman umatake ang iba pa. Para akong natuod sa sulok.
Ang sabi ko, poprotektahan ko ang mga taong mahal ko. Pero bakit wala man lang ako magawa ngayon?
Biglang humangin ng malakas sa loob ng silid. Nakita ko si Maris na kinokontrol na ang hangin. Umihip ang malakas na hangin at unti-unting umaatras ang mga Leritos.
Ngunit nawala agad ito nang may mga lumipad na maraming dagger papunta sa kanila. Sumaksak ito sa iba't-ibang parte ng katawan nila. Napahakbang naman ako sa pagkabigla. Kailangan ko ng kumilos!
BINABASA MO ANG
Who I Really Am
FantasyHave you ever thought of being supernatural? If you would be given a chance, what powers do you want to have? Credits to the rightful owner of all the photos that I used!