3- That Vivid Dream

36 4 2
                                    

Chapter 3.

"Jasper at Gena Anderson!" Nagising ako sa malakas na sigaw sa baba ng bahay namin. Humakbang ang maliliit kong paa papalabas ng aking kwarto para sana hanapin sila mama.

"Anak! Anak magtago ka bilisan mo!" Sabi sa akin ni mama. Naguguluhan ako sa mga nangyayari! Sino ba 'yon?

"Nandito lang pala kayong mag-ina. Nasaan ang mahal mong asawang si Jasper?" Sabi ng isang may katandaang lalaki kay mama. Sobra akong natakot dahil may itim na lumalabas mula sa kamay nung lalaki.

"Lerry! Huwag na huwag mong sasaktan ang mag-ina ko! Ako ang harapin mo!" Narinig ko ang sigaw ni papa. Nasa likuran siya nung lalaki. Nakita kong dahan dahan lumalapit ang itim kay papa hanggang sa masakal siya nito.

"Papa!! Huhuhu!" Iyak ko habang pinapanood na saktan ang papa ko. Tumayo si mama at humarap sa akin.

"Anak, dyan ka lang. Magtago ka." Sabi ni mama ngunit hindi ako maka alis sa kinatatayuan ko. Yakap yakap ko ang maliit kong katawan at walang humpay na umiiyak sa takot.

Nagliwanag ang kamay ni mama at tumama ito sa lalaki. Nabitawan ng lalaki si papa at habol habol nito ang kaniyang hininga.

"Papa--" akmang lalapit ako kay papa nang biglang may sumaksak sa tagliran niya. Umagos ang dugo ni papa sa sahig at mas lalo akong umiyak. Sakal sakal na ng masamang lalaki si mama at naka angat ito sa ere.

Sumigaw ito kay mama. Hindi ko naintindihan ito ngunit hindi makapagsalita si mama. Sa sobrang galit ko ay nag- angatan lahat ng gamit sa bahay maging ang mga naka itim na coat. Nabitawan nito si mama.

"Anong ginawa mo sa mama at papa ko! Bad ka!!!" Sigaw ko. Sa sobrang galit ko ay pinatalsik ko sa pader ang lalaki at nag-crack ang pader. Lumapit ako sa lalaki at gamit ang puwersang nanggagaling sa akin ay unti unti ko siyang sinakal. Hindi ko napansin ang lalaking sumaksak kay papa na dinampot ako. Biglang tumalsik ang lalaki dahil kay mama. Ngunit huli na ang lahat nang paglingon ko sa kaniya ay may nakasaksak ng kutsilyo sa kaniyang dibdib.

"M-mama! Mama!" Lumapit ako kay mama at niyakap siya. Lumingon ako kay papa na wala na ring buhay. Tumindig ang maliliit kong mga paa at humarap sa pumatay sa mga magulang ko.

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon