11- Driving me Crazy

11 4 0
                                    


Chapter 11.

"W-weh? M-magpinsan kayo n-ni Jiagen?!" Gulat na tanong ni Irene. Nagulat din ako pero-- tingin ko nagpapalusot lang 'to. Tss.

"Yeap, Her Auntie is my Mom." He said. Nagkatinginan lang naman ang Morbens saka sabay sabay na umiling. Siguro di rin sila naniniwala. Sasakyan ko na lang yung kalokohan ni Alfee para matapos na rin 'to. This is non sense.

"Pwede ba? Oo na magpinsan na kami. Ngayon pwede na ba akong kumain?" Iritang sabi ko. Ma-attitude talaga ako kapag nagugutom. And guess what? WALA AKONG PAKE. Saka ko na lang pagsisisihan ang mga ginawa ko kapag busog na ako. Hmp!

Hinila ko ang kamay ni Irene at agad na lumabas ng room ng walang lingunan. Hindi ko binitawan ang kamay niya hanggang sa makarating kaming canteen.

"Irene, si He--" natigilan ako nang pagharap ko ay hindi si Irene ang hawak ko.

"H-helix?!" Agad kong binitawan ang kamay niya matapos kong marealize na hawak ko pa pala ito. Geez.

"Bigla mo akong hinila eh." Natatawang sabi niya. Umupo kami sa isang sulok matapos um-order ng mga pagkain namin. Marami akong in-order dahil gutom na gutom talaga ako. Huhuhu.

"Nasaan na ba sila Irene?" Tanong ko habang kumakain. Ang tagal naman nila? Baka nagkuwentuhan pa yon. Tss.

"Huy Jiagen bakit bigla kang umalis?" Rinig kong tawag ni Irene. Kasabay niya ang Morbens.

I rolled my eyes. "Ang dami niyo kasing sinasabi, gutom na ako eh. Ang dami ko kayang tinest!" Reklamo ko. Tumawa lang naman sila. Gustong gusto talaga akong nahihirapaaaan.

Umupo ang morbens sa tabing table namin. So– parang magkakasama na rin kami. Dinikit kasi nila ang table.

"Oy Jia! Alam mo bang highest na naman yan si Helix sa lahat ng subject?! Nako! Iba talaga utak neto eh." Kuwento ni Irene. Di na ako nagulat. Consistent honor student si Helix. Kaso dahil sa outfit niya na mukhang nerd, ayaw siya maging kaibigan ng mga kaklase namin. Ewan ko ba, may itsura naman si Helix kung tutuusin eh. Sa limang taon kaming magkakaibigan, ganyan na talaga pormahan niya.

"Talaga? Naks, congrats Helix. Libre naman dyan!" Biro ko. Ngumiti lang naman siya.

"U-uhm, wait lang. Excuse me." Sabi ni Helix saka umalis sa table. Ginagawa non? Formal talaga lagi non. Kaya minsan naiisip ko hindi kami close eh.
Sabagay, baka ganon sila sa bahay nila. Mayaman kasi sila eh. May ari ng malaking kumpanya ang dad niya. Sana all naman debaaaa?

Nagkuwentuhan ang mga kasama ko habang ako ay tahimik na kumakain. Bahala sila dyan basta ako busog hehehe. Ilang sandali pa nagulat ako nang may ilapag si Helix sa lamesa.

"H-helix? Birthday mo ba?" Tanong ko dito. Sa pagkakaalam ko malayo pa ang birthday niya ah? Ang dami niya kasing biniling pagkain. Napatingin tuloy sa gawi namin ang ibang students. Tss. Mga usisero.

"S-sabi mo ilibre ko kayo?" Inosenteng tanong nito. Nakatingin lang naman kami sa kaniya. Set G ang in-order niya! At nasa libo yon! Geez!

Merong limang uri ng putahe, maraming kanin at desserts. Meron din juice and softdrinks. Natawa na lang ako.

"Ang galante mo talaga, Lix." Biro ko dito. Tumawa lang naman siya.

"Sige na kumain na tayo." Aniya. Agad naman kaming kumuha ng mga pagkain.

Sulit yung gutom ko hehez!

•••

Natapos na ang isang oras na lunch break namin. Muntik na namin hindi maubos yung mga pagkain buti na lang marami kami.

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon