26- All Out

14 2 0
                                    

Chapter 26.

Ilang araw na rin ang nakalipas nang bumisita si Madame Nympha sa condo ko. At ilang araw na rin na hindi matahimik ang isip ko. Paanong nagkaroon ako ng apat na ability?

Naalala ko rin yung pagkikita namin ni Helix sa school after niyang pumunta sa bahay. Sobrang awkward! Pero, we managed to settle things up.

"Jiagen." Tawag sa akin ni Sir Ophius. Gaya ng sinabi ni Madame Nympha, isa siya sa tatlong council of Elders ang nakaligtas sa atake ng Leritos. Kasama niya si Sir Ophius at Sir Asron.

"P-po?" I respond. Hanggang ngayon ay nai-intimidate pa rin ako sa lakas ng aura ng tatlong council of Elders na ito. Lalo na itong si Sir Ophius, siya kasi ang pinaka seryoso sa kanila.

Lumapit silang tatlo sa akin kasama si Auntie at ang Morbens. "Since bumalik na ang ability mo, and you discovered your third and fourth ability... We will give you an all out training." Bigla naman akong kinabahan at pinagpawisan sa sinabi niya. I don't like the idea of an all out training.

"A-all out training po?"

"Yes. All of us versus you. Using ability is allowed. Kahit gamitin mo pa ang lahat ng ability mo." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, Silang lahat laban sa akin?! Ano namang laban ko sa kanila?!

"S-sigurado p-po ba k-kayo d-dyan?" Kabadong tanong ko sa kanila. Tumango naman sila at halata rin ang excitement sa mga mata nila.

"Let's see kung hanggang saan ang ability ng batang ito." I heard sir Ophius' thought. Seryoso talaga sila. Anong magagawa ko?

"Matatapos lang ang laban kapag nagawa mo kaming critical lahat. Kumbaga sa chess, you need to check mate us all. Got it?" This time, si Sir Asron naman ang nagsalita. I gulped.

C-critical?! P-paano ko magagawa 'yon eh isang dosena sila?!

"Isa pa, pwede rin tayong gumamit ng mga weapons. Feel free to choose." Nakangiting sabi ni Madame Nympha. I can't smile back right now knowing that I'll be in a life and death situation. Tsk!

Lumapit ako sa weapon area at kumuha ng daggers. I refrain from using bow and arrows. Less convinient dalhin pagdating sa laban. Though pwede rin naman for back up purposes.

Kailangan mong maging malakas, Jiagen. Para sa hustisya ng mga magulang mo.

Huminga ako ng malalim saka dahan dahang humarap sa kanila. Kung hindi ko sila tatalunin lahat, ano pang pag-asa ang makukuha ko para matalo ang mga Leritos?

"I-i'm ready."

"Jiagen, you have to learn to control your ability. It can kill us." Auntie warned me. Kahit di sigurado ay tumango na lang ako. Kaya ko 'to.

Kaniya kaniya kaming pumwesto at naghanda sa pag-atake. May advantage ako dahil sa force telekinesis ko. Pero-- sir Ophius have a telekinesis ability. And sir Asron is a skilled Fighter. Tsk, bahala na.

"Go!" Sigaw ni Auntie. Hudyat na umpisa na ang laban. Agad silang tumakbo papunta sa akin at sabay sabay na umatake. That caught me off guard! Ang bilis nila kumilos! I need to fight back.

I opened my mind and intrude theirs. Through that, malalaman ko ang next move nila. Agad akong tumakbo papalayo habang hindi pa ko nakakaisip ng maayos na plano.

Nadapa ako nang may bumulusok na apoy sa likuran ko. Nakita kong nag-aapoy ang laylayan ng aking damit kaya agad akong gumulong. Mahihirapan ako dahil– hindi ko sila kayang saktan.

"Lumaban ka, Jiagen." I heard Madame Nympha's thoughts. Tumayo ako at humarap sa kanila. Malapit na sila sa'kin so I instantly use force telekinesis to stop them from moving.

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon