19- Who are you?

15 4 4
                                    

Chapter 19.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang matanggap ko ang banta galing sa Leritos. Buti na lang at wala naman nangyayaring masama. Sabi rin ni Auntie nang nakaraang training ay malaki na ang improvement ko. Natuwa naman ako kahit papaano.

Masaya rin ako dahil okay na si Irene ngayon. Nagsorry siya sa akin kinabukasan, nag-aalala lang daw siya sa ama niyang may sakit. Sabi ko naman na okay lang. Naiintindihan ko naman.

Kasalukuyan akong nagdadrive pabalik sa condo ko. The Night city breeze is brushing off my face and my hair, giving chills to my bare neck. I'm glad that everything is fine as of now. But I know time will come that I will have to face Leritos.

Nagpark ako pagkadating na pagdating ko sa building ng condo. Bumaba na ako sa motor at naglakad palabas ng parking lot.

"Jiagen Anderson." I stopped when I heard a unfamiliar voice calling me. Lumingon ako sa likod at nakita ko ang isang Leritos. Nakaramdam agad ako ng takot pero hindi ko pinahalata sa kaniya.

"L-lumayo ka." I tried to remain my composure but I failed. Ramdam ko ang kaunting panginginig ng aking mga kamay dulot ng takot.

"I can see that you're scared. But please– let's not waste another time. You have to come with us." Sabi niya saka may lumapit sa akin na dalawang Leritos at mahigpit akong hinawakan sa braso.

"Bitawan niyo ako!" Sigaw ko sa kanila na parang susunod naman sila sa sinasabi ko. Pilit akong nagpumiglas ngunit sadyang malakas silang dalawa.

Nag-isip ako ng paraan. Hindi nila ako pwedeng makuha! Tinapakan ko ng malakas ang paa ng Leritos na nasa kanan ko at ganoon din sa kaliwa. Sa lakas ng pagkakatapak ko ay lumuwag ang hawak nila sa akin.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang umalpas sa pagkakahawak nila at siniko ko ang mukha ng nasa kanan ko. Tumumba ito saka ko sinuntok ang nasa kaliwa ko.

Umayos ako ng puwesto upang humanda sa pag-atake pa nila. Mabilis silang kumilos at lumapit ulit sa akin. Agad akong umilag at itinulak nang malakas ang unang sumugod sa akin dahilan upang sumubsob ito sa lupa. Sinipa ko naman sa leeg ang isa pa at tumuba rin ito.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad akong tumakbo papasok sa building ng condo ko. Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay agad kong naramdaman ang malamig na bala na tumama sa binti ko.

I gasped in shock– napaluhod ako sa panghihina. Ramdam ko ang biglang pag-init ng binti ko kung saan tumama ang bala. Lumapit sa akin ang Leritos na humarang sa akin kanina.

"So, you improved. Lumalaban ka na. Impressive." Tila nang-aasar na sabi nito. Sinubukan kong tumayo ngunit mabigat ang mga kamay niya nang ipatong niya ito sa balikat ko.

"Ugh!" Napa-ingit ako nang bigla niyang hablutin ang aking buhok.

"Dear, we got you." He smiled devilishly. Tila umikot ang paningin ko at bumigat ang aking paghinga. Ang huli ko na lang natatandaan ay ang pagbuhat sa akin papunta sa kung saan.

•••

"A-ahh." Ingit ko. Ramdam ko ang lamig ng bakal na upuan na kinalalagyan ko ngayon. Mahigpit ang pagkakatali sa akin. Itinali nila ang mga paa ko at kamay. Inikot ko ang tingin ko sa paligid.

Nakapalibot ang sa tingin ko ay nasa higit sampung mga lalaki na naka black coat– indicating that they are Leritos. Argh! I need to get out of here as soon as possible! Sinubukan kong kalagan ang mga tali ngunit mahirap.

"Ha! Hinding hindi ka makaka alis dito Anderson." Maangas na sabi nang isang lalaking may itim na buhok,maputlang balat, at may matalas na tingin.

"Ano ba talagang kailangan niyo sa'kin?!" Angil ko sa kanila. Para silang mga baliw na tinawanan lang ako. I need to get my ability back. I can't die here. No.

Iginalaw ko ang mga paa ko ngunit napa-ingit ako nang maramdaman ang kirot ng aking kaliwang binti na tinamaan ng bala. Ugh! Ang sakit!

"Kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo sa amin." Sabi nang isa pang lalaking may ash gray na buhok. Tantya ko ay matanda sila ng ilang taon sa akin.

"A-ano ba talagang kasalanan ko sa inyo?! Kayo ang may atraso sa'kin dahil kayo ang pumatay sa mga magulang ko! Wala kayong puso!" My voice echoed in the whole room. Tahimik ang lahat at wala nang nagsalita pa. Rinig ultimong mabigat kong paghinga.

"Hindi mo pa rin ba talaga alam, Jiagen?" Biglang may nagsalitang boses sa itaas. Tumingin ako at nakita ko sa railings ng second floor ang isang Kayumangging lalaki na may itim na buhok. Nagulat ako dahil nag-iba ang kulay ng mata niya. From black to white. Tila umilaw ang mata niya saglit at nagbalik sa normal.

"W-who are you?" Tanong ko sa kaniya. Hindi mapagkakaila ang lakas ng dating niya at ang itim na aura na nararamdaman ko sa kaniya.

"It's none of your business. Ang kailangan mong malaman ay kung sino ka ba talaga." Walang emosyon na sabi nito. Nagulat ako nang tumalon ito mula second floor pababa. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang baba ko at itinaas.

"Who. Are. You?" Madiin na tanong niya. Pabato niyang binitawan ang baba ko at umikot nang mabagal sa aking kinauupuan. His presence is really intimidating. What I'm gonna do now?!

"Y-you know me." I said. Natawa naman siya ngunit wala pa ring bakas ng kasiyahan.

"Yes, of course. Eh ikaw? Do you really know who you are? Except that you are Jiagen Anderson– the son of Jasper and Gena Anderson." Mapanuyang usal nito. Lalo akong naiinis sa mga ginagawa at sinasabi niya. Pero wala akong laban sa kanila. Sana lang talaga mailigtas ako nila Alfee.

Lalo lang gumulo lahat sa akin. Sino ba kasi talaga ako? Bakit ba nangyayari lahat ng ito?

"S-sino n-nga ba a-ako?" Tanong ko rin sa sarili. Nagtawanan naman sila maliban sa lalaking kumakausap sa akin.

"I wonder why I can't read your mind. Hmm." Tila nag-iisip na sabi pa nito. Madiin niyang hinawakan ang mukha ko at itinapat iyon sa kaniya.

"It's empty! Why can't I read your freaking mind?!" Halatang inis na sabi niya. Ngumisi naman ako ng nakaloloko.

"Tss, do you know what that means?" I asked. Siya naman ang naasar ngayon.

"That means, that you're weak." Pagkasabi ko n'on ay agad dumampi ang kamao niya sa aking mukha. Halos mayanig ang utak ko at tumalsik ang aking ulo sa lakas. Mukhang hindi magandang ideya na magalit siya.

"I. Am. Not. Weak!" Sigaw nito sa akin. Napaatras naman ang mga tauhan niya. Halata ang galit at panggagalaiti sa kaniyang boses.

"Okay." Malamig kong sagot. Matalim niya akong tinignan at nagsukatan kami ng tingin.

"Ikaw ang pumatay sa dad ko. Magbabayad ka." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Ako ang pumatay? Ano bang sinasabi niya?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Nagtatakang sagot ko sa kaniya. Sino bang ama niya?

"Hindi na siya bumalik simula nang magpunta siya sa bahay niyo eleven years ago." Ani niya. Wait-- eleven years ago? Yung matandang pumatay ba sa mga magulang ko ang tinutukoy niya?

"Paano mo naman nasabing ako nga ang pumatay sa kaniya? Alam mo ba kung ilang taon pa lang ako noon? Anim na taon pa lang." Sabi ko sa kaniya. Tila natigilan naman siya.

"Pero kung ako nga, hindi hamak na mahina ang dad mo para mapatay ng isang anim na taong gulang tulad ko." Pahabol ko pa. Tumawa lang siya ng bahagya.

"Talaga ba? I guess mas mahina ang mga magulang mo dahil napatay sila ni dad." Balik niya sa akin. Nakaramdam ako ng matinding galit sa sinabi niya. Walang hiya siya!

"Oh, you're mad now." Tila nang-aasar pa na asik niya. Hindi na lang ako nagsalita dahil nanghihina pa rin ako.

"You know what? This should be a girls fight. You will not leave this place without showing us what you can do." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi– hindi pwede!

"Call her." Sabi nito na nakatingin sa kawalan. Binuksan ng mga tauhan niya ang pinto at pumasok ang isang babaeng nakapulang cloak.

Tila tumigil ang mundo ko sa nakita. Lalong bumagsak ang dalawang balikat ko and tear escape from my eyes.

Tinignan niya ako na para bang isa lang akong hangin. Masakit, masakit para sa akin na makita siya dito.

"I-irene?"

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon