8- Suspended

21 5 0
                                    


Chapter 8.

Nagising ako sa lamig na bumabalot sa akin. Dahan dahan kong ibinukas ang aking mga mata at napagtanto na nasa kwarto ko na ako.

Bumangon ako at inilibot ang paningin ko sa buong paligid. Walang tao. Umalis ako sa aking kama at nagtungo sa pintuan upang tignan ang kabuuan ng aking bahay. Napasinghap ako nang maamoy ko ang masarap na pagkain sa kusina.

Dali-dali akong nagtungo dito.
"Ang bango naman po niyan Auntie." Parang nagulat pa siya nang magsalita ako sa likuran niya.

"Oh, gising ka na pala. Kamusta ka na?" Tanong nito. Ngumiti ako at nagtungo sa dining area.

"Okay lang po ako, Paano po ba ako nakauwi?"

"H-ha? Anong ibig mong sabihin iha? Wala ka bang naaalala sa mga nangyari?" Takang tanong nito. Napakunot naman ang noo ko sa pag-iisip.

"Ang huling natatandaan ko po kasi ay yung nagcollapse po ako sa hallway kasama sila Irene." Sabi ko.

Bakit? May iba pa bang nangyari? Argh, parang meron kaso di ko maalala!

"Pero--" Natigilan siya sa kaniyang sasabihin. Nagtaka naman ako. "A-ah, hayaan mo na. Mas maigi nang kalimutan iyon." Pagbawi niya.

"Auntie, hindi ko po mabasa ang iniisip niyo. Naku-curious po ako." Tapat kong usal sa kaniya.

"Posible talagang mangyari yan lalo na at hindi pa sanay ang katawan mo na gamitin ang ability mo. Suspended rin ang ability mo sa ngayon dahil sa sobrang paggamit mo nito. Pero sana wag magtagal yan." Paliwanag sa akin ni Auntie. Tumango na lang naman ako bilang pagsang-ayon.

Isinalin ni tita ang niluto niyang adobo sa mangkok at inihain ito sa mesa. "Auntie nasaan po sila Alfee?"

Umupo si Auntie sa harap ko at pinagsalin ako ng pagkain. "Nasa HQ nila. Doon sila nakatira."

"Ahh, okay po." Tumingin ako sa orasan para tignan kung malilate na ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung anong oras na..

"10:30 na?!" Nagpapanic kong tanong. Umalis agad ako sa dining area upang mag-ayos. Kahit sa third subject man lang makapasok ako! May quiz kami sa Science ngayon!

"Jiagen, maupo ka muna." Tawag ni Auntie.

"A-auntie may klase pa po ako hindi po ako pwedeng malate!" Nagpapanic na sabi ko.

"Sabado na ngayon iha." Natigilan ako mula sa aking kwarto nang marinig ko iyon.

Hindi-- hindi pwede!.

Bumalik ako sa dining area kung nasaan si Auntie. "P-pero Auntie, may e-exam pa po ako ng Wednesday at Friday." Nanlulumo at di makapaniwalang sabi ko.

"Tatlong araw kang walang malay Jiagen... Wag kang mag-alala, kakausapin ko na lang ang mga teachers mo para bigyan ka ng exam pagbalik mo."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko.

T-tatlong araw akong walang m-malay?! Argh!

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. This thing is really pissing me off. Argh! Babagsakin na nga ako umabsent pa sa klase?! Ano ba yan! "S-sige po tita, thank you po." Sabi ko na lang saka nagpatuloy sa pagkain.

"Kailan mo balak mag-ensayo iha?" Tanong muli ni Auntie.

"Hindi ko po alam, pero kung hindi po sana suspended yung ability ko ngayon po okay lang." Nakangusong sabi ko. Bakit ba kasi nasuspend pa 'to kung kailan kailangan?! Argh!

"If you want to, we can still practice without your ability." She said.

"B-but how?" I curiously asked.

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon