14- Lunch

14 4 0
                                    

Chapter 14.

Maya maya pa ay dumating na ang mga magulang ni Yna pati na ng mga alipores niya. Nalaman namin na wala pa lang kaalam-alam ang mga magulang nila sa mga kalokohang ginagawa nila.

Pinag-sorry sila Yna samin ng mga magulang nila. Pero kahit ganoon, hindi na binawi pa ni tita Alex ang expulsion sa kanila.
May ilang magulang ang umiyak, may nagalit, may wala lang.

Then I realized, sa ganitong panahon– how does it feel to have your parents with you? Yung may pupunta sa'yo tuwing family day sa school, May susundo sa'yo, May mag-aasikaso. Simula kasi nang mawala sila mama, parang nalimutan ko na rin lahat ng 'yon. Lahat ng natira puro sakit.

"Everything is now clear, please be good to your next school miss Mercedes." Kalmadong sabi ni tita Alex. Nakuha pa akong samaan ng tingin ni Yna bago siya umalis. Tss, tikal talaga.

"Now, all of you. I want you to go back to your classes. Aishh! Maghahanap pa ako ng matinong principal!" Ani tita. Nagpasalamat lang kami saka umalis.

Sabay sabay kaming bumalik ng room. Lahat ng atensyon nasa amin. Malamang– late kami eh.
Isang subject na lang pala at breaktime na.

"Helix, anong nangyari sa salamin mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya saka ngumiti.

"Nasira kasi kahapon, kaya di ko na sinuot."

"Eh paano mo kami nakikita? Ang labo kaya ng mata mo." Tanong ko pa sa kaniya. Kasi naman, simula bata pa lang kami niyan may salamin na yan. Never ko pa atang nakitang walang salamin yan maliban kung tulog siya.

"U-uhm... I... Uh-- I'm wearing contact lenses. Dad suggested it." Napatango na lang ako. Maya maya pa ay dumating na ang prof namin. Bago pa nga siya maglesson ay napag-usapan pa ang nangyari kahapon at kanina. Naiilang naman ako. Paanong hindi?! Eh ako ang pinag-uusapan nila! At sa mismong harap ko pa talaga?! Ugh!

•••

Breaktime.

"Tara na guys gutom na ako! Nakakaloka ang ganap ngayon!" Ani Irene. Nag-aayos kami ng gamit namin para lumabas na at kumain.

"Grabe ka Helix! Nasampal lang binigyan ka ng school ng parents mo! Kung ako sa'yo magpapasampal ako araw araw baka pagmamay-ari ko na ang buong pinas! Ugh!" Banat ni Irene. Napa-iling na lang naman si Helix at nagtawanan kami.

"Actually, matagal ng may major share sila dad sa school na 'to. Pero hindi ko alam kung bakit nung nalaman nila yung nangyari sakin bigla nilang binili lahat ng shares ng stockholders." Paliwanag pa niya.

Lumabas na kami sa room nang hawakan ni Helix ang braso ko. "Uhm, guys. Aalis kuna kami ni Jiagen. Pinapatawag kami nila dad." Nagulat naman ako nang hilahin niya ako palayo. Hindi na nakapagsalita pa ang mga kasama namin.

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Huy, bakit di ko alam na pinapatawag tayo nila tito?" Tanong ko sa kaniya. Tuloy tuloy lang naman kami sa paglalakad.

"Namiss ka kasi nila mom, sumabay ka daw samin mag-lunch."

"Ah, bakit tayong dalawa lang?" Tanong ko pa. Bakit hindi kasama sila Irene?

"Argh, Jia. Ang dami mong tanong. Hindi nila kilala sila Irene." Iritableng sagot naman nito.

"Ayy oo nga pala, sorry na hehe." Sabi ko. Ngumiti lang naman siya.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa Director's office. Nauna si Helix pumasok saka ako sumunod. "We're here." Simpleng pagbati niya. Lumapit naman ako kila tita at bumati.

"H-hello po ulit tito, tita." Ilang na bati ko. Bumati rin sila at naupo na kami sa dining table ng office.

"Hintayin lang natin ang in-order kong pagkain." Sabi pa ni tita. Umayos lang naman ako ng upo. Katabi ko si Helix at nasa kabilang banda sila tito.

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon