10- Cousins

12 4 0
                                    

Chapter 10.

Nakalipas ang isang araw matapos ang unang training ko. Guess what? SOBRANG SAKIT LANG NAMAN NG KATAWAN KO. Kasalanan 'to ni Alfee eh! Bigla na lang kasi ako isinabak sa training! Yun pala dapat muna magwarp up! Argh!

Hirap akong bumangon mula sa kama ko at nagsimulang mag ayos. Dito na rin natutulog si Auntie sa condo ko. Nandon siya sa isa pang kwarto.

"A-argh! Ang sakit ng buong katawan ko!" Angil ko. Parang lantang gulay naman akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa dining area. Naabutan ko si Auntie na naghahain. Umupo ako at hinayaan na siya. Di niya ako pinapakilos simula kahapon dahil alam rin niyang masakit ang katawan ko.

"Jiagen, tatawagin pa lang sana kita. Oh kain na baka malate ka pa sa school." Sabi ni Auntie I just smiled a little in reply.

"Sure ka bang kaya mong pumasok? Naku baka magcollapse ka na naman iha." Nag-aalalang tanong niya. Sumandok lang ako ng kanin at ulam.

"A-ah, kaya ko naman po siguro Auntie. Ang dami ko na po kasing absent eh." I answered. Nagpatuloy lang naman ako sa pagkain.

"Alam mo bang magtuturo na ako sa eskwelahan niyo simula ngayon?" Masayang kwento sa akin ni Auntie. Nagulat naman ako.

"Talaga po? Magiging teacher ko po ba kayo?" Sabi ko habang kumakain.

"Oo, kailangan kasi kitang bantayan. Baka maulit ang--" biglang tumigil si tita.

Nagtaka naman ako. "Ano pong mauulit?"

"A-ah, wala. Baka lang kasi kako maulit ang mawalan ka ng malay." Aniya. Napatango na lang naman ako at tinapos na ng pagkain ko.

"Auntie maliligo na po ako ah, thank you po sa pagkain." Sabi ko kay Auntie saka pumasok sa banyo ko. Makalipas ang halos isang oras ay handa na akong pumasok. Lumabas ako muli ng aking kwarto.

"Auntie tar--" natigilan ako nang may makitang isang di pamilyar na babae ang naghahalungkat ng bag sa tapat ng pinto ni Auntie. Fear started to creep in all over my body. Baka Leritos yan!

"S-sino ka?!" Tanong ko. Parang nasa mid-30s pa lang ito. Pamilyar ang mukha niya. Pero 'di ko alam kung saan ko nakita.

"Jiagen, ako ito." Sabi pa nito. Lalo naman kumunot ang noo ko.

"A-anong ikaw 'yan?! Bakit sino ka ba?!" Unti-unting nagbago ang itsura nito at naging si Auntie. Bahagya naman itong tumawa at lumapit sa akin.

"Wag kang lalapit!" Sigaw ko rito. Agad kong dinampot ang walis tambo sa tabi ko at ini-amba ito sa kaniya.

Nakakainis! Ngayon pa talaga ako di makabasa ng isip!

"Jiagen, ako nga ito." Seryosong sabi niya. May kinuha siyang cellphone saka nagpipindot doon.

"Phyn, pumunta ka rito. Ngayon na." Sabi niya saka ibinaba ang tawag. Ilang segundo lang ay biglang lumitaw sa harap ko si Phyn.

"Aykabayo!" Gulat kong sigaw. Natawa naman si Phyn at humarap sa kamukha ni Auntie. Oo– kamukha. Di pwedeng pasiguro.

"Ano po yon miss?"

"Phyn! Wag kang lalapit sa kaniya! Baka Leritos siya!"

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan, Jia?" Natatawang tanong nito.

"Nagbago kasi ako ng anyo kanina gaya sana ng napag-usapan. Kaso nalimutan kong ipaalam kay Jiagen. Kaya akala niya isa akong Leritos." Bumagsak naman ang balikat ko sa narinig.

"K-kayo po ba talaga si Auntie?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Pasensya na iha at natakot kita. Nalimutan kong sabihin sayo na mag-iibang anyo ako sa pagtuturo sa school niyo. Para di ako makilala ng mga Leritos kung sakali." Paliwanag niya pa.

"Auntie, p-paano po kung bigla kayong atakihin ng Leritos at magbago ang anyo niyo sa harap ng maraming tao? Mapapahamak pa po kayo lalo." Nag-aalalang sabi ko naman.

"Oo nga 'no, mabuti at naisip mo iyan Jiagen. O siya sige, tara na at pumasok na tayo."

"Tita, sasabay po ba kayo sa motorbike ko?" Tanong ko naman.

"Hindi, sasabay ako sa van nila Phyn. Sige na mauna ka na. Ingat." Sabi niya at humawak siya sa kamay ni Phyn. Parang bula silang nawala sa harap ko. Ewan ko, hindi ko masabi kung sanay na ba ako sa mga nakikita ko o hindi. Lumabas na lang ako ng condo at pumasok sa school.

Medyo traffic sa highway ngayon. Palibhasa eh lunes. Buti na lang at nakamotorbike ako-- pwedeng sumingit hehe. Agad kong pinark ang motor ko at dumiretso sa classroom.

Pagpasok ko ay nadatnan ko ang pagmumukha ni Alfee na ngiting-ngiti sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na lumapit sa kaniya. "Hoy! May atraso ka sakin alam mo ba yon?" Mahinang sigaw ko sa kaniya.

Parang inosente naman siyang nagtaka. "Ha? Alin?"

"Tss. Kunwari ka pa. Alam mo paniguradong kailangan ko munang magwarm up bago tayo magtraining! Pero binato mo agad ako ng dagger!" Bulyaw ko sa kaniya. Natawa naman siya.

"Ayy– ayun ba? Hahaha sorry nakalimutan ko kasi eh." Hahampasin ko sana siya sa braso kaso itataas ko pa lang ang braso ko kumikirot na.

"A-argh! Kita mo! Ni hindi ako makaganti sayo! Makonsensya ka!" singhal ko sa kaniya. Tawa lang naman ng tawa ang gunggong.

"Hindi ko naman kasi alam na hindi ka pa nagwa-warm up eh haha." Aba! Hindi man lang talaga nagsorry ang mokong.

"Hindi ka man lang nga magsorry! Ikaw ang pinagkatiwalaan ni Auntie magtrain sakin pero pinabayaan mo ako!"

"E di sorry na hahaha." Tss. Kainis!

"Ewan ko sa'yo!"

"Huy!" Sigaw ni Irene. Hindi ko na sila nabati.

"Oh?" Tinignan ko naman si Helix.  Nakalagay lang ang earphones niya sa tainga habang nagbabasa. Bookworm talaga. Tss.

"Ang aga aga nagtatalo kayo!"  Singhal ni Irene sa aming dalawa.

"Eh siya kasi." Angil ko saka sinamaan ng tingin si Alfee.

"Oh bakit ako? I'm not doing anything." Painosente hmmmp!

Magsasalita pa sana ako nang dumating ang prof namin. Okay na 'to. Para manahimik na ako. Tss.

Nagdiscuss lang at nagpa-quiz ang mga prof. Nagtake na rin ako ng mga quiz na di ko natake nung um-absent ako.

Breaktime.

Nagdismiss na ang last prof namin before break. Tuwa naman ako dahil nakakagutom at nakaka-stress ang mga tests kanina!

"Tara na Jia." Tawag sakin ni Irene.

"Wait aayusin ko lang gamit ko." Nag-lalagay ako ng mga gamit ko sa bag nang may nakabunggo sakin.

Argh! Ang sakit ng katawan ko babanggain pa! Peste!

"Oops, sorry."

"Ano ba Alfee?! Nung sabado ka pa!" Inis na singhal ko. Alam naman niyang masakit katawan ko di pa nag-iingat. Argh!

"Uyy ano ba? Kanina pa kayo nagtatalo. Baka mamaya magsapakan na lang kayo dyan." Iritang sabi ni Irene. Nasa tabi niya si Helix at ang Morbens.

"Ano ba kasi yon? May Lq ba kayo?" Tanong ni Irene. Nagulat ako at kinltukan siya. Wala akong pake kung malakas. Loko eh.

"Ouch bes masakit yon ah!" Nakapout na reklamo niya.

"Wala akong pake!"

"Teka nga– magjowa ba kayo ni Alfee bes ha? Ayieee." Tanong na naman niya. Natawa naman si Alfee at ang Morbens.

Ano bang nakakatawa don?!

"A-anong–" hindi natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Alfee.

"Imposibleng mangyari yan." Sabi niya. Napataas naman ang kilay ko. So inaayawan niya ako?! Tss. As if namang gusto ko rin siya.

"Bakit naman? Bitter mo naman hahaha!" Biro pa ni Irene. Nagtawanan naman sila.

"Because she's my cousin."

W-what?! Pinsan?!

Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon