Chapter 20.
"I-irene?" Hindi makapaniwalang tawag ko. Malamig niya akong tinignan saka tuluyang lumapit sa akin.
"Hi, Jia." Bati nito sa akin. Bakit... Bakit siya nandito? All this time? Isa siyang Leritos?
"B-bakit Irene? B-bakit i-ikaw pa?" Maluha luhang tanong ko sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng tingin.
"Because I had to." Malamig na tugon nito sa akin.
"Pakawalan niyo siya." Utos ni Irene sa mga Leritos. Agad naman silang nagsisunod sa kaniya.
"Don't stop until we see her ability." Umalis na ang lalaking nakasagutan ko kanina.
Pinakawalan ako ng mga Leritos at pabatong binitawan sa malamig na sahig. Napa-ingit ako nang bigla akong i-angat ni Irene gamit ang isang kamay. Hawak hawak niya ang kuwelyo ng damit ko.
"My ability is strength." Nakangising sabi niya saka ako malakas na ibinato. Tumama ang katawan ko sa pader saka ako bumagsak. Naghahalo halo ang nararamdaman ko. Bakit? Bakit kailangan si Irene pa? Na kaibigan ko.
"B-bakit mo 'to g-ginagawa sa akin I-irene?" Hirap na usal ko sa kaniya. Nanghihina akong umupo at sumandal sa pader.
"Dahil pinatay mo ang taong nagkupkop sa akin. Bata ka pa lang napaka walang hiya mo na." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"K-kung ganoon..."
"Oo. Tinuturing kong ama ang lalaking pinatay mo basta basta eleven years ago. Ano ba talagang meron sa'yo ha? Paano mo nagawa 'yon?!" Puno ng hinanakit na sabi niya.
Hindi ko namalayan na umaagos na rin pala ang luha sa aking pisngi.
"H-hindi ko... Hindi ko n-naman a-alam, p-patawarin mo a-ako." Usal ko habang hawak ang dibdib ko. Ang bigat. Sobrang bigat sa pakiramdam na ang taong gusto kong protektahan ang mananakit pa sa akin mismo.
"Patawad?! Baliw ka na! Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" Sigaw niya saka ako sinugod at ibinalibag sa sahig.
"Ahh!" I cried in pain. Halos hindi ko na maramdaman ang sakit ng buo kong katawan sa sobrang sakit.
"T-tama na... P-please." I pleaded. Wala akong laban sa kaniya dahil sobrang lakas niya. At bukod d'on, I don't have my ability.
"Kung ako sa'yo, Ipakita mo na ang ability mo. Or you'll die here." Madiing sabi ni Irene. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang kaharap ko ngayon. Ibang-iba ang Irene na ito sa naging kaibigan ko.
"W-wala akong ability." Sagot ko. Lumapit ulit siya sa akin saka ako sinakal at itinaas. I gasped– tila nahaharangan ang hangin at hindi ako makahinga.
"Sinungaling ka." Napa-iling ako. Hindi na ako makapagsalita ng maayos. Ramdam ko ang pagbigat ng aking pakiramdam.
Is this my end?
Hinawakan ko ang kamay ni Irene na nakahawak sa aking leeg. Tears starts to flow down my cheeks again. It's painful to know that someone you treat as your very close friend– whom you thought care about you, actually sees you as her enemy. I feel betrayed.
I know may nagawa ako sa kaniya unintentionally kaya siya ganito. Pero hindi ba pumasok sa isip niya na may dahilan rin ako kaya ko nagawa 'yon?
Binitawan niya ako at muli akong sumalampak sa sahig. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na darating kami ni Irene sa ganitong klase ng sitwasyon.
Kailangan ko na siyang labanan. Napakasakit man para sa akin na gawin 'to. Pero hindi ako pwedeng mamatay dito. I still have many people to protect– And a promise to fulfill.
"Bugbugin niyo siya hanggang sa lumabas ang ability niya." Sabi niya sa mga tauhan niya at umupo sa gilid. Nagkatitigan kami pero siya ang unang nag-iwas ng tingin.
Napa-ubo ako ng dugo nang hampasin ako ng malakas sa likod ng isang Leritos gamit ang malaking bakal na tubo. Sinubukan kong tumayo at lumaban. Ibibigay ko ang natitirang lakas sa akin. Hindi ako pwedeng magpatalo.
Dinampot ko ang pocket knife na nakita kong nahulog mula sa isang kalaban. Agad kong ibinaon iyon sa pinakamalapit sa akin. Dinig sa buong silid ang pagdaing niya pero pinili kong huwag na iyon pansinin.
Tuluyan akong tumayo kahit nanghihina. Sinaksak ko sa tagliran ang Leritos na sumugod sa akin. Dalawa na silang hindi makalaban ngayon.
"Napaka inutil niyo! Para saan pa't may mga kapangyarihan kayo kung lalaban kayo ng mano mano?!" Sigaw ni Irene sa kanila. Nagkatinginan naman sila.
Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Hindi. Wala na akong laban sa kanila. Ang morbens na lang ang pag-asa kong magliligtas sa akin.
Pumalibot sila sa akin at ang isa ay itinaas ang dalawa niyang kamay, kasabay nito ang paglutang ng mga bagay sa loob ng silid.
Telekinesis.
Ang isa naman ay nagkaroon ng apoy sa kaniyang kamay.
Fire.
Ang isang lalaking may kahabaan ang buhok ang lubos na nakakuha ng atensyon ko. May itim na nalabas sa kamay niya.
I-ito ba ang sinasabing Dark Force?
Ang iba naman ay may kaniya kaniyang hawak na weapons.
They must be The skilled Fighters.
Anong gagawin ko? Wala akong maisip na paraan upang protektahan ang sarili ko sa kanila!
Biglang bumulusok ang mga nakalutang na bagay papunta sa akin. Napa-upo ako at hinawakan ang ulo ko. Kung hindi lang sana suspended ang kapangyarihan ko.
"Irene!" Tawag ko sa kaniya habang pilit na iniiwasan ang mga atake ng mga kalaban. Alam kong narinig niya ako.
"G-gusto kong m-malaman mong may rason ako sa ginawa ko!" Dagdag ko pa.
"P-pinatay ng matandang 'yon ang mga magulang ko. S-siya... Siya ang dahilan kung bakit ako naulila! H-hindi ko alam kung paano ko siya n-napatay noon! M-maniwala ka hindi ko talaga alam!" Sigaw ko sa kaniya. Tinignan ko siya at halatang natigilan siya. Hindi nga niya alam. Malamang sa malamang ay binilog lang din ang ulo niya ng kung sino man.
Nagulat ako nang tumalsik ako at tumama ng aking ulo sa pader. Tila umiikot ang paningin ko at nanlalabo. Hindi– hindi ako pwedeng mawalan ng malay!
May mga gamit ang biglang dumikit sa akin dahilan kaya nakatayo ako at di makaalis sa pader.
Susugudin na sana ako ng mga may hawak na weapons nang biglang may magsalita.
"Stop. Tumabi kayo." Nag-angat ako ng tingin at nakita si Irene na lumakad papalapit sa akin.
"I-irene..." Maluha luhang usal ko ng pangalan niya.
Magkatapatan na kami ngayon. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. Biglang dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Malakas niya akong sinampal.
Tila namanhid ang aking buong mukha sa lakas ng pagkakasampal niya.
"Akala mo maniniwala ako sa'yo? Kinuha mo sa akin yung kaisa-isang meron ako, Jiagen! Alam mo ba kung gaano kasakit sa'kin 'yon?! Ha?!" Maluha luhang bulyaw niya sa akin.
Napaluhod ako sa sobrang panghihina. "M-maniwala ka, I-irene... H-hindi ko alam na m-may k-konekyon ka sa k-kaniya... A-at hindi pa kita kilala noong mga oras na 'yon." Paliwanag ko sa kaniya. Subalit mukhang tuluyan nang natakpan ng poot ang kaniyang puso at tainga. Hindi na niya ako pinapakinggan.
Napalingon kami sa pinto nang marahas iyong bumukas. Biglang may sumibol na pag-asa sa nanlalambot kong puso. Nandito sila para iligtas ako.
"A-alfee." Tawag ko sa kaniya habang pilit na nakangiti.
"Irene?" Hindi makapaniwalang tawag sa kaniya ni Alfee.
"Sabi ko na nga ba," Si Timothy.
"You're a traitor."
BINABASA MO ANG
Who I Really Am
FantasyHave you ever thought of being supernatural? If you would be given a chance, what powers do you want to have? Credits to the rightful owner of all the photos that I used!