5- Morbens

29 5 0
                                    

Chapter 5.

7 am na nang magising ako. Napagdesisyunan ng siyam na wag ng umalis para daw bantayan ako. May napansin kasi si Pat na dalawang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng building ng condo ko.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa living room kung saan sila nagsiksikan para matulog.

Lumapit ako kay Alfee na nakaupong natutulog sa sofa para sana gisingin siya nang may napansin akong nakasulat sa bandang pulsuhan niya. It is written in a dark red ink with a black ink as its shadow effect.

M

M? Anong ibig sabihin non?

"Hmmm." Ungot ni Alfee. Natawa naman ako sa kaniya dahil nakanganga pa siyang matulog. Tss, halatang napagod. Lumuhod ako sa tapat niya at hinawakan ang baba niya para isara ang labi niya nang bigla niya akong hawakan sa kamay.

"Did you hear my thoughts?" Nanlaki ang mata ko at napalayo nang magsalita siya.

"G-gising ka pala. Bumangon na kayo nakapagluto na ako ng pagkain." Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa kahihiyan. Natawa naman siya ng bahagya.

"I'm asking if you heard my thoughts?" Natatawang sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

"H-ha? A-ano... Hindi eh. Ano ba 'yon?" Ilang na sabi ko.

"What? 'Di ba kahapon lang naririnig mo pa ako?" Nagtatakang sabi niya. Napaisip ako.

"Oo nga 'no."

"Wait, I need to ask principal Reigna about this." He said. Tumayo na siya at inabot ang kamay sa akin. Tinignan ko lang naman iyon.

"Ano tititigan mo lang ako, Jia?" He playfully smirked. Tumitig naman siya sa akin. I got locked in his gaze and I can't divert it. It feels like I entered somewhere inside of him and I got lost in it.

"Abutin mo ang kamay ko." He said. And all of a sudden I found myself lifting my hand to reach him. I lost control over my body. In a snap nakahawak na ako sa kaniya at hinila niya ako patayo.

"W-what happened?" I asked.

"Ang tigas ng ulo mo eh. Kailangan pa kitang utusan." Nang-aasar na sabi niya pa.

"Hynipnotize mo ako?!" Sigaw ko sa kaniya. Naramdaman ko naman na nagising ang mga kasama namin. Ngumisi siya saka tumango at dumiretso sa kusina.

Ahh, so gamitan pala ng ability to.

Umayos ako at sinubukan siyang pigilan sa paglalakad niya. Nagfocus ako para magawa yung nagawa ko kay Yna kahapon. Pero--

Walang nangyari. Bakit ganon?

Dismayado akong naibagsak ang dalawa kong kamay. Lumapit naman sa akin ang mga kasama ko.

"Anong nangyari? Bakit hindi gumana 'yung ability mo Jiagen?" Timothy asked.

"H-hindi ko rin alam. Hindi ko rin naririnig 'yung thoughts ni Alfee kanina. B-bakit ganon?" I said. Kinakabahan na ako.

Lumapit naman sa amin si Alfee. "I'll call miss Reign about that."

"Huwag na." Josephyn said. Tumingin naman kami sa kaniya.

"Bakit naman?" I asked her. Kasi kailangan kong malaman kung bakit biglang 'di gumana yung ability ko. Or worse-- baka nawala na ito.

"Ano ba guys! Chill... Dadalhin ko na lang dito si miss Reign." She insisted. And in a flash bigla siyang nawala. Napailing na lang ang mga kasamahan niya.

Nakatayo kaming lahat sa living room at walang nagsasalita. Ilang naman akong tumikhim para basagin ang katahimikan.

"Tara na kumain na tayo. Malilate pa tayo sa school." I said. Nag-agree naman silang lahat at nagsipuntahan na kami sa kusina.

•••

Kumakain na kami sa living room. Hindi kami kasya sa dining area ko dahil halos lahat ng gamit ko dito sa condo ko ay pang-isahan lang. Buti na nga lang at may extra pa akong mga plato, lol.

Habang kumakain katabi ko si Maristella. napansin ko na meron din siya ng kaparehas na tattoo na nasa kamay ni Alfee.

"What's with that tattoo? Ano yung M?" I asked out of the blue. Natigil sila sa sari-sariling kwentuhan at napatingin sa'kin.

"M stands for Morbens." Liz said. Tumuloy naman sila sa pagkain.

"What's Morbens?" Tanong ko pa ulit. Natawa naman yung kambal saka sabay na napa-iling. Kailangan talaga 'pag kambal sabay pati pag-iling?

"We are Morbens. Kami ang Top 10 Students ng Praeditus Academy before it was destroyed. One of our member unfortunately died in the hands of Leritos. That moment feels like a failure to us. We weren't able to save our academy. We are useless." Maris said bitterly. Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanila.

Hinawakan ko sa kamay si Maris. "Hey, it's not your fault. For sure you did your best to save everyone. Pero ganon talaga. K-kaya nga babawi tayo diba? Leritos ang may kagagawan nito at sila lang ang dapat sisihin." I comforted her. Ngumiti naman siya at nagpasalamat.

Tinuloy namin ang pagkain namin nang biglang nagvibrate ang buong paligid. Muntikan na rin matapon ang mga pagkain sa lamesa.

"What's happening?!" I asked hysterically. Tuloy lang naman sila sa pagkain na parang walang nangyayari.

"That's just Phyn." Pat said. Lumingon naman ako sa likuran ko at nakita ko si Phyn na kasama ang isang may katandaang babae. Nakasuot ito ng itim na balabal at asul na bestida. Tumingin ito sa akin at nagulat ako nang maluha ito at dali-daling lumapit sa akin.

"Jusko! T-totoo bang isa kang Anderson iha?" Tanong sakin nito matapos akong yakapin nang mahigpit. Tumango naman ako bilang sagot.

"O-opo, b-bakit niyo po naitanong?"

"A-ako ang tita mo Jiagen, kapatid ako ni Jasper Anderson na siyang ama mo." Maluha luhang sabi pa nito. Tila tumigil ang aking mundo sa narinig. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na may kamag-anak pa pala ako.

"L-labing isang t-taon. Labing isang taon akong nabuhay mag-isa." I just found myself crying while hugging this woman tight. Having someone whom I can call family is so strange. Now, everything feels surreal.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinaplos ang aking mukha. Di ko na pinansin pa ang paligid ko.

"J-jiagen, just call me auntie Reign okay? Auntie is here w-with you now." She said. Tears are still escaping from my eyes.

"A-auntie..." I said while crying. Ilang sandali pa at pinakalma ko na ang aking sarili at naupo kami sa loob ng kwarto ko. Naiwan sila sa labas. May thirty minutes pa bago kami papasok. Nakabihis na rin kaming lahat.

"Jiagen, Josephyn told me na hindi mo nagagamit ang ability mo this morning." Auntie Reign said to me.

Tumango ako. "Y-yes auntie. Ano po kayang nangyari sa akin?"

Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka hinaplos ito. Ngumiti naman ako sa kaniya. "Phyn also told me that you overused your ability kahapon. That's probably the reason kung bakit nahihirapan kang ilabas ang ability mo ngayon. Dahil hindi ka aware sa ability mo, konti pa lang ang potential ability na inilalabas mo. That's your body's way of controlling your powers. Dahil kapag hindi nangyari iyon, lalabas ang lahat ng energy ng ability mo na hindi kakayanin ng katawan mo. That can lead to death." Mahabang paliwanag niya. Kaya pala.

"Eh kailan ko pa po kaya magagamit ulit ang ability ko?" Tanong ko.

"Magagamit mo rin 'yan. Kusang lalabas at babalik 'yan. Basta lagi mong tatandaan na gagamitin mo lang ang ability mo kapag kinakailangan, kapag hinihingi ng pagkakataon. At kapag ganon, just focus and your ability will naturally come out." Mahinahong paalala niya sa akin. Tumango naman ako. Lumabas na kami sa kwarto. Nakita ko ang siyam na tahimik na nakaupo sa living room.

Namumugto pa ang mga mata kong tumingin sa kanila. I can see in their faces na nagulat sila sa mga pangyayari. Lalo na ako siyempre.

Who would've thought that their school principal-- who feels stranger to me when I heard her name... Is my father's sister. My relative. My auntie.

My family.



Who I Really AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon