CHAPTER ONE - TWO PRINCES

776 23 10
                                    

" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER ONE - TWO PRINCE

Once upon a time.....

"Anong ginagawa mo my prince? Huwag mong sabihing lalabas ka na naman sa palasyo?" Sita ng male servant niya sa kanya.

"Alam mo naman pala eh bakit ka pa nagtatanong? Kapag hindi sa main gate ang daanan ko alam mo na kung saan ako pupunta kaya't huwag ka ng magtanong." Sagot niyang umaabot hanggang taenga ang kanyang ngiti.

"Tatakas ka na naman ano? Lagot na naman ako nito hindi ba't may lecture ka ngayon?" Muli ay tanong nito.

"Well those lecture can be given by my brother kaya't huwag ka ng magtaka ano ka ba. Go and wear your disguise robe. And tell those maids to shut up their mouth if they want to live longer. " Sagot niya.

Kaya naman wala ng nagawa ang pobreng servant kundi tinungo ang sariling pahingaan at pinalitan ang uniporme ng pang civilian clothes. Wala din naman itong magagawa kapag ang boss nito ang magsalita. Iyun ang tungkulin nito sa prinsipi ang pagsilbihan ito kasali na ang pagtatakip sa pagtakas niya sa palasyo.

Well, siya lang naman ang tagapagmana ng trono na kinalalagyan ng kanyang ama. May kapatid siya sa labas ng palasyo pero dahil hindi ito maaring maglabas-pasok sa palasyo'y siya ang gumagawa sa bagay na iyun. He wants to spend his time with those people outside the palace at ang kapatid niya ang numero unong natutuwa kapag nandoon siya.

"Hays pakiramdam ko'y nakakahinga na naman ako ng maayos. Nakalaya na naman ako mula sa matataas na pader na iyan." Parang wala sa sariling sambit niya ng lumapag siya sa sahig mula sa mataas na puno ng kahoy ba nakatunggay sa eastern palace kung saan siya nakatira.

"Pero natatakot ako para sa iyo Hyang. Baka makatunog ang hari na wala ka sa palasyo. Alalahanin mong ikaw ang tagapagmana ng trono kapag malaman ito ng ministers na kontra sa iyo'y gagamitin na naman nila laban sa iyo." Tinig na nagpalingon sa kanya.

Kilalang-kilala naman niya ang may-ari ng boses kahit hindi niya lingunin. Ang kapatid niyang maaring nakatunog na mag-over the bakod siya kaya't inabangan siya.

"Aist Myang huwag mo ngang mabanggit-banggit ang mga matatandang iyun. Nandito ako dahil gusto kong makalanghap ng hangin. Pero teka lang Myang paano mo nalamang lalabas ako ngayon?" Tanong niya ba sinabayan siya sa paglakad.

Napangiti ito bago sumagot, bagay na labis niyang hinahangaan dito. Maaring hindi kasing rangya ng buhay niya sa loob ng palasyo ang buhay nito sa labas kahit pa sabihing hindi naghihirap pero ang ngiting laging nakapaskil sa labi nito'y nakaka-engganyo.

"Nakalimutan mo yatang may alalay kang laging tumatakbo kapag mag-over the bakod ka?" Tugon nito na nilingon ang nasa kabilang bahagi ng kalsada. Doon niya naunawaang nauna na palang lumabas ang male servant niya.

"Ahh akala ko naamoy mo ang pabango ko kaya't tumakbo ka dito---pero teka saan dumaan ang Nam na iyan? Kapag may susugod na palace guard sa pupuntahan natin talagang yayakapin niyang ang dingding pagbalik namin sa palasyo." Sagot niya na nakatingin sa male servant niyang si Nam. Though, alalay niya ito sa mata ng tao lalo na sa loob ng palasyo pero para sa kanya'y hindi lang ito alalay kundi nakakatandang kapatid, kaibigan, guwardiya niya. Ito ang nakakaalam sa whereabouts niya. And in return, he's keeping him dearly close to him.

"Ah huwag kang mag-alala my prince dahil kaya ko namang akyatin ang punong iyan." Sabad nito nang nakalapit.

"Well, saan ang balak mong puntahan Hyang?" Tanong naman ng kapatid niya kaso inunahan na naman siya ni Nam.

"Ah Prince Myang may lecture sana siya ngayon pero naisip ang mag-over the bakod kaya't kung maari'y ikaw na lang ang maglecture sa kanya gaya ng sabi niya." Sabad nito.

ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon