" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER SIXTEEN - DEEP ROOTED ENEMY
Naging mabilis ang pagkalat ng pangyayaring iyun sa North borders, agad itong nakarating sa kampo ni general Geum kaya't halos kababalik pa lamang nila Nichole sa kampo nila sa North borders ay lumapag ang private chopper ng general upang suportahan sila kaso galit ng lady Captain ang sumalubong sa kanila.
"Boss huwag kang magalit sa kanila dahil wala naman sigurong may kagustuhan sa nangyari sa atin. Remember we are soldiers and we are born to die." Pigil na sabi ng isang tauhan nito.
"Let her be officer dahil nauumawaan ko ang galit niya. Tama walang may kagustuhan sa nangyari sa inyo pero karapatan niyang magalit dahil tauhan niya ang nawala at resposibilidad niya kayong lahat kaya't unawain n'yo ang boss ninyo." Agad na sabi ng binatang opisyal dahil totoo namang nauunwaan niya ito kahit pa sabihing nasagi ang inner ego niya, but he keeps in his mind that itsnot the right to think of that.
"Nakapagtataka lang kasi general paano nangyaring nalaman nilang nandoon kami kung walang nagsabi at iyun ang ikinakainit lalo ng ulo ni Captain Mckevin dahil sa pangalawang pagkakataon ay nangyari ang pagsabutahe sa peace and order sa borders." Sabi pa ng isa.
"Iyan ang aalamin natin officer. Huwag kayong mag-alala dahil gagawin natin ang lahat upang makamit ang hustisiya para sa mga kababayan at kapwa ninyo sundalo. But for now go and work with my men in preparing their corpes before sending them to your native country and I'll talk to your superior." Muli ay wika ni general Geum na nakatingin sa dalagang nasa 'di kalayuan sa kanila na halatang nagwawala pa rin ang kalooban patunay ang panaka-naka nitong pagsipa sa punong-kahoy.
Tumango na lamang din ang mga tauhan ng dalaga saka iniwan ang general at nagtungo sa kinaroroonan ng mga kasamahan nila iyun mga lang ay malamig mg bangkay. Nadatnan nila ang tauhan din ng general na nagsasagawa ng autopsy sa bawat bangkay na dahilan nila'y para maiwasan ang usap-usapan lalo at ipapauwi nila sa bansang silangan with the medical records.
Samantala, sa unang pagkakataon ay hindi malaman ng binatang opisyal kung paano kausapin ang babaing hindi na nawala sa isip niya. Hindi niya alam kung paano ito e-approach to console her lalo at damang-dama niya ang hinagpis nito. But at the end bilang opisyal ay isinantabi niya ang personal na damdamin kaya't tumikhim siya sa tabi nito upang ipaalam ang presensiya.
"Ah Captain Mckevin it's me General Jung Geum, maari ba kitang makausap kahit saglit lang?" Pukaw niya dito.
"Go ahead sir I'm listening." Tugon ng dalaga na hindi man lang nilingon ang boss na kahit sumaludo man lang sana'y hindi nagawa sa lalim ng iniisip, gano'n pa man hindi na rin iyun pinansin ng general sa pangambang magbago ang isip nito.
"Alam ko at nauunawaan ko ang nararamdaman mo Captain Mckevin lalo at kayo ang nakatuka sa peace and order dito sa North borders pero bilang mga alagad ng batas huwag kang magpadala sa galit na lumulukob sa pagkatao mo dahil mas makakahalata ang salarin. Mas hindi natin mahuhuli kung sino ang kalaban kapag ipinapakita mo ang emosyon mo. Yeah masakit mawalan ng tauhan lalo at nandito kayo sa bansang banyaga pero gaya ng sabi ko kanina'y mga alagad tayo ng batas at sa ganitong pagkakataon ay mas maging mapagmasid tayo upang mahuli ang salarin. About your countrymen, I'm sorry about them na wala man lang kaming nagawa para sa kaligtasan nila but don't worry dahil ipapadala natin sila sa bansa ninyo ng may dangal and after that sisimulan natin ang paghuli sa kriminal so please don't let yourself down Captain Mckevin." Mahaba-habang pahayag ng binatang opisyal.
Hindi naman siya (Nichole)galit sa boss nila kundi sa mga spiya na hindi nila matukoy kung sino. Mainit ang ulo niya kaya't sila ang napagbalingan niya ng galit. Nais man niyang bawiin ang ipinakitang kamalian sa mga ito pero huli na dahil nagawa na niya. Only she can make now is to apologise with them lalo at ang general pa mismo ang lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Romancelove story with conflict