CHAPTER TWENTY - SEVEN - FROM HERE TO ETERNITY

395 27 16
                                    

" ONCE UPON A SINNER"
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER TWENTY-SEVEN - FROM HERE TO ETERNITY

"Are you sure my dear you want to spend our honeymoon in Korea?" Hindi makapaniwalang tanong ng mahal na hari sa asawa.

"Well wala namang problema doon general. Doon tayo unang nagkita pero hindi tao nabigyan ng pagkakataong maging close although we are in the same department and you're my superior. This time we can spend together our time in your palace." Tugon ni Nichole.

Totoo naman kasing dinala na siya ng asawa sa palasyo nito way back then pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na mapasyalan ang buong paligid. Library lang nito ang napasok niya kaya't gusto niyang doon sila magpulot-gata although doon naman ang tungo nila later on. Ipinaalam na siya nito sa boss niya at mga magulang niya na sa Korea sila maninirahan.

"It's true my dear wife na walang problema dahil doon naman tayo maninirahan pero I'm thinking of you baka gusto mo sa ibang lugar para makapag-relax ka din. Hindi ka pa ba nagsasawa sa amoy ng Korea?" Alanganin pa ring sabi ng mahal na hari.

"Mahal kong asawa, my general, maari kang makipa-argumento sa akin anytime but can you set that aside for now? Dahil kapag sinabi kong babalik tayo ng Korea sa palasyo mo'y walang makakapigil doon. Gusto ko ngang balikan ang palasyo mo eh." She answered once again and this time ay kakikitaan na ito ng excitement.

"Sure my dear but let me correct you on your word, it's not my palace alone but it's yours too. Lahat ng pag-aari ko'y pag-aari mo na rin my dear. So I need to let the pilot to come back here after he'll land the officials who attended our wedding." Muli ay sabi ng general.

"Do as you wish general but...." Pabiting sagot ni Nichole saka hinarap ang asawa at bago pa malaman ang nasa isipan niya'y nag-dive na siya sa mismong kandungan nito kaya naman para silang mga batang tumimbuwang at nagpagulong-gulong but at the end they burst into laughter when they realised what they're doing.

"I love you my dear wife." Masuyong sambit ni general Jung Geum habang nakatunghay sa asawa.

"I do love you more my dear general Jung Geum." Mapang-akit namang sagot dito ni Nichole saka ito hinila kaya naman ang pinaplano nilang pulot-gata sa Korea kung saan sila unang nagkita'y nangyari na rin sa loob mismo ng kuwarto niya(Nichole) sa unang gabi nila.

Three years later...

"Madam where are you going?" Maang na tanong ng kasambahay kaso hindi niya ito pinansin. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang madam dahil kahit ang mga katulong nila sa Pilipinas ay ate, iha lang ang tawag sa kanya.

"Step aside I want to go outside." Malamig niyang tugon saka nagpatuloy sa paglakad.

"Pero ma'am sabi mo'y masama ang pakiramdam mo. Saan ka pupunta? Maawa ka naman sa amin ma'am aba'y baka tuluyan na kaming mawalan ng trabaho nito." Sabad naman ng galing pa sa bansang sinilangang kasambahay nila. Sinadya ng asawa niyang kumuha ng galing sa bansa para daw hindi Sita maboring lalo at binibeybi siya nito.

"Talagang mawawalan na kayo ng trabaho kapag hindi n'yo ako paraanin. I need to go outside alone. I can take care of myself anyway." Sagot niya na talagang kunting-kunti na lang ang pasensiya niya.

Maintain man ang ulo niya aminado siya doon pero hindi niya maunawaan dahil ilang linggo na ang nakakaraan nang may napansin siya sa sarili. Hindi naman niya ugaling manakot ng tao kaya lang nagbago  ang lahat ilang buwan na mas naging mainitin ang ulo niya.

"Ay ma'am walang ganyanan saan ka ba kasi pupunta at sasamahan kita." Sukong sagot ng pinay maid kaya naman sumilay ang ngiti sa labi niya.

"I some food from the market. Ayaw ko ang pagkain dito sa bahay ngayon kaya't huwag n'yo akong ipagluto ngayon." Nakangiti niyang sagot saka dinampot ang bag niya at walang paalam na lumabas. Aba'y sundalo siya tapos magpapabantay pa siya? Maybe she's not original Korean pero by the help of her husband she's now a citizen of the country. Tatlong taon na rin siyang pagala-gala sa siyudad ng Korea kung saan-saan. Well hindi naman basta-basta gala dahil mula sa pagiging fighter ay naging spy na siya para matulungan ang mahal niyang asawa kaysa naman para siyang reyna na pinapalibutan ng mga katulong.

ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon