CHAPTER TWENTY-FIVE- YES! SHE LOVE ME TOO

207 18 10
                                    

" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER TWENTY-FIVE - YES! SHE LOVE ME TOO

"How are you doing with  our family general---I mean Jung?" Nautal na tanong ni Jervin sa panauhin dahil kahit bali-baliktarin man niya ang mundo'y mas nakakataas pa rin ito sa kanya kahit pa sabihing sinabihan na siya nito na pantay-pantay silang lahat.

"Masaya ako bro. I never  felt this happiness since my parents were killed by those barbarians. I'm really enjoying myself here with you." Sagot ng binata na halata namang masaya patunay ang sigla sa boses nito.

"Salamat naman kung gano'n  bro dahil ngayon lang din namin nakitang nagtagal sa bahay ang pinsan namin. She's hard headed woman who always fight for the truth  but deep inside of her, she's soft hearted. Mainitin ang ulo pero may katuturan ang bawat bininitawan. Sa aming pamilya siya ang pinakalagalag, pinaka- adventurous talo kami ng pinsan naming general but as I can see now ibang-iba na bro mukhang napagbago mo na ang lahat sa kanya and I thanks you for that." Masigla ding saad niya.

Samantalang sa narinig ay napangiti ang binata, nothing compares ang lahat mg kasiyahan niya since they arrived and warmly welcome by the whole family. Kahit nga ang ilan sa mga tauhan niyang sumama ay halatang nag-eenjoy na lalo at pantay-pantay naman kung ituring sila ng lahat.

"Mukhang malayo na ang narating ng isipan mo your Majesty I mean boss?" Natatawang pukaw ng isa sa mga ito.

"Isang your Majesty ka pa diyan talagang pauunahin na kita sa Korea." Tuloy ay namumulang sagot niya lalo at totoo namang malayo ang narating ng imahinasyon niya.

"At huwag naman boss maawa ka sa akin hindi pa kami nakagala ng mga kasama natin sa ibang tourist spot according to bro Jerwayne. Sabi niya'y may pinsan daw sila sa Laoag na hindi pa natin nakikilala." Nakatawang sagot nito na agad sinalo ni Jervin.

"Tama ka bro mayroon kaming tiyahin na nakapag-asawa doon. Actually it's my mom's twin sister and they've a two children, the general and the surgeon. Kung magtatagal kayo dito'y makikilala n'yo  din sila lalo at excited na ring makauwi dito ang mga iyun or we can visit them in their place. As you are bro he's a high ranking official too kaya't hindi siya basta-basta nakakaalis sa lugar nila." Aniya bagay na ikinatuwa ng heneral kaso nahawaan na yata ang tauhan nito ng kasutilan dahil muli itong nagbiro sa amo.

"Huwag ka munang matuwa boss lalo at hindi mo pa yata napapasagot si lady Captain mamaya niyan eh magyaya ka ng wala sa oras ng babalik sa Korea na walang napala." Panunukso pa nito saka agad nakilahok sa umpukan ng ilang  tauhan ng dalaga na nandoon.

Tuloy ay napakamot ang batang heneral na mas ikinalawak ng ngiting nakapaskil sa labi ni Jervin. Alam naman nilang wala pang formal na relasyon ang dalawa kahit pa halatang-halata na sa kilos nila na may pag-ibig silang nararamdaman para sa isat-isa.

"I know she's incredible woman even she's the only lady officer I've ever met pero hindi lang iyan ang nagustuhan ko sa kanya lalo at nagsimula kami sa hindi magandang pangyayari gano'n pa man nakilala ko ang tunay na siya that makes me to love her more." Sabi na lamang niya. Para saan pa ba kung deny pa niya eh totoo namang mahal niya ang dalaga. Hindi lang mahal kundi mahal na mahal.

Sa kabilang banda, ilang araw na mula ng dumating sila sa bansa pero hindi pa niya nakakausap mg sarilinan ang mga magulang dahil lagi namang nakadikit sa kanya ang binata. Ang hindi niya alam ay gano'n din ang mga magulang niya, nais siyang kausapin ng sarilinan kaso hindi makakuha ng tiyempo at laking pasasalamat nila ng makita siyang nag-iisa at kausap  naman ni Jervin  ang binatang panauhin.

"Abah himala yatang hindi nakadikit sa iyo ang kambal mo." Buska ni AJ sa panganay na anak.

"Kailan pa ako nagkaroon ng kambal daddy? Aba'y nahulog na ako sa kalendaryo pero wala naman akong alam na kambal ko." Nakangiwing sagot niya na hindi agad nakuha ang tinutukoy ng  ama.

ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon