" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER TWENTY-THREE - MOMENT WITH YOU
"What's happening on earth? Wht they're all crying." Inis niyang bulong dahil mula sa mahimbing niyang pagtulog ay naalimpungatan siya dahil sa nag-iiyakan sa paligid niya. Kaya naman iginala niya ang kanyang paningin upang ipaalam na buhay na buhay siya na hindi dapat iyakan kaso naunahan siya ng pinsan niya.
"My God Adrianne Nichole Mckevin you scared us to death! Akala ko'y tuluyan ka ng nawala---"
"What's going on Lt Jervin Smith? Saka anong ginagawa mo dito sa Korea?" Pamumutol niya sa pananalita nito dahil talagang naiirita siya sa mga nag-iiyakan.
"Hindi ka naman nauntog sa pagkakaalam ko lero mukhang nagkaamnesya ka na at nakalimutan mong ikaw ang humingi ng saklolo mula pa sa Pilipinas?" Sagot naman ng binata.
Sa narinig ay natigilan siya pero muling iginala ang paningin upang patunayan ang sinasabi nito. Tama naman kasi ito nabuhay siya ng ilang linggo sa may 'di kalayuan ng palasyo ng dating reyna at nang sinugod na niya ito'y may kung sinong sira-ulong nagpakawala ng arrow na tumama sa paa niya pero wala siyang matandaang nauntog siya para makalimutan ang lahat. Kaya naman bahagya niyang inalog-alog ang ulo baka sakaling matauhan siya.
Then...
"Kung gano'n nasaan ang mga tauhan mo insan? Ang mga tauhan ko nasaan na sila? Nagwagi ba tayo?" Tanong niya na parang wala sa sarili.
"Alam mo kung hindi lang sana punong-puno ng aparatos ang katawan mo'y kanina pa kita pinagsusuntok aba'y dinaig mo pa ang nagkaamnesya. Iyan na ba ang epekto ng pag-aagaw buhay mo kani-kanina? Tsk! Tsk! Magpagaling ka na diyan aba'y maawa ka naman sa boss mong sinolo ang ilang bag ng dugo na isinalin sa iyo." Ani Jervin na hindi matukoy king naiinis ba o nang-iinis.
Kaya naman napaismid ang dalaga at akmang magsasalita kaso muli siyang naunahan ng tauhan ng pinsan niya.
"Tama si sir Jervin maam Nichole, malinis na amg kalat sa kastilyo ng dating reyna. Nae-turned over na rin naman sa Korea ang nangyari kaya't kahit sana'y kasama mo dito sa pagamutan si general Jung Geum Yi kaso siya na ang nagtungong City para sa report pero sabi niya maam babalik daw agad." Ani 'to.
"Then bakit kayo nag-iiyakan? Aba'y maari namang magpasalamat na lang kayo kay Bossing kaysa naman parang may patay." Sabi na lamang niya na siya namang pagpasok ng nurse.
"Huwag ka ng magalit sa kanila kabayan. They're just happy that you came back from death. They're just having a tears of joy. Nandito alo kanina at kagaya nila'y nasaksihan ko ang bahagyang pagtigil ng machine na naging sanhi ng iyakan. By the way kabayan ligtas ka na sa bingit mi kamatayan at kabilin-bilinan ni general Jung Geum Yi na sa private and best room ka idiretso oras na bumalik ang malay mo." Nakangiting sabad nito.
"Nakunan ba siya mg dugo?" Out of the blue ay tanong ni Nichole.
"Oo kabayan, tatlong bags ang naisalin sa iyo at galing lahat iyun kay general dahil wala siyang pinahintulutang makapasok while we're doing the operation." Sagot ng nurse habang maingat na tinatanggal ang mga aparatos.
Kaso sa narinig niya mula dito'y muli siyang napaismid na hindi nalingid sa pinsang niyang nakatayo sa tabi niya.
"Ako ang nababahala kapag nakaismid ka insan? Para saan na naman iyan?" Tuloy ay nakangiwing saad nito.
"Sinolo ang tatlong bags ng dugo ang naisalin sa akin mula sa kanya pero nagawa pa niyang nagtravel para sa proclamation of success na iyan. Anong akala niya sa sarili niya superman? Kahit si superman ay nauubusan ng lakas ano pa kaya sa kanya na ordinaryong tao. Kahit yaman niya lahat ang yaman sa mundo kung tatlong bags ang nanggaling sa kanya'y babagsak at babagsak siya dahil sa panlalambot." Naismid niyang sabi kaya naman hindi napigilan ni Jervin ang napahalakhak na nahawa na yata ang mga tauhan dahil nakisabay na rin sila kaya naman nakatanggap sila ng nakakamatay na tingin mula sa dalagang tinatanggalan ng life support machine dahil ligtas na ito mula sa bingit ni kamatayan.
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Romancelove story with conflict