" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER TWELVE - IT'S IMPOSSIBLE, FOR THE FIRST TIME
"What!? Have you gone mad Adrianne Nichole Mckevin?" Malakas at maang na sabi ni Jervin sa pinsang buo.
"Grabe ka naman pinsan buong-buo talaga? Tsk! Tsk! What's wrong with you?" Kibit-balikat na balik tanong ng dalaga.
"Ikaw na babae ka kung ganyan katigas ang ulo mo'y mas mabuting umuwi ka na sa Ilocos nang sa gano'n ay sila pala AJ ang kausapin mo dahil kyng ako ang tatanungin mo'y hindi ako papayag. Aba'y hindi nga kami pumayag na mapunta sa amin ang assignment na iyan tapos ikaw pang babae ang gumawa?" Hindi pa rin maipinta ang mukhang saad ng binata.
"Si daddy o si mommy o sino sa pamilya natin kapatid basta tinanggap ko na ang trabahong iyun wala nang makakapigil pa kaya't stop whining na para bang inagawan ka ng nobya ni pinsan Jerwayne." Pang-aasar pa ng dalaga dito.
Siya, ang kuya Zack Joseph niya, ang pinsan nilang si Jervin Daniel. Sila ang sumunod sa yapak ng kanilang mga ninuno na mambabatas. Siya ang babae pero ayun sa mga pinsan niya'y pa ang kilos lalaki at nakamana sa init ng ulo ng abuela nila. Kumbaga siya ang kaskasera the third. Ang tagapagmana ng ultimate kaskasera dahil kung gaano katamad magmaneho ang pinsan nilang si Jerwayne ay kabaliktaran naman sa kanya. Kahit rough road ginagawa niyang high way lalo na kung may hinahabol.
"Hey you miss Mckevin umuwi ka na sa Ilocos narinig ko na naman ang pangalan ko diyan. Bakit ba kayo nagtatalo diyan ha? Aba'y dinadamay n'yo pa ako." Sabad ni Jerwayne na kakapasok lang din.
"Maka Mckevin naman ang taong ito wagas. Bakit hindi ba't Mckevin si mama JP?" Tuloy ay napataas ang kilay na sagot ng dalaga.
Pero ang binatang si Jervin na hindi pa rin kumbinsado'y muling pumagitna dahil hindi pa rin lubos maisip kung ano ang nakain mg pinsan at tinanggap ang trabaho bilang team leader ng peace keepers na ipapadala sa Korea samantalang maayos naman ang puwesto nito bilang Military Captain.
"Huwag mong ilihis ang usapan ate Nichole kahit mas mataas ang puwesto mo kaysa sa akin kung ganyan ka lang din eh mas mabuting sina papa AJ ang kausapin mo. Kapag papayag sila'y wala na kaming magagawa pa pero kung hindi'y mas hindi ako papayag sa nais mong mangyari." Ani 'to.
Ang hindi alam ng tatlo'y nandoon ang mga magulang ng dalawang barako at dinig na dinig nila ang buong usapan nila.
"Hey guys what's the matter with you? Are you fighting to each other?" Kunway ani Janellah Pearl.
"Inosente ako diyan mommy. Nadatnan ko silang parang nagbabangayan kaya't sumabad ako." Agad namang sagot ni Jerwayne na nakataas pa ang dalawang palad.
"Well? So both you Nichole and Jervin, what's the matter? May alitan ba kayong dalawa?" Muli ay wika ni JP.
"Siya ang kausapin mo mommy. Ang tigas ng ulo." Sagot ng binata.
Kaya naman napaubo ang kanilang ama sabay tingin sa may bahay kaso tinaasan din siya nito mg kilay.
"Walang giyera mama pero magkakaroon kung patuloy akong harangan ni pinsan. Simple lang naman eh, tinanggap ko ang trabaho bilang team leader ng peace keepers sa Korea. Hindi naman po siguro lingid sa kaalaman nating lahat na may kaguluhan doon ngayon laban sa mga barbarians so they need some helping hands and no one accepted the job and as a citizens of this country and willing to work abroad I grabbed it." Sagot ng dalaga na parang wala lang.
"Iyun na nga pinsan. Hindi ko naman sinasabing huwag tayong tutulong pero sana man lang kinunsulta mo muna ang mga magulang mo o di naman kaya'y sina grandpa at grandma aba'y nasaan ang utak mo ngayon? Ikaw na rin ang nagsabing barbarians ang kalaban nila doon dahil sa boundary ito nangyayari and we all know about their will." Muli ay sabad ni Jervin.
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Romancelove story with conflict