" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER FOUR - BE MY QUEEN
Few days after the royal funeral, everything was back to normal. Masakit man para sa magkapatid ang mawala ang kanilang ama'y nagpatuloy sila sa kanilang buhay, sa tungkulin para sa buong nasyun.
"What about now your majesty? I mean what's your plan now?" Tanong ni Prince Myang sa kapatid.
"Sa ngayon kailangan muna nating isaayos ang lahat lalo na ang mga opisyal natin lalo at hindi lingid sa ating kaalaman ang tungkol sa mga kanila." Tugon ng hari.
"Tama iyan your majesty pero hindi rin lingid sa kaalaman nating lahat na kailangang may reyna ang hari. So ano ang plano mo? Sigurado akong sasabihin nila iyan sa korte." Sagot ni Prince Myang.
"Dahil sa status ko ngayon prince Myang hindi ako makalabas ng basta-basta pero kailangan ko siyang makausap." Tugon ng hari.
Though may hinala na siya sa isasagot ng kapatid ay nais niyang kompirmahin kaya't nagtanong siya.
"You want to talk to who your majesty?" Tanong niya.
"I guess humina na yata ang panghuhula mo my prince? Well kilala mo naman kung sino siya. What about being in disguise tonight? Or you will bring her here in the palace secretly?" Nakangiting sagot ng hari.
"Well I guess it's better to be in disguise dahil kahit anong pino ang kilos mo dito lalo at nasa Grand Palace ka mayroon at mayroong taengang nakadikit sa pader like now---Official Nam catch that spy on the wall!" From being slowly, prince Myang raised his voice that made the servant shocked including the spy kaya naman agad itong nahuli ng mga private guards ng hari.
"Huwag n'yo siyang dalhin sa tribunal ground dahil oras na gawin n'yo iyan wala na kayong malalaman sa kanya. Bring her in and I'll interrogate her personally." Sabi ng hari dahil sa dadalhin sana ng mga Palace guard sa tribunal grounds ang female servant.
"Yes your majesty." Tugon ng tatlong guwardiya na nagmula pa sa ama ng kasalukuyang hari.
Dahil sa utos ng hari'y dinala ng tatlo ang bihag sa loob mismo ng study room ng hari.
"Kung gusto mong mabuhay, magsalita ka na para hindi kita parusahan kahit pa sabihing unforgivable ang kapangahasan mo. Kung magsasalita ka'y ipapahatid kita sa kanila sa labas ng palasyo upang hindi ka mabalikan ng nag-utos sa iyo but make sure na nagsasabi ka ng totoo dahil oras na nagsisinungaling ka'y ipapahanap kita kahit nasa labas ka ng palasyo upang maparusahan ka ng kamatayan." Sabi ng hari.
"Kinakausap ka ng mahal hari." Pabulong na sabi ni Official Nam dahil hindi sumasagot ang palace maid.
"Inuulit ko sino ang nag-utos sa iyo upang magmanman dito?" Muli namang tanong ng mahal na hari.
"A-ang da-dating r-reyna your majesty. Napag-utusan lang po ako gano'n pa man tatanggapin ko po ang parusang ipapataw ninyo sa akin. Pa-pakiusap lang po your majesty m-may kapatid po ako sa royal kitchen baka siya po ang pagbalingan ng salarin." Pautal-utal namang sagot ng bihag. Marahil sa pinaghalong kaba at takot ay nagsalita ito ng wala sa oras.
Sa narinig ay natigilan ang hari, kung ang dating reyna na pinadetrone ng kanyang ama'y maaring may malalim itong dahilan kung bakit nito nagawa ang bagay na iyun. Hindi ito magtatalaga ng spy kung walang dahilan.
"Sigurado ka ba sa bagay na iyan? Alalahanin mong buhay ninyong magkapatid ang nakasalalay dito." Pangungumpirma pa ng hari.
"Yes your majesty, I swear it with my life." Senserong sagot ng katulong.
Kaya naman binalingan ng hari ang kapatid at tango ang isinagot nito bilang pagsang-ayun. Iginala din sa tatlong private bodyguards niya ang paningin ay gano'n.
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Romanslove story with conflict