CHAPTER FIFTEEN - THERE MUST BE SPY TO THE GROUP

201 18 4
                                    

" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER FIFTEEN  - THERE MUST BE SPY IN THE GROUP

"Boss mukhang tinamaan na ang heneral sa iyo ah." Panunukso ng isa sa kasamahan ni Nichole sa kanya.

"Susme ayan ka na naman boss sa panunukso mo, baka naman ikaw ang type no'n. Balik asar niya dito although alam niya ang tinutukoy nito.

"Haist Captain Mckevin paanong ako ang type niya eh iba ang titig niya sa iyo. Kung nagkataong babae ako'y maari pa siguro kaso hindi kami talo dahil ikaw ang type niya." Sagot ng kapwa sundalo na agad namang sinalo ng isa pang kasama.

"Tama siya boss kaso noong inimbitahan niya tayo sa kampo tapos umatake ang mga assassins ay wala yatang ibang nakita kundi ikaw. Nganga siya sa tuwing ikaw ang nagsasalita at ayun sa mga tauhan niya'y ikaw pa lang daw boss ang kauna-unahang babaing nakatapak doon bukod sa mga female servant niya." Sabi nito kaya naman  napatingin dito ang dalaga,  wala naman kasi siyang nakitang babae noong nagtungo sila doon dahil puro mga lalaki ang nagsilbi sa kanila.

"Ay huwag mo akong titigan mg ganyan boss dahil totoong walang babae doon pero dahil sa mga tauhan ni general Jung Geum ay nalaman kong ang female servant ni general ang tagahatid ng pagkain doon pero dahil mga taga labas ng kampo ang bisita nila eh silang mga lalaki na rin ang nagsilbi." Nakataas ang palad na sabi nito.

Tuloy ay nakaisip ng kalokohan ang dalaga, wala naman siyang  balak takutin ang mga taong sumugal na sumama sa kanya sa bansang banyaga. Ibabalik lang niya ang kalokohan nila sa kanya.

"Kako matulog na tayo at magpapatrolya tayo bukas." Abot hanggang taenga ang ngiting sabi niya saka sila iniwan na hindi nakasagot bago siya nakaalis.

"Haist naku itong si Captain Mckevin naisahan na naman niya tayo. Pero tama naman kasi siya dapat lang na magsitulog na tayo." Sabi na rin mg isa kaya't ang pang-aasar nila sa kanilang pinuno'y nauwi din sa pamamahinga.

Sa kabilang banda, malalim na ang gabi at kung tutuusin ay kanina pa siya natulog kaso hindi siya dalawin ng antok.

"Your Majesty you're still awake?" Tuloy ay pukaw sa kanya ng  long time servant niya. Masasabi niyang loyal servant dahil ito ang nagpresenta sa sarili na hindi aalis at mananatili sa piling niya. Bata pa lang siya'y nakamulatan na niya ito at ito din ang kasa-kasama niya mula noon hanggang sa kasalukuyan aside from his personal assistant.

"Yes Nam Su pero teka lang ilang beses ko na bang sinabing kalimutan n'yo na ang salitang your Majesty, your highness dahil nasa modern era na tayo. Call me by my bame or you want to be thrown away outside our home?" Aniya na tuluyan na yatang nagising ang papaantok niyang diwa.

"Nass modern era man tayo your Majesty pero hindi natin maaring kalimutan ang pinanggalingan mo. Bali-baliktarin man natin ang mundo'y ikaw pa rin ang haring ating bansa, king Jung Geum. Total ikaw na rin nagsabi na nasa modern era na tayo your Majesty, bakit hindi ka mamili ng maging katuwang mo sa buhay? Kung  noon ay ang gobyerno ang namimili ng mapapangasawa ng hari at prinsipe, ngayon ay malaya ka nang pumili sa mga babaing nakapaligid sa iyo kahit anong status nila sa buhay." Sagot ng male servant.

"Hindi ka talaga natatakot na tawagin ako sa ganyan ano Nam Su? Haist ikaw talaga oo baka naman mau makarinig eh tularan ka pa nila. Kita mo ang personal assistant ko at ang grupo niya'y marunong na ring mang-asar kahit nasa kampo kami kapag sinusumpong biglang susulpot at sasabihan akong your  Majesty. About getting married Nam Su hindi naman gano'n kadali iyun. Hindi porket gusto mong mag-asawa ako eh basta na lang ako magyaya ng papakasal sa akin. Well I still believe in love, a love that will unite a two people according to their will kaya't huwag kang magmadali." Nakangiting sagot ni king Geum.

ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon