" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER EIGHTEEN - LURE THEM BUT DON'T KILL
"Anong balita sa anak natin hon? Aba'y wala na yatang balak umuwi ah." Tanong ni Issang sa asawa isang gabi habang sila'y namamahinga.
"Kung mag-aasawa na doon kahit hindi na uuwi basta nasa mabuting kalagayan---hey what's on that punches?" Nagulat na tanong ni AJ dahil sa suntok ng asawa.
"Ikaw na lalaki ka kapag tinatanong ka ng maayos aba'y sumagot ka naman ng maayos. Susme anong akala mo sa anak natin laruan na basta na lang iwan kapag ayaw mo na. Heh! Lumayo ka sa tabi ko kung ayaw mong dagdagan ko ang suntok na iyan." Sagot ni Issang.
Sa narinig ay napangiti siya, hindi niya akalaing nasa bad mode sng mahal niyang asawa at uminit ang ulo sa isinagot niya.
"Sorry naman hon. Alam ko namang miss mo ang lagalag nating anak kaso nasa dugo na namin iyan at hindi na matatanggal. Kita mo namang kahit si Lito'y hindi niya pinapakinggan. Mga pinsan niya sa akin ay gano'n din. About sa balita tungkol sa kanya'y wawasakin daw muna niya ang pader ng kastilyong buhangin sa kabilang dako ng karagatan na nakapagitna sa borders bago siya uuwi. Ewan ko kung nagbibiro ba o hindi eh sabi niya kung uuwi na siya dito'y bitbit na daw niya ang manugang natin." Nakangiting sabi niya dito na akmang yayakap sa asawa kaso kinurot naman siya nito.
"Kung iyan sana ang isinagot mo kanina pa hindi ang kung ano-ano eh." Tuloy ay ismid nito sa asawa.
"Sorry na po kamahalan kaya't matulog ma po tayo baka ilang suntok pa ang mapapala ko sa iyo. I love you hon." Pang-aamo pa ni AJ dito kahit pa sabihing hindi naman ito galit sa kanya. He knew her so well kaya't hindi niya ito pinatulan sa tupak dahil kasalanan din naman niya.
Sa kabilang banda, halos hindi pa sila nakalapag ng husto'y tinanggal na ng batang heneral ang seatbelt na kulang na lang ay tatalon kaya naman imbes na manahimik ang mga kasama'y kabaliktaran ang nangyari, tinukso siya dahil sa halatang kilos niya. Eh anong magagawa niya kung excited siyang makitang muli ang dalagang opisyal.
"Umiibig na talaga ang boss natin." Ani ng isa sa male servant ng hari este heneral.
"Well kung tutuusin matagal na siyang nag-asawa kaso wala yatang mapusuan sa mga nakapaligid sa kanya but this time I know he's inlove. Ilang beses ko ba siyang nakikitang basta na lamang napapangiti, minsan basta na lang napapatulala." Sabi naman ni Dam Sue.
"Look over there." Sabi naman ng personal nito kaya't napatingin silang lahat na naiwan sa chopper sa itinuro ng kasama nila.
Ang kanilang boss ay yakap-yakap ang dalagang banyaga barely infront of them.
Inlove nga eh!
Tuloy napabaling na lang sila ng tingin sa ibang dereksiyon.
Samantala kulang na lang ay umusok ang mukha ng dalaga dahil sa pamumula lalo at nandoon ang mga tauhan niya at retainers.
"Tsk! General bakit basta ka na lang nangyayakap ? May sakit ka ba? Baka naman gusto mong ibalik ka namin sa City para mapatingnan ka sa doctor. On vacation ang medical officer namin." Paismid na bulong niya dito.
Kumalas nga ito sa kanya kaso hinawakan naman siya sa magkabilang balikat. Kung ibang tao lang sana ang kaharap niya'y baka naibalibag na niya ito. Kahit lalaki pa ito kung biglang atake ang gagawin niya'y wala itong magagawa kaso boss niya eh baka ma-AWOL pa siya na wala sa oras.
"I just can't help my self not to hugged you miss Nichole I mean Captain Mckevin. I miss you by the way kaya't napayakap ako sa iyo. How are you?" Aba'y walang pakialam sa paligid!
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Romancelove story with conflict