" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER NINETEEN - THE LADY CAPTAIN WAS MISSING
"Boss hindi ka yata mapakali? May problema ka ba?" Tanong ng isang tauhan niya sa kanya isang hapon na talaga namang hindi siya mapakali. Off duty na siya kung tutuusin pero maraming katanungan ang naglalaro sa isipan niya na dahilan kung bakit para siyang hindi makapanganak na pusa.
"Do you remember those bastard who attacked us when general Jung Geum was here?" Balik tanong niya.
"Yes boss, hindi ba't may naiwan silang silang sulat? Bakit boss may hinala ka na ba kung sino ang salarin?" Tanong din ng tauhan niya.
Pero hindi agad sumagot ang dalaga, naglakad-lakad pa siya na iginala ang paningin na para bang may inaaninag sa bawat sulok ng kampo nila.
"Mali ang pagkakatanong mo boss dapat ang tanong mo'y may hinala ka na ba kung sino ang spy sa grupo at ang sagot ko ay oo. I'm very much sure at walang palpak na siya nga ang spiya pero hindi ko iyan sasabihin dahil siya ang magdadala sa akin sa kinaroroonan ng boss niyang si satanas. Remember hindi ako ang boss niya dahil noong tinanggap niya ang pagiging spy ay tinalikuran na niya ang tungkulin sa bayan, mas nababagay siya sa amo niyang nagpapadala sa kanya dito." Sagot niya.
"Ha? Huwag mong sabihing kikilos ka ng walang utos si general? Boss aba'y kahit mga alagad tayo ng batas hindi ko pa ring maiwasang matakot sa pananalita mo." Nahintatakutang saad ng tauhan nito.
"Tsk! Tsk! Sana ikaw na lamg ang umuwi ng Pilipinas kung matakutun ka rin lang naman aba'y hindi ka uubra kay Lt. Smith kung natatakot ka at mas hindi ka papasa kay general Santiago the young one not the retired general o baka naman kay Lt Mondragon? Mas mainitin ang ulo noon boss baka bugaan ka niya ng apoy." Aniyang hindi matukoy kung nang-aasar ba o nananakot.
"That's not what I mean boss. Kung sa giyera lang din ang usapan aba'y wala akong uurungan dahil iyan ang sinumpaan nating tungkulin kaso ang sabi mo may hinala ka na kung sino ang spiya at siya ang magdadala sa iyo sa boss niyang satanas. Hindi ba't sabi ni general Jung Geum sa tatlong option ay delikado ang lahat lalo na kung land transportation ang gagamitin, gano'n din sa karagatan, hindi man masyadong delikado ang himpapawid pero ito ang pinakaingay sa tatlong option at iyun ang ikinakatakot ko." Kakamot-kamot sa ulo na paliwanag ng pobreng lalaki.
Kaya naman hinarap ito ni Nichole saka tinapik-tapik sa balikat.
"Yes I know that boss at maraming salamat sa pag-aalala mo. Don't worry matatapos din ang lahat at sana in the near future makauwi na kayo sa bansa." Sabi niya.
"Ha? Bakit kami lang boss? Huwag mong sabihing gagapangin mo na si general at hindi ka na uuwi? Aba'y mas ibabala kami sa kanyon ni Lt Smith kapag nagkataon aba'y maawa ka naman sa bloodline ko nag-iisa pa lang ang bubwit ko." Muli ay saad ng lalaki.
"Huwag kang maingay baka may makarinig sa iyo aba'y baka isipin nilang totoo iyan ma-AWOL pa tayo ng wala sa oras. Don't worry boss this is for the great cause that will lead us to the victory. Just hang on a little and I'll do everything to end up this nonstop and deep rooted war between the royal blood. At bago pa tayo makapunta kung saan-saan puntahan mo na ang taga-luto natin at ako'y nagugutom na." Nakatawang ni Nichole na bahagyang ibinulong ang huling sinabi na dahilan kung bakit napakamot muli ang kaharap kaso wala ding nagawa kundi ang sumunod sa utos niya.
"Kung laro ang gusto nila'y game ako diyan. Nakalimutan yata nilang mula sa ninuno ko'y mga mambabatas na at mas hindi ako natatakot sa kamatayan basta para sa bayan ay gagawin ko. This is my last resort and I'll make sure to win it. Patawarin na lang ako ni BOSSING if I'll get rid of those bastards." Bulong niya na muling iginala ang paningin.
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Romancelove story with conflict