" ONCE UPON A SINNER "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER TWENTY-FOUR - ONE BIG HAPPY FAMILY
"So paano iyan insan mauuna na kaming uuwi ng Pilipinas para masabihan namin ang mga magulang mo na may maiuuwi ka ng asawa." Pabirong sabi ni Jervin sa dalagang nginangatngat ang kuku. Alam naman nila kapag gano'n ang hitsura nito'y may iniisip.
"Kapag ako ang mapuno sa iyo diyan insan talagang lilipad ka na ng wala sa oras. Noong nasa laban pa tayo ika'y nanunukso ah. Baka naman maaring itikom mo iyang bunganga mo mamaya niyan eh pasukan ng enting ebak." Ismid na sagot niya(Nichole) kaso wrong move dahil bukod sa pinagtawanan siya nito'y sumabad pa ang tauhan niya.
"Naku naman boss bawas-bawasan mo na ang tapang mo dahil kapag magkatuluyan na kayo ni general matapang kayong dalawa baka laging wasak ang bahay ninyo." Nakatawa pa nitong sabi saka patakbong lumayo sa kinaroroonan nila at nakilahok sa mga tauhan ng general na halatang tuwang-tuwa na naman sa kanila.
Kasalukuyan silang nasa palasyo ng hari at kahit pa sabihing nandoon silang lahat ay napakaluwag pa rin ito. Doon naman kasi sila dumiretsong lahat right after the awarding given by the president and some selected government officials.
"Tsk! Tsk! Magsiuwi na nga kayong lahat ako ang natutuyuan ng dugo dahil sa pinaggagawa n'yo." Muli ay nakaismid na sabi ng dalaga. Hindi naman siya galit kaso nahihiya siya lalo at natuto nang magsalita ng tagalog ang ilan sa tauhan niya sa borders kaya't nauunawaan na nila ang pinag-uusapan nila.
"Hay naku ang pinsan kong walang kasing-tapang talagang umiibig na. Sure don't worry dahil ayun kay general mamayang hapon na ang flight nin pabalik ng bansa natin gamit ang eroplano namin na nasa airpot. Ihahatid daw kami ng piloto niya sa airport by chopper para hindi na kami mahirapan sa traffic. Don't worry dahil susunod din naman kayo by tomorrow or the other day." Sa wakas ay naging matino din ang pananalita nito o si Jervin after teasing his cousin barely infront of those men.
"Ha? Akala ko ba'y sabay-sabay tayong lahat? Bakit pa ako maiiwan dito? Talaga bang sasama siya?" Maang niyang tanong. Akala naman kasi niya'y nagbibiro lang ito ng sinabing sasama lalo at binibiro lang din naman niya.
"No my dear cousin, he's not joking at all. He will be coming with you kaso hindi lang makasabay ngayon dahil may aayusin yata sa trabaho niya. But don't worry you are safe with them." Nakangiting sagot ni Jervin.
Kaya naman wala ng magawa ang dalaga kundi ang manahimik kaso ang kalooban niya'y hindi mapakali dahil may mga paru-parung nagliliparan sa loob ng tiyan niya!
Sa kabilang banda, dahil sa nangyari o ang international news na napanood nila tungkol sa rewards ng grupo ng anak at pamangkin ay napasugod ng wala sa oras ang mag-asawang Clarissa at Adrian Joseph sa Baguio kung nasaan ang ibang membro ng huli.
"Congratulations kuya aba'y talagang international na ang tapang mg dalaga mo." Masayang wika ni Janellah sa kapatid na lalaki.
"Hindi naman niya nagawang napagtagumpayan iyan kung hindi dahil sa tulong ng anak ninyo." Nakailing namang sagot ni AJ kaso ang bayaw naman niya ang sumagot.
"Wrong kuya dahil numero-unong oposisyon ang binata namin sa pagpunta ni Nichole sa Korea dahil nga sa dilekado ang labang iyan." Ani 'to kaso ang pinagmulan ng tapang nila'y hindi rin nakatiis at sumabad.
"Diyan ka rin nagkamali Jameston anak dahil kahit ayaw na ayaw ng apo ko na nagtungo doon ang pinsan niya'y isa din iyan sa naging dahilan sa tagumpay nilang lahat. Ginawang inspiration ni Nichole ang pagpipigil ng mga pinsan niya at ayan na nga napagtagumpayan nilang ibinagsak ang deep rooted enemy ng superior nila na grand heir pala ng sinaunang era. Saka nakalimutan n'yo na yatang motto ng mga iyan ay tagumpay ng isa, tagumpay ng lahat." Masayang wika ng may edad na ring Kaskasera original.
![](https://img.wattpad.com/cover/214871421-288-k346654.jpg)
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A SINNER WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Romancelove story with conflict