Level Up: One

655 21 6
                                    

"That's it for today! Ayun naman pala eh, marunong ka naman pala sumunod. Nung di ka na nagrereklamo natapos tayo agad diba?" Sabi ni Ken pagkatapos ng workout nila.

"Maliit na bagay..." Sagot ni Rita. Damang-dama niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya, hirap na hirap din siyang huminga. Tama nga si Coach Ken, masasaktan siya. Kailangan paghirapan. No pain, no gain - ika nga.

"Uminom ka munang tubig, pero unti-unti lang ah. Tapos higa ka na ulit, ako mag-stretch sayo."

Sumunod naman si Rita.

"Oh, open your legs!" Pag-utos ni Ken.

"Ano?!" Napahawak si Rita sa harapan niya at lumayo kay Ken.

"Ano na namang issue mo? Gawin mo na lang..." Napalunok si Rita dito. Si Ken, napaka-seryoso ng mukha. Focus lang ito sa ginagawa niya.

Inabot ni Ken ang mga kamay ni Rita.
"Oh, last part na. Iga-guide ko katawan mo. Bubuhatin kita, pero hold your weight. Relax at huwag mo labanan yung force ha? Kasi walang effect kung ganun..." Pagpapaliwanag nito.

Pumwesto si Ken sa likuran niya at inilagay ang mga braso niya sa ilalim ng kili-kili ni Rita. "Sabing huwag mo kong labanan!" Nai-ilang kasi si Rita at nilalayo ang katawan niya.

"Oh, other side naman." Humarap naman si Ken sa kanya - they're lips are now just mere inches away from each other. Nagkatitigan sila at nakita niya ang nanlilisik na mga mata ni Ken. "Ang ganda, nakaka-hypnotise." She thought. Lalong lumakas ang tulo ng pawis niya.

"Ang lapit, p*t*ngina!" Isip-isip lang sana ni Rita. Pero sa sobrang kaba niya ay na-isigaw na pala niya ito.

"Hoy!" Sigaw naman ni Ken. Pinagti-tinginan sila ng mga ibang tao sa gym.

"Sorry, sorry... Matagal pa ba?" Mahinang sagot ni Rita.

"Ayan, ok na..."

"Ah sige, thank you Coach Ken..." Tumango lang si Ken at sinimulang ayusin ang mga equipment na ginamit nila.

"Nakakahiya! Bakit kasi nakaka-tense siyang kasama..." Pag-iisip ni Rita habang nasa shower.

...

Bumalik siya sa reception para i-sched ang next appointment niya. Nandun si Ken at ang manager.

"Coach Ken, kailan next natin na session?"

Imbis na sagutin siya ay kinausap ni Ken ang boss niya. "Sir, iba nalang po mag-training sa kanya. 'Di niya ata kaya mga pinapagawa ko eh."

Nagulat si Rita. "Ay, hello ulit ah! Nandito ako, bakit di mo sa akin sinasabi yan?"

"Eh ganun din naman, kay boss din naman dadaan, 'rekta na." Simpleng sagot ni Ken.

"Sana sinabi mo pa nung una Ken, puno na sched ng ibang trainer. Ikaw lang ang libre... Ano bang issue niyo Ma'am Rita, hindi rin ba okay sayo yung routine nitong ni Coach Ken?"

"Aaminin ko, nahirapan ako kanina. Pero normal naman yun diba? Akala ko ba you're here to help me, ha, Coach Ken?"

"Oo nga, pero kung 'di naman willing ang client, sayang ang effort ko..."

"Is this about sa nangyari kanina? Sorry, nabigla ako! Tatapangan ko na next time, promise."

"Oh sige nga, patingin nung tapang..." Napangiti naman si Ken.

"Rawr!" Pagsakay naman ni Rita.

"Marunong ka pala mag-joke, ha. Ayan sige, pakitaan mo kasi ako ng fighting spirit mo. Huwag puro reklamo. Ang reklamador niya kasi boss, eh."

"Kayo na muna mag-usap, Ken. Iwan ko muna kayo dito. May gagawin ako. Thank you, Ms. Rita. Ingat po kayo pauwi." Paalam ni manager.

"Hoy seryoso ka ba? Ilelet-go mo na ako as your client?"

"Masyado ka kasing assuming, takot na takot... Kala mo naman kung anong gagawin sa'yo, eh nag-eexercise lang naman tayo. Makatitig ka kanina nung nag-strestretch tayo, masyado talagang halata na crush mo ako..."

"Ha? Huy, ikaw manyak ka ba talaga? Kanina ka pa sa taxi ha!"

"Ang hangin talaga!" She thought.

"Ikaw ang may issue sa akin ha. Ginagawa ko lang naman trabaho ko, professional ako. Madali akong makakahanap ng ibang client, in demand kaya ako." Confident na sagot ni Ken.

"Totoo ba, kung sino pang pinaka-mukhang di nagbubuhat ng bakal, siya pa ang mabenta?"
Di maiwasan ni Rita na humirit.

"Ano bang issue mo sa abs? Nasa toning lang yun. Importante yung tamang body mass saka yung konting body fat! Ano ba yan, lalo akong nawawalan ng gana sa'yo..." Na-iinis na si Ken kay Rita, pero weirdly enough, nag-eenjoy din siya makipag-sagutan dito. "There's something about her, nakaka-excite..."

"Oh sorry na, na-hurt ka ba? Ok lang yan, dun tayo sa good looks, hindi sa abs!"

"Shet! Ginatungan ko na naman, makaka-puntos na naman 'tong bwisit na to..."

"At inamin na rin niyang na-gwagwapuhan siya sa akin oh...Sabi na eh." Kiniliti ni Ken ang leeg ni Rita.

"Hoy, feeling close ka!" Pinalo ni Rita ang kamay ni Ken.

"Bakit, magiging mas close pa tayo ah? Humanda ka, it only gets harder. Ummm, I mean mas challenging! Pero mas kakayanin mo din - kung masunurin ka. Anong araw ngayon? Thursday? Oh, sa Saturday pwede ka ba?"

"Akala ko ba ayaw mo na sa akin?"

"Naaawa na rin ako sa'yo, tingnan mo yang braso mo oh, parang unan. Saka, I promised sa contract that I will help you." Pinisil niya ang braso ni Rita.

"Bakit may kasamang panlalait?"

"I'm just being honest. Kasama sa trabaho ko yun, masanay ka na! Use it to fuel your desire for me, I mean, for a healthier you! Basta, magtiwala ka lang sa akin."

"Ayan kasing mga hirit mo, kinakabahan ako... Oh sige, pwede ako sa Sabado, Coach Ken."

"Sige, free ako ng 10 am. Good?"

"Sure...Oh sige, aalis na ko. May work pa pala ako. See you nalang..." Inabot ni Rita ang kamay niya para magshake-hands. Tinanggap naman ito ni Ken.

"Oh sige, partner na tayo ha. We're a team. Pahingi nga ng number mo..."

"Agad-agad? Bakit?"

"Kailangan constant communication tayo siyempre. Ano pa bang ibang dahilan? Assuming ulit ha...Kailangan ko rin bantayan pagkain mo. Nagsasayang tayong oras kung puro milk tea at samgyup pa rin nilalamutak mo..."

"Nandiyan naman sa directory, tingnan mo nalang. Rita Iriñgan."

"Nandito ka na rin lang, ibigay mo na. Ay di ko pala nabigay full name ko, I'm Ken Chan."

Nilagay na rin ni Rita ang number niya sa phone ni Ken. Nag-miss call si Ken para ma-save naman ni Rita ang number niya.

"Save mo rin."

"Oh sige, it was a weird way to meet you! Update me nalang..."

...

Kinabukasan ng alas-sais ng umaga ay nakatanggap ng text message si Rita.

"Good morning, chubby! Anong breakfast natin today? - Ken Chan"

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon