Level Up: Two

621 23 10
                                    

"Good morning, chubby! Anong breakfast natin today? - Ken Chan"

Nakahiga pa si Rita sa kama nung mabasa niya ang message ni Ken. Naunahan pa nito ang alarm niya for 7 am. Natapos na kasi niya ang drafts niya para sa designs na isa-submit niya mamayang hapon, kaya na-isipan niyang reward-an ang sarili niya ng extra two hours of sleep.

"Ang aga-aga nambwibwisit! Pero bakit medyo kinikilig ako? Nakaka-miss yung may bumabati sa'yo ng good morning pag-kagising mo. Lakas maka-jowa...Ano ba yan, Rita? Ang rupok mo naman..." She thought.

"Coach Ken. Ang aga-aga nang-aasar ka ah. Wala naman akong sched today, bakit nagme-message ka?" - Reply ni Rita.

Ilang sandali ay nag-ring ang phone ni Rita. Tumawag na si Coach.

"Ano? Grabe naman bakit may call pa?" Sagot ng humihikab na Rita.

"Ang sungit? Walang pa-good morning? Di maganda yan, dapat think positive to start the day! Sabi ko sa'yo diba, constant communication. Continuous process ang pagpapa-sexy mo. Bawal ka mag-cheat day, akala mo ah!"

"K. Good morning."

"Ano nga muna kasi breakfast mo?"

"Ewan, pancake siguro at kape."

"Tingnan mo yan. Wala ka bang oatmeal o fruits man lang diyan?"

"Meron ako saging. Walang oatmeal."

"More fiber. Light meals lang kung di work-out day. Oh sige, pwede na yang pancake for now. Wag ka magda-dagdag ng bacon ah! Eggs pwede, less oil! Try mo din mag-cardio kung kaya mo."

"Hands on ka talaga ano? Sige na, see you nalang bukas."

"Oo naman, special ka sa akin eh."

"Ha?"

"Special mga clients ko sa akin. Sige, bye!"

Pagkatapos ng tawag ni Ken ay tumayo na rin si Rita. Kumain siya ng breakfast at dahil parang sinisipag siya, nag-jogging siya. Nakaka-pressure din naman kasi yung pagfollow-up ni Coach sa kanya.

...

Four A.M. pa lang ay gising na si Ken. Naghahanda kasi siya ng 50 meal sets para sa isang seminar. Part-time fitness trainer lang si Ken, ang totoo niyan nakatapos siya ng culinary sa college. Nagpapatakbo siya ng food service business, puro made-to-order.

Paano siya napunta sa gym? Nag-take siya ng ilang physical education classes noon. Kaya naman nagka-interes siya na pag-aralan mabuti kung papaano nga ba ang tamang paraan ng pag-exercise, lalo na kung may fitness goals ka.

Dati, nung sobrang sipag siya mag-gym ay nagka-abs na rin siya. Pero eventually dahil sobrang busy siya at puro pagkain na rin ang inaatupag niya ay di na niya na-maintain ito. Importante naman daw ay healthy siya.

One at a time lang kung kumuha ng personal training client si Ken sa gym, ilan na rin ang naging success stories niya. Dahil expert din siya sa pagkain ay naa-alukan na rin niya ng meal plan ang mga alaga niya. Win-win kung ika-nga.

Tutok siya sa mga client niya pero first time niyang mag-send ng good morning text. Dati ay mga formal text lang ng schedule reminder ang sine-send niya. Hindi niya makalimutan yung pagkikita nila kahapon. Sa sandaling nakasama niya si Rita ay may sparks siyang naramdaman. Excited siya na makasama ito ng mas madalas.

Pagkabalik ni Ken mula sa delivery ng meal sets ay nabasa niya ang e-mail mula sa head office ng gym. May pa-contest sa mga coaches ng most successful training program: "Level Up: Coaches' Challenge". Paunahan daw ma-abot ang fitness goals sustainably at sa bandang dulo ng competition ay mayroong coach-client duo race na magaganap. May cash prize na Php 100,000 para sa trainer at Php 10,000 sa trainee. Meron pang trip-for-two each sa Boracay.

"Game kaya si Rita?" He thought.

...

Kakatapos lang ng meeting ni Rita sa BGC. Nagustuhan naman ng newly-wed couple ang designs niya para sa condo unit nila. Interior designer si Rita at part-time freelance writer. Flexible hours ang work niya at madalas ang field work pero dahil sa sobrang busy ay minsan hindi na siya nagkaka-time para sa sarili niya.

Na-fefeel niya kung gaano na siya ka-stressed sa trabaho kaya naisipan niya mag lifestyle-change - first goal niya ang to take care of herself better. More sleep, tamang diet at tamang exercise ang 2020 resolution niya.

Iniwan niya ang kotse niya sa office dahil kung nag-drive siya kanina ay hindi na naman siya aabot sa meeting. Kumuha na nga lang siya ng Angkas kahit na ayaw na ayaw niyang sumakay sa motorsiklo.

Oras na naman para mag-book ng Grab, swerte naman siya ngayon at meron agad nag-accept. Tiningnan niya ang pangalan ng driver - Ken Steven Chan.

"No way." Hindi niya masyado mamukhaan sa picture kung si Coach nga, pero parang hawig...

Dumating na nga ang gray na Mirage na inaabangan niya. Pagbukas niya ng pinto ay ayun na nga, si Coach Ken ang driver.

"Grab driver ka rin?!" Bungad niya rito.

"Oo, minsan kapag may time." Natatawang sagot ni Ken. "Kapag sine-swerte ka nga naman oh! Uy chubby, yung 5 star rating ko ah huwag mo kalimutan ibigay, ha." Dagdag pa nito.

"Isa pang chubby, 1 star lang ibibigay ko sa'yo! Rita pangalan ko, Coach Ken. Paalala ko lang." Inirapan ni Rita si Ken.

Pumasok na si Rita sa may back seat.

"Sorry na, Rita. Kasi nga pinapaalala ko lang para ma-motivate ka. Oh, bakit diyan ka uupo? Para naman tayong strangers. Dito ka na sa tabi ko." Tinapik ni Ken ang upuan.

"Raketero ng taon lang?" Sabi ni Rita habang nagsusuot ng seatbelt.

"May pinag-iipunan kasi..." Sagot nito.

"Ah, kaya pala sobrang sipag mo, Coach Ken."

"Uy pwede ba kapag wala tayo sa gym, Ken nalang tawag mo sa akin? Ang professional masyado kasi eh."

"Bakit, professional lang naman talaga tayo ah?"

"Akala ko naman nagiging friends na tayo. Ang sad." Ngumuso si Ken na parang nagpapa-awa.

"Feeling close ka talaga noh?"

"Dali na kasi."

"Oh sige, Ken."

"Nandito na pala tayo. 'Nu ba yan!"

"Yes. Thanks. Naka-Grab Pay ako. See you nalang bukas!"

"Ano ba yan, may promo pala. Lugi ako! Nagreklamo si Ken. Natawa si Rita at nam-belat. Naka-ganti rin siya kahit konti.
"Papano ka pala pupunta bukas? Commute ulit?"

"Oo, nasa office kotse ko eh."

"Sunduin na kita, breakfast muna tayo." Pag-aya ni Ken.

"Ha?"

"Para masigurado ko pagkain mo. Huwag ka na magreklamo. See you 8 am ha! Sharp. Bye!"

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon