"Shit! Automatic lock 'tong mga doors, 'di ko mabuksan." Sabi ni Ken.
"Akala ko de-susi?!" Nag-aalalang sagot ni Rita.
"Oo. Pero key fob nga kasi, may sensor. Hindi ko na-switch sa manual mode bago nawalan ng power. Pwede lang siya mabuksan from the outside. Si manager lang ang may hawak nung key nun."
"Hindi pala safe 'tong gym niyo! Pwede ka pala ma-trap. Hoy, ayoko pang mamatay! Madami pa akong pangarap sa buhay!" Napa-sabunot ng buhok si Rita.
"Uy, teka lang naman! OA naman tayo diyan.
Relax ka lang, tatawagan ko si manager. Makaka-uwi tayo.""Naka-lock 'tong emergency exit niyo. Ano ba yan? Pa'no kayo nagka-permit..." Sabi ni Rita habang sinusubukan buksan ang isa pang pintuan.
Pumasok ang dalawa sa employees' room. Mabuti na lang ay may maliit na emergency light dito. Naupo si Rita sa isang bench habang sinusubukan ni Ken tumawag.
"Hala, 20% nalang pala battery ng phone ko. May powerbank ka?" Tanong ni Ken kay Rita.
"One bar nalang. Kalahati nalang din power ng phone ko. Pero sige eto...Dapat lagi ka nagdadala ng power bank!"
"Nakalimutan ko sa car, sorry na..."
"Hello Boss, nandito pa kami sa gym ni Rita. Di kami makalabas....Di ko na-switch eh...Ganun ba?...Gano daw katagal? Pasensya na boss ah...Sige hintayin ka nalang namin...Salamat..."
"Ano daw sabi?" Bungad ni Rita pagkatabi ni Ken sa kanya sa bench.
"Eh malaking transformer daw yung nasira, mga ilang oras pa bago maa-ayos...Sobrang dilim sa labas, di pa siya maka-alis. Puntahan daw niya tayo agad 'pag nagka-ilaw na." Paliwanag ni Ken.
"Sana maayos agad, ayoko na talaga dito...Pagod na ako, gusto ko na matulog. Nagugutom na rin ako..."
"Bakit, nag-dinner ka naman kanina ah? Tsk."
"Eh sa gutom ako eh, bakit ba?" Mataray na sagot ni Rita.
"Naku, huwag mong sabihin sa akin na lagi ka nagle-late night snack sa bahay ha..."
"Hindi ah. Ewan, baka nate-tense lang ako..."
"Nate-tense ka ba dahil ako kasama mo?" Lumapit si Ken kay Rita at tinitigan ito. Sobrang lapit na naman ng mga labi nila sa isa't-isa. Agad-agad naman sinampal ni Rita ang noo ni Ken papalayo.
"Ang harot mo na naman, diyan ka na nga!"
"Oh, saan ka pupunta?" Sinundan ni Ken si Rita na pumunta sa admin office.
"Ay, tresspassing!" Sabi ni Ken.
"Wala na akong pake. Ayaw kita makatabi."
"Sige na, behave na ako..."
Hindi kumibo si Rita, at kinalikot nalang ang phone niya. "Ano ba yan! Walang signal data..." Reklamo nito.
"Bakit ba kasi puro ka phone, live in the moment naman...Pwede naman tayong mag-kwentuhan. Mas mag-eenjoy kang kausap ako, promise..." Palarong tinaas ni Ken ang kilay niya.
"Buti sana kung matinong kausap eh..."
"Wala pa nga eh, try me..."
