Level Up: Eight

720 23 17
                                    

Hindi makita ni Rita ang damit niya sa paligid niya kaya wala siyang magawa kundi bumangon at hanapin si Ken. Pumunta siya sa banyo sa loob ng kwarto at naghilamos.
"Hmm. Malinis at organized, infairness." Ang na-obserbahan niya.

Wala rin si Ken noong pumunta siya sa kusina pero nakita niya ang naka-haing agahan sa lamesa. Na-amoy din niya ang bagong gawang kape mula sa coffee maker, at dito'y lalong nagising ang diwa niya. Gusto na sana niya inumin pero gusto niya munang makita si Ken.

Lumabas siya sa garden at doon niya na-abutang nagsasampay si Ken ng damit, kasama ang dress na suot niya kagabi.

"Good morning, beautiful!" Masayang bati ni Ken sa kanya. "Kamusta tulog mo? Medyo late na gising mo ah, napagod ka siguro kagabi. Brunch na yung pagkain na hinanda ko tuloy, sabay tayo kumain ah? Hinintay talaga kita eh."

"Good morning... May nangyari ba sa atin kagabi?" Deretsong tanong ni Rita.

"Meron." Matipid na sagot ni Ken. Ilang segundong speechless si Rita bago siya nagsalita.

"For real? Oh, shit! Sabi na eh, may binabalak ka sa akin kaya mo ko dinala sa bahay mo!" Nag-aalalang sabi ni Rita.

"Ikaw naman. May nangyaring...aminan!" Pinalo ni Rita ang braso ni Ken ng malakas.

"Yung totoo?!"

"Yun lang. Period. Why would I lie to you?"

"Matagal pa ba yung damit ko?" Iniba ni Rita ang usapan.

"Na-salang ko na rin sa dryer, pero siyempre di pa talaga tuyo...Chill muna tayo. Alam mo, mabuti pa, kumain nalang tayo! Gutom na ako, ang tagal mo kasing gumising eh..."

...

"Eh ano nga kasing nangyari kagabi?" Tanong ni Rita habang kumakain.

"Nag-date tayo. Nag-usap. I told you that I like you..."

"Set-up talaga. Hindi ako na-inform na date pala. Hindi ako handa...Ambush, tsk."

"Game na talaga siya eh... Pero, di mo na naman kailangang mag-ayos, kahit anong mangyari maganda ka pa rin..." Hinawi ni Ken ang buhok ni Rita at nilagay sa likod ng tenga nito.

"Ang aga lumandi ha..."

"Just being honest... Mas gusto ko when you bare it all...Ay wait, wrong wording! I am in awe with your natural - your raw beauty. Pero, mas better kapag RAWR ka, kagaya ng kagabi!"

"Sabi mo, walang ganun???"

"Wala ka talagang maalala? Grabe naman..."

"Low tolerance ako sa alcohol eh..." Mahinang sagot ni Rita.

"It was one of the best nights of my life, tapos ako lang nakaka-alala. Ano ba yan..." 

Flashback - kagabi...

Nagulat si Ken ng sunggaban siya ni Rita. Lalayo na sana siya pero nagreklamo si Rita at hinatak ang mukha niya pabalik.

Ayaw niyang ma-disappoint si Rita kaya lumaban na rin siya. Saka, magre-reklamo pa ba siya? Yung babaeng gusto niya, gusto rin siyang halikan! Ayaw lang naman niyang mag-take advantage, dahil ayaw niyang pag-isipan siya ng masama ni Rita.

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon