Level Up: Fourteen

802 27 14
                                    

Pagkarating ng dalawa sa bar ay nakita nila si Yam at ibang high school friends ni Rita.

Agad naman niyakap ni Rita isa-isa ang mga kaibigan.

"Yam, hindi mo naman sinabi may nightout talaga kayong plano. Hindi mo ko in-invite. Tampo ako ha." Sabi ni Rita.

"Eh siyempre, alam ko namang busy ka kay Ken. Saka gusto ko kayo bigyan ng space, nasa honeymoon phase pa kayo ng mag-jowa status niyo eh. Minsan nga gusto na kitang i-mute, masyado kayong nagpapa-inggit sa socmed eh..." Paliwanag ni Yam.

"Grabe ka naman sa akin, minsan agawin mo naman ako kay Ken! Para hindi kami ma-umay sa isa't-isa..." Biro ni Rita.

"Hala, baby. Nagsasawa ka na sa akin agad? Bakit ang sakit?" Seryosong tanong ni Ken. Nakita ni Rita sa mata nito na totoong nagtampo ito.

"Ssssh! Ang baby naman oh, tampo agad! Siyempre hindi. Minsan lang naman gusto ko pa rin makita friends ko diba? Ikaw pa rin gusto ko makasama always! Love you!" Kumapit si Rita sa braso ni Ken. Umiwas ng tingin si Ken. Bumitaw si Rita at hinawakan niya ang mukha nito upang iharap sa kaniya.

Bumigay na si Ken at nakipagtitigan kay Rita. Ngumuso si Rita na para bang nagpapa-cute. Pinisil ni Ken ang ilong niya at gumanti naman si Rita ng nakaw na halik.

"Uggghh." Sabi ni Yam.

"Guys, lipat nalang kaming table? Nakaka-istorbo ata kami eh..." Sabi ng isa pa nilang kaibigan. Nagtawanan naman sila.

"Eto yung sinasabi ko eh, ang clingy! My gahd!" Reklamo ni Yam.

"Sorry na guys!" Sabi ni Rita. Binalik ni Rita ang pagkakapit ng kamay niya sa braso ni Ken.

"Koala ka, girl?" Biro ni Yam.

"Ok na girls, behave na kami. Sorry, sabi ko sa'yo Yam diba, sama ako kapag may gala kayo. Oh para makabawi, drinks on me!" Sabi ni Ken. Naghiyawan naman ang barkada ni Rita.

"Ok na girl, boto na kami kay Ken! Anong color ang motif ng kasal?" Sabi ni Yam.

"Kalma. Agad-agad?" Nanlaki ang mata ni Rita at tipid na ngumiti si Ken.

Pagdating nila kanina ay nag-order ng pasta at pizza si Rita. Hindi pa pala sila nakakain ng maayos ni Ken bago sila nanood ng movie. Hindi naman din nakakabusog ang popcorn na kinain nila.

"Oh eto na food mo, baby." Hinawakan ni Ken ang tiyan ni Rita at hinimas-himas ito nung dumating ang order nila.

"Ikaw talaga!" Natatawang sabi ni Rita.

Sinimulan nilang kainin ang garlic bread sticks na kasama sa pasta. Tatlong piraso ang kasama at kumuha sila tig-isa. Kukunin na sana ni Rita ang pangatlo ng agawin ito ni Ken.

"Hey! Favorite ko yan!" Kumunot ang noo ni Rita. Sinubo naman ni Ken ang bread stick pero hindi nginuya.

"First come, first serve!" Garalgal niyang sagot. Sinimulan na ni Ken nguyain ang bread stick.

"Wait, hati tayo! Reklamo ni Rita.

"Then come get it, baby!" Binitawan na ni Ken ang bread stick pero sinubo niya ulit ito. May pilyong ngiti ito sa mga labi. Halos kalahati na ang nakain ni Ken.

"Bitaw!"

"Uh-uh." Umiling si Ken.

"Ang harot talaga!" Pag-isip ni Rita.

Sinakyan na ni Rita ang trip ni Ken at kinagat ang kabilang dulo ng breadstick. Hinahatak niya na ito pero akma namang kumagat pa si Ken sa side niya. Konti nalang ay magdidikit na ang labi nila. Ngumiti ang dalawa ng nakakaloko. Tinampal ni Rita si Ken sa noo at mabilis na inagaw ang natira. Mabilis din gumalaw si Ken kaya nagdikit pa rin ang labi nila.

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon