"Mukhang napagod kayo sa work-out ah..." Sabi ng manager niya na may pilyong ngiti."Boss! Kanina ka pa?"
Na-upo na si Ken at pinalu-palo ang kamay ni Rita para magising ito. "Rita, gising na...Huy..."
"Hmmm. Wait lang... Five minutes..." Bulong ng nakapikit pang Rita. Inunat pa nito ang katawan niya at tumalikod kay Ken.
"Male-late ka na sa work..." Dagdag ni Ken.
"Flexi time ako..." Sagot ni Rita.
Kiniliti ni Ken si Rita sa tagiliran.
"Hoy!" At doon na tuluyang gumising Rita.
"Good morning, Ms. Rita!" Bati ni manager sa kanya
"Hala, Sir! It's not what you think po..." Tinakpan ni Rita ang sarili niya. Tinawanan siya ni Ken.
"Don't worry Miss Rita, naaaliw lang ako na mukhang nagiging close na kayong dalawa. Tanda ko pa para kayong aso't pusa nung first day niyo..." Paliwanag ni manager.
"Teka lang, boss! Bakit good morning na?" Chineck ni Ken ang phone niya, drained na ang battery nito. Hindi pala niya nagamit ang binigay na powerbank ni Rita. Tumingin sila sa orasan, 7 am na. Bukas na ang gym.
"Hindi ko na kayo napuntahan kagabi, ayaw ako paalisin ng misis ko eh. Saka naisip ko lang rin, pagbalik ng kuryente eh makakalabas na naman kayo. Napa-himbing tulog niyo siguro dahil bumalik yung aircon..."
"Sabagay, nawala sa isip ko yun ah. Eto kasing si Rita masyadong praning kagabi, nadala ako ng panic niya... Takot na takot ma-iwan kasama ako...I'm harmless kaya!" Hirit ni Ken. Sinamaan lang siya ng tingin ni Rita.
"Thank you sa pag-gising sa amin Sir ah, uwi na ako..." Tumayo na si Rita, nag-suklay ng buhok at dinala ang gamit niya.
"Sabay na tayo Rita..." Paghabol ni Ken.
"Sige, ingat kayo. By the way, bagay kayong dalawa! Magka-holding hands pa kayo nung naabutan ko kayo. Ang sweet! I support, pero keep it outside of my gym ha! Huwag kayong haharot dito!"
"Anong holding hands? Anong ginawa mo?" Tanong ni Rita kay Ken.
"Wala akong ginagawa sa'yo ah.... Ang likot mo lang siguro matulog!" Depensa ni Ken.
"Ikaw nga Rita, naka-patong pa braso mo sa bewang ni Coach eh." Dagdag ni boss.
Namula lang si Rita. Si Ken naman ay abot tenga ang ngiti.
"Paano ba yan Rita, may shippers na ang TaKen." Inakbayan ni Ken si Rita.
"Eh kung takalin kaya kita? Gusto mo?" Inalis ni Rita ang braso ni Ken sa balikat niya.
"Witty ka sa TaKen ha." Singit ni boss.
"Mahilig din po pala kayo mag-joke, ano? Hanggang friends lang po kami ni Ken, kasi work niya po 'tong ginagawa namin eh. Baka kasi kapag haluan ng something not good, magkasakitan lang kami..." Seryosong sagot ni Rita.
"Basag! Paano ba yan wala pa nga, bina-basted ka na, Coach Ken..." Tinapik ni manager ang braso ni Ken na para bang kino-comfort siya.
