Level Up: Sixteen

680 27 14
                                    

"Oh, welcome! You must be Rita..." Pagbati ng Mommy ni Ken pagpasok nila sa loob ng mansyon. Inabot ni Mommy ang mga kamay ni Rita at nakipagbeso-beso dito.

"Anak...I missed you. Bakit ngayon ka lang bumisita?" Mahigpit ang yakap ng Mommy ni Ken sa kanya.

"Busy lang po, Ma..."

"Lalo na ngayong may umaagaw ng oras mo sa amin, ano..." Napatingin naman si Mommy kay Rita.

"Mom! Huwag ganon..." Reklamo ni Ken.

Matipid lang na ngumiti si Rita.

"Eto naman, joke lang! Patingin nga anak...." Hinaplos ni Mommy ang mukha ng anak at hinawi ang buhok niya.

"Blooming ang Kuya Ken ko ha..." May ngiting sabi ni Mommy.

"Alagang Rita yan, Ma..." Sagot ni Ken, kinuha niya ang kamay ni Rita para i-holding hands. Hinaplos naman ni Rita ang kamay niya at saglit nilang nginitian ang isa't-isa.

"Oh siya, pasok na tayo. Kanina pa sila naghihintay sa salas. Gutom na mga yun..."

"Hindi naman kami late, Mommy ha?"

"Excited ang Kuya mo makita ka, dito na sila nagbreakfast."

"Nandito rin sila Kuya Karl? So nandito si Baby Leo?" Bakas sa mukha ni Ken ang excitement.

"Yes nandito si baby. Lagi naman bumibisita kuya mo, ikaw lang hindi..." Pangongonsensiya ni Mommy kay Ken.

"Kuya Ken!" Sinalubong agad si Ken ng yakap ng babae niyang kapatid.

"Baby sis...Ano, may manliligaw ka na ba? May isi-screening na ba si Kuya?" Sabi ni Ken habang ginugulo ang buhok ni Kris. Nasa college pa lang si Kris at nine years ang agwat nila ni Ken. Kaya naman bantay-sarado ito ng mga kuya niya.

"Kuya! Pinaghirapan ko pang i-blow dry yan tapos ikakalat mo lang!" Inis na sagot ni Kris. Natawa naman si Rita, mapang-asar nga talaga si Ken.

"By the way Kris, meet my girlfriend. This is your Ate Rita." Inakbayan ni Ken si Rita.

"Ummm. Hi." Mailap na ngumiti si Kris at maigi niyang tiningnan si Rita. Pakiramdam ni Rita ay sinusuri siya nito, at naramdaman niya ang tensiyon. Para bang hindi siya welcome.

Wala ang kuya at papa ni Ken sa salas, dahil nauna na pala ito sa dining room.

"Leo!!!" Agad na nilapitan ni Ken ang pamangkin na kasalukuyang naka-upo sa high chair. Napabungisngis naman ang bata, paborito talaga nito ang Tito Ken niya.

"Oh, Tito Ken." Sabi ni Karl na tinapik ang braso ng kapatid.

"Kuya, hello. Ate..." Pagbati niya sa kuya niya at asawa nito.

"After four years, may ipapakilala ka daw sa amin? Kaya nga ang aga-aga ko nandito eh..." Sabi ni Karl.

"Yes Kuya, meet Rita. Ang pinakamamahal ko..." Nakipag-shake hands naman si Rita dito.

"Naks, loverboy ka talaga." Hirit ni Karl. Namula naman ang pisngi ni Rita sa kilig.

Nilapitan naman ni Ken at Rita ang Daddy ni Ken.

"Dad..." Seryoso lang tiningnan si Ken ng Daddy niya.

"Si Rita po, my girlfriend."

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon