A/N: Hello sa lahat ng sumubaybay sa love story nila Coach Ken at Rita! Isang random idea lang ito at hindi ko inaasahan na sobrang mamahalin niyo ang mag-baby hehehe. Thank you so much sa support niyo! 😊
Last chapter. Medyo mahaba sa normal kong sinusulat. Sana ma-enjoy niyo. Abangan ang Epilogue. 😉
————————————————————
Ilang buwan na rin ang nakalipas. Maayos naman ang pagsasama nila Rita at Ken sa townhouse. Parang ganun na rin kasi ang setup nila simula pa lang, madalas natutulog ang isa sa bahay ng isa kaya nakasanayan na rin nilang magkasama ng buong araw. Naging pormal na lang nung namili na sila ng official na tirahan.
Nag-aaway naman sila, normal naman yun sa kahit anong relasyon. Pasalamat nalang sila dahil mga malilit na away lang ang mga yun at napag-uusapan nila agad kung may issue sila. Ganun naman kasi dapat ang relasyon sa paniniwala nila, dapat handang makinig at hindi sarado ang utak sa panig ng kabila. Magkakatampuhan man pero hindi matutulog ng hindi nagkaka-ayos. Totoo nga, na kasal nalang ang kulang sa kanila.
Pero malaking adjustment pa rin sa kanilang dalawa yung may kahati sa lahat ng bagay, lalo na sa mga desisyon na tungkol sa future nila. Matagal na kasi silang nasanay mag-isa sa lahat, nasanay sila maging independent. Nagamit nila ang panahon na iyon na mas makilala ang isa't-isa. Masarap din pala sa pakiramdam na may ka-sangga ka sa lahat ng hamon sa buhay.
...
On their fourth month together, isang umaga, nagising si Ken at napatingin sa kamay niya na nakahawak sa kamay ni Rita. Tulog pa yung isa, at mahimbing na nananaginip pa nga. Nakatalikod si Rita kay Ken at nakapalupot ulit ang braso niya sa bewang nito. Nilaro-laro niya ang mga daliri nilang mahigpit na nakakabit, isa-isa niyang sinuri ito.
Napatigil siya sa mga pang-apat na daliri nila, yung katabi ng hinlilit. Hinalikan niya ang kamay ni Rita. Medyo naalimpungatan naman si Rita at humarap siya kay Ken. Siniksik ni Rita ang ulo niya sa dibdib ni Ken. Agad naman hinalikan ni Ken ang ulo niya.
"Parang may kulang...It's time."
Noong araw na yun naramdaman niyang handa na siya. Sigurado na nga siya - si Rita na ang gusto niyang makasama habambuhay. Siya na nga yung Mrs. Chan na pinakahihintay niya at hindi na niya ito pakakawalan pa.
Bumili agad siya ng singsing. Dahil gusto niya maka-sigurado sa size ng daliri ni Rita ay hiniram niya ang isang singsing nito sa jewelry box. Isa sa napansin niya ay napakahilig ni Rita sa alahas, magaganda lahat ng collection nito, hindi masyadong magarbo...Low-key lang pero kapag titingnan ng mabuti ay makikita ang intricate details nito.
Naisip niya, ganoon rin siguro ang gugustuhin ni Rita sa engagement ring niya - yung simple ngunit maganda, yung bagay suotin sa pang-araw-araw. Pasimple siyang kumuha ng singsing sa kahon, pinili niya yung isa sa madalas suotin ni Rita, sana lang daw ay hindi nito mapansin. May dinaanan pang ibang meeting si Ken kaya hindi siya agad nakabalik ng bahay. Ibabalik niya agad sana ang singsing pagka-uwi niya. Sana lang ay maunahan niya si Rita umakyat ng kwarto.
Na-traffic si Ken, at si Rita naman ay napa-aga ang uwi. "Shoot, sira ang plano ko.. Ok lang, just keep cool, hindi naman niya siguro mapapansin..." Pag-iisip niya.
Naabutan niya si Rita na naka-upo sa sofa at nagba-browse sa phone pagpasok niya sa townhouse.
"Hi, baby!" Niyakap ni Ken si Rita at hinalikan sa pisngi.