Dala-dala nila ang ilang gamit ni Leo pa-akyat sa kwarto ni Ken. Pagkapasok nila sa kwarto ay binaba muna ni Rita si Leo sa kama. Nagpa-alam muna siyang magsi-CR.
Inikot ni Ken ang kwarto niya. Isang taon na pala simula ng huli siyang pumasok dito. Wala namang alikabok dahil lagi itong nililinis ng mga yaya nila. Lahat ng gamit niya ay nakalagay kung saan niya ito iniwan.
Bumibisita siya sa mansiyon pero hindi siya nagtatagal. Eat and run siya madalas, o kaya naman ay sa salas at garden lang siya tumatambay. Tiningnan niya ang mga gamit niya. Nandun pa rin ang ilan sa memories nila ni Ciara. "T*ngina bakit hindi pa natapon mga 'to?" Pag-iisip niya. "Hindi ka kasi nag-linis, loko."
Alam niya sa sarili niya na nakamove-on na siya. Yung Daddy niya ang hindi maka-move on. At dahil dun inis na inis siya. Dahil sa mga sinabi ng Daddy niya ay bumalik ang mga takot niya - kung kailan masayang-masaya siya ngayon kay Rita.
Ngayon na nga lang siya nagmahal ulit, sisirain pa ng Daddy niya? Pilit niyang tinatakasan ang nakaraan at alam niyang wala ng babalik na Ciara. Hindi na dapat mangamba si Rita doon.
Pero siya naman ang nawalan ng tiwala sa sarili niya. Paano kung umulit ang nakaraan? Nararamdaman niya na grabe ang attachment niya kay Rita at ayaw niyang masakal ito sa pagmamahal niya.
Natigil ang pagmuni-muni niya ng makita si Leo na bumaba ng kama. Nakalimutan niya tuloy na may binabantayan siya.
"Hep! Leo, where are you going?" Hinabol niya ang pamangkin at inupo ulit ito sa kama. Tahimik lang naman sumunod ito sa kanya at nakipagtitigan sa kaniya.
"Sino panalo?" Sabi ni Rita pagbalik niya sa kwarto.
"Huh?"
"May staring game ata kayo ni Leo eh, paunahan maduling ba yan?" Natatawang sabi ni Rita.
"Sali ka?"
"Ay totoo?"
"Joke lang. Wala eh, behave 'tong baby namin." Binuhat ni Ken si Leo at inangat baba ito, tuwang-tuwa naman ang bata.
"Uy, baka mahulog siya!" Pagpigil ni Rita.
"Enjoy na enjoy nga oh..." Napagod na rin si Ken kaya binaba na niya ulit si Leo sa kama.
"Cute-cute naman!" Pinisil ng mahina ni Rita ang baba ni Leo.
"Bagay kayong mag-Tita, baby..." Komento ni Ken.
"Gwapo oh, mana sa Tito Ken." Sabi naman ni Rita.
"Naku, paano pa yung mag-mamana kay Daddy Ken niya." Hirit ni Ken sabay hawak sa bewang ni Rita.
"Hmmm. Someday..."
"Yes naman! Nakikita mo na ang future mo with me, baby?"
"I have thought about it..."
"And?"
"I think you would be amazing, pero malayo pa yun. We've only just begun, baby." Hinaplos ni Rita ang pisngi ni Ken.
"Ok, someday..." Hinalikan niya ang kamay ni Rita.
Bumalik naman ang atensyon nila kay Leo na napahiga na at napapa-kamot sa noo nito.
"Kapag ganyang kinakamot na niya face niya ibig sabihin antok na siya..." Sabi ni Ken.
"Ohh."
"Hmm. San nga ba dito yung gatas niya..." Nilabas ni Ken ang isang jug ng water at ang milk formula ni Leo. Kinuha naman ni Rita ang baby bottle at inabot kay Ken.
"Mukhang expert ang baby ko ah!"
"Madami nang practice 'to..." Agad na kinuha ni Leo ang bottle. Ilang minutes pa lang ng pagka-ubos niya ng gatas ay nakatulog na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/215411722-288-k905900.jpg)