"Saang table tayo, Yam?" Tanong ni Rita pagpasok sa hall.
"Dito sa number 22. Tabi tayo, ha?" Nagpaalam muna si Yam dahil kailangan niya bumalik sa registration booth.
"Ok ka lang? Gutom ka na ba?" Bulong ni Ken kay Rita.
"Hindi pa naman, eh ikaw? Ok ka lang? Baka nao-OP ka na ha?" Tanong naman ni Rita.
"Basta ba kasama kita, masaya na ako..." Inakbayan ni Ken si Rita.
"Sus! Oh dali, picture tayo para may remembrance." Nag-selfie sila sa phone ni Rita.
"Hello ulit Rita! Anyone sitting here?" Pagturo ni Kim sa reserved seat sana ni Yam.
"Actually si—" Hindi na natapos ni Rita dahil umupo na si Kim sa tabi niya. Si Ken sa kanan niya at si Kim ang sa kaliwa, parang kinabahan siya bigla.
"Wala namang name cards, I think I can sit here." May ngiting sabi ni Kim.
"I think Yam was supposed to sit there..." Sabi ni Ken.
"May katabi ka na ba?" Umiling si Ken. "Diyan na lang siya. Tabi tayo Rita." Sabay baling ni Kim kay Rita na may ngiti.
Nakasimangot na uminom nalang ng tubig si Ken. Natahimik silang tatlo. Ramdam na ramdam ni Rita ang pagtitig ng dalawa sa kanya. Parang gusto niyang mag-laho na parang bula.
Dumating bigla si Yam, ilang minutes nalang ay magsisimula na ang program.
"Oh, dito na ako?" Sumenyas siya kay Ken.
"Sorry Yam ah, gusto ko kasi tumabi kay Rita." Paliwanag ni Kim.
"No problem." Sabi ni Yam.
"Sorry." Bulong naman nito kay Ken na mukhang biguan.
Pagkatapos ng mga introduction at opening numbers ay nagsimula na ang buffet.
"Ta, sa wakas kakain na tayo..." Sabi ni Ken kay Rita sabay hawak sa tiyan niya na parang may bata sa sinapupunan niya.
"Huy! Makahawak ka naman..." Natatawa si Rita, inalis niya ang kamay ni Ken, hinawakan din naman at nilaro-laro.
"Tara, Rita..." Pag-aya ni Kim sa kanya nung natawag ang number ng table nila.
Pinapa-una ni Kim si Rita para alalayan ito. Humabol naman si Ken at pilit na sumunod kay Rita. Ilang beses nagkatulakan ang dalawa bago tuluyang naunahan ni Ken si Kim. Inangasan ng tingin ni Ken ito, may ngiting wagi.
"Ta, mukhang masarap 'to ah..."
"Oo nga, eh akala ko ba iwas muna ako diyan..."
"Cheat day! Nasa party ka eh... Gusto ko mag-enjoy ka..."
"All right!" Pinadagdagan ni Ken sa server ang pagkain ni Rita.
Bumalik na sila sa table nila.
"Ta, say ahhh..." Sinubuan ni Ken si Rita ng spaghetti.
Hindi na nakatanggi si Rita dahil baka magkalat pa sila. "Ano ka ba, daming tao. Kakahiya..." Nakangiting sabi ni Rita.
"Naku nambe-baby. Masyado namang matamis, Ken. Inggit ako." Komento ni Yam.
Pinapanood lamang sila ni Kim. Halatang hindi nito gusto ang nakikita niya. Noong nawala ang atensyon ni Rita kay Ken ay kinausap niya ito.
