Unang nagising si Ken. Unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata. Medyo masakit ang ulo niya dahil sa kulang ng tulog pero mas gising ang diwa niya dahil sa ligaya na dulot ng kaganapan kagabi.
Tinitigan niya ulit si Rita. Malalim pa ang tulog nito, at medyo humihilik na naman ng mahina. Naalala niya pa nung na-iwan silang dalawa sa gym. Eto ang paborito niyang side ni Rita - yung pagiging cute nito.
Mas hinigpitan niya ang yakap kay Rita at hinalikan ang noo nito. Medyo inunat ni Rita ang katawan niya at napa-hawi pa ito ng buhok niya pero hindi pa rin ito gumigising. Sinubukan niyang kilitiin ang leeg ni Rita pero umiwas lang ito.
Hinipan niya ang tenga nito. Agad naman nagising si Rita, isang sampal sa noo ni Ken ang reaksyon niya.
"Hey..." Reklamo ni Rita.
"Good morning, baby..." Bulong ni Ken.
"Kainis ka...Bakit ganyan ka mang-gising..."
"Paano ba dapat?"
Hinalikan ni Rita si Ken sa pisngi.
"Ay, mayroong better option..." Hinalikan naman ni Ken si Rita sa labi.
"Yuck, morning breath!" Biro ni Rita.
"Ouch! Sorry naman..." Tatalikod na sana si Ken ng iharap ulit siya ni Rita ulit sa kaniya.
"Joke lang. Isa pa nga..." Malambing na sagot ni Rita. Sumunod naman si Ken.
Inabot ni Ken ang kamay ni Rita at nilaro-laro ang mga daliri niya.
"Kamusta, baby? Napagod ka ba?" Tanong ni Ken, may nakakalokong ngiti sa mukha nito.
Napatakip naman ng mukha si Rita at namula. Napakagat ng labi silang dalawa at tumawa.
"Sakto lang..." Mahina niyang sagot."No regrets?" Seryosong tanong ni Ken. Ayaw niyang isipin ni Rita na yun lang ang habol niya - na minamadali niya ito. Kahit pa si Rita ang nag-initiate ay gusto niya pa rin makasigurado.
"Don't worry, I don't regret it one bit." Sagot ni Rita, at mas hinigpitan niya ang pagka-hawak ng mga kamay nila.
"Mahal na mahal kita, Rita." Hinaplos ni Ken ang mukha ni Rita.
"Mahal na mahal din kita, Ken..." Pinisil niya ang pisngi ni Ken.
Parehas nang nangingilid ang mga luha nila. Sigurado sila happy tears ang mga iyon. Pumikit si Rita, at huminga ng malalim. Mukhang inaantok na naman siya. Tinapik ni Ken ng mahina ang braso niya.
"Baby, walang matutulog..." Sabi ni Ken.
"Baby naman ehhh! Bakit? Ang sarap-sarap ng kama eh... Ang lambot-lambot. Sayang bayad mo!"
"Akala ko ako yung masarap..." Biro ni Ken.
"Ken Chan! Konting-preno naman..." Sapul na naman ang pisngi ni Ken sa kamay ni Rita, medyo mas malakas ang hampas ngayon.
"Gising nga..." Dinilat ni Ken ang mata ni Rita.
"Eto na!" Inayos ni Rita ang sarili at umupo sa kama.
"Mag-breakfast tayo, 6 am na. Start na ng buffet..." Sabi ni Ken.
"Eh kung sinabi mo agad, kanina pa sana tayo natapos..."
"Gusto lang kita asarin..."
"Diyan ka nga magaling. Pasalamat ka, love kita!"
...
Bumaba na sila sa restaurant para kumain.
"Baby, pwede ka bang mag-work from home today?" Tanong ni Ken.
