Level Up : Four

535 18 5
                                    

"Ang sweet naman! Ikaw Rita ah, kaya pala 'di ka na nagpaparamdam, luma-lovelife ka na... Akala namin workaholic ka lang. Ken, pahiram mo naman si Rita sa amin minsan. Miss na namin siya!" Sabi ni Yam.

"Sure, I can share naman! Sama ako ah. Masyado lang kasing clingy 'tong Myloves ko eh..." Sagot ni Ken, lalo lang niya hinigpitan ang kapit sa balikat ni Rita. Hindi mai-pinta ang mukha ni Rita, pilit na pilit ang ngiti nito.

"Yam, mauna na talaga kami ah. May puntahan pa talaga ako..." Hinatak na ni Rita si Ken ng malakas.

"Oh, text mo ko ah! Malapit na yung 10 year high school reunion natin!"

"Ah, this year na ba yun? Sige.. sige..." Nakipag-beso si Yam kay Rita.

...

"Sumosobra ka na! Masiyado ka nang pakialamero!"  Bungad ni Rita pagka-pasok niya ng kotse ni Ken.

"Wala man lang thank you?" Mahinahong sagot ni Ken.

"Papasalamatan kita para saan?!"

"Alam ko yang mga ganyang awkward na pagkikita. Ayaw mo nun, I made you look good? Ang swerte mo kaya kung ako boyfriend mo!"

"You're unbelievable! Saan ka nakakuha ng confidence mong yan? And no, di ka nakatulong sa akin. Madaldal yun si Yam, kakalat na sa barkada namin na may jowa ako..."

"Bakit nga ba wala kang boyfriend? Maganda ka naman, masaya kasama...mukhang mabait..."

"It's none of your business." 

Dumating na sila sa condo ni Rita. Tutulong na sana si Ken na buhatin ang mga pinamili nila papunta sa unit pero pinigilan siya ni Rita.

"Ako na bahala, babalikan ko nalang isa-isa dito sa reception. Thank you sa paghatid." Malamig ang tono ni Rita.

"Sorry na Rita, huwag ka na magalit..."

Huminga ng malalim si Rita.

"Pwede bang mag-usap tayo?" Umupo si Rita sa couch sa lobby ng condo. Sumunod naman sa kanya si Ken.

"Bakit ba ginagawa mo lahat ng 'to? Parang masyado ko namang kinakain yung oras mo...Masyado mo namang atang kina-career yung personal part ng pagiging personal trainer mo."

"What can I say, I love my work eh..."

"Not good enough. I just met you. Na-weweirdo-han na ako sa pag-buntot mo sa akin. Sa totoo lang..."

"Hey, some of it were chance encounters lang ha! I'm sorry if I'm making it awkward for you. I can't explain it, ang gaan ng loob ko sa'yo eh... Gusto kitang maging kaibigan, beyond work." Paliwanag ni Ken.

Hindi sumagot agad si Rita. Naiisip niyang masyado naman ata siyang naging harsh. Naramdaman niya ang honesty ni Ken. Walang halong charot. Inaamin niya magaan din ang loob niya dito, kaya nga sinasakyan niya ang mga hirit nito, kaya siya pumapayag na samahan siya.

She's always been a loner. Mailap siya sa tao. When she meets new people, hindi siya agad kumportable. Well, kahit nga yung mga matagal niya nang kaibigan nahihirapan siyang makasama, lagi siyang may excuses na nabibigay.

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon